MULING pinabulaanan ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects matapos siyang personal na humarap sa ikalawang pagkakataon sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ). Pasado alas-10 ng umaga nang dumating si Revilla sa DOJ upang magsumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan na kinasasangkutan ng Wawao Builders. Ayon kay Atty. Francesca Lourdes Señga, tagapagsalita ni Revilla, walang basehan ang mga alegasyon laban sa dating senador…
Read MoreCategory: BALITA
KAANAK NG MISSING SABUNGEROS: GRETCHEN, ‘ALPHA GROUP’ ISAMA SA KASO
UMAPELA sa Department of Justice (DOJ) ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na isama sa mga kakasuhan sa korte ang aktres na si Gretchen Barretto at ang mga umano’y miyembro ng tinaguriang “Alpha Group.” Layunin ng apela na makapaghain ng mosyon upang maisama sa listahan ng mga akusado ang ilang personalidad na idinadawit sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon kay Jaja Pilarta, kaanak ng isa sa mga biktima, iginiit nilang dapat managot din sina Barretto at iba pang umano’y miyembro ng Alpha Group na sinasabing may direktang kinalaman sa…
Read MoreAIR FORCE GENERAL INARESTO SA KASONG SEDITION
INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si retired Air Force General Romeo Poquiz nitong Lunes ng umaga dahil sa kinahaharap na kasong sedition, nang bumalik ito ng Pilipinas mula sa Bangkok, Thailand. Si Poquiz na lead convenor ng United Peoples Initiative (UPI), ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77. Agad na pinosasan ng mga operatiba ng CIDG si Poquiz pagkalapag ng sinasakyang nitong eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal…
Read MoreTRABAHO AT KLASE SA ENERO 9, SINUSPINDE NI MAYOR ISKO
SINUSPINDE ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang trabaho sa lahat ng mga opisina ng pamahalaang lungsod at mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan upang bigyang daan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Jesus Nazareno. Sa anunsyo ng alkalde, inilatag din ang serye ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan at kabanalan sa panahon ng Pista ng Nazareno. Kasunod ito ng paglagda ni Mayor Isko sa Executive Order No.1 Series of 2026 kung saan nakasaad na ang suspensyon ay layuning pahintulutan ang mga deboto na…
Read MoreMERALCO MULING NAGBABALA LABAN SA PAGNANAKAW NG KABLE NG KURYENTE
Muling nagpaalala ang Manila Electric Company (Meralco) tungkol sa panganib na dulot ng pagnanakaw ng kable ng kuryente at iba pang pasilidad ng kumpanya matapos ang isang insidente sa Quezon City nitong nakaraang linggo. Nagtangkang magnakaw ng mga kable ng kuryente ang isang 37-anyos na lalaki nitong Enero 4, bandang alas-3 ng madaling araw, na nagdulot ng pansamantalang pagkaantala sa serbisyo ng kuryente sa halos 8,000 customer. Naibalik ang serbisyo ng kuryente pasado alas-7 ng umaga matapos ang mabilis na pagresponde ng mga crew ng Meralco para maisaayos ang mga…
Read MoreZALDY CO, ROMUALDEZ PANAGUTIN PA RIN
UMAPELA si Navotas Rep. Toby Tiangco sa publiko na huwag hayaang malihis ang isyu kina dating House Speaker Martin Romualdez at dating congressman Zaldy Co, at tiyaking mananatiling pinapanagot ang mga ito sa umano’y anomalya sa 2025 national budget. Ginawa ni Tiangco ang panawagan sa gitna ng mga bagong kontrobersya sa Kongreso, kabilang ang isiniwalat na P2 milyong Christmas bonus umano para sa bawat mambabatas, na ayon sa kanya ay tila nagtatakip sa mas mabigat na usapin ng korapsyon kaugnay ng nakaraang pambansang pondo. “Tuwang-tuwa siguro sina Zaldy Co at…
Read MoreKukuwestiyunin sa SC ng solon ‘PORK’ NI PBBM SA 2026 BUDGET PINABUBURA
(BERNARD TAGUINOD) NAGHAHANDA na ang legal team ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng 2026 national budget sakaling hindi iveto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bahagi nito, partikular ang P243 bilyong unprogrammed appropriations (UA). Ngayong araw inaasahang lalagdaan ni Marcos ang pambansang pondo na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, matapos maantala ang pagpapatibay nito ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre. Ayon kay Erice, dapat i-veto ng Pangulo ang UA dahil kung hindi ay ihahain nila ang usapin sa Kataas-taasang Hukuman. “Ang…
Read MoreLCSP SA E-TRIKE BAN: KALIGTASAN O NEGOSYO?
NAGPAHAYAG ng pagdududa ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa ipinatutupad na pagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) sa pagdaan ng mga e-trike at e-bike sa ilang lansangan, at kinuwestiyon kung ang hakbang ay para nga ba sa kaligtasan o may kaakibat na interes pang-ekonomiya. Ayon sa LTO, ang mahigpit na panghuhuli at pag-impound ng mga e-trike at e-bike sa mga piling kalsada ay para sa road safety considerations at hindi para sa business o revenue purposes. Ipinaliwanag ng ahensya na may malaking diperensiya sa bilis ng…
Read MoreBIGTIME DRUG PUSHER NASAKOTE NG PDEA
MAHIGIT P1.36 milyong halaga ng ilegal na droga ang nahuli sa isang pinaniniwalaang bigtime drug pusher sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Guinobatan, lalawigan ng Albay. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5), sa pangunguna ng Regional Special Enforcement Team (RSET), sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang drug personality at pagkumpiska ng hinihinalang ilegal…
Read More