KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na umabot sa 140 ang mga nabiktima ng iba’t ibang uri ng paputok at pailaw mula Disyembre 21 hanggang 30 ngayong taon. Mas mababa ito ng 23 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2024 na nakapagtala ng 182 kaso, ayon sa DOH. Gayunman, nakababahala pa rin ang datos dahil 95 sa mga biktima ay edad 19 pababa, habang 58 porsiyento ng mga nasugatan ay mula sa edad 5 hanggang 14 anyos. Nangunguna sa sanhi ng pinsala ang 5-star at boga, habang pumangalawa sa listahan…
Read MoreCategory: BALITA
OSAP WALANG KINALAMAN SA LISTAHAN NG DPWH PROJECTS – LAGDAMEO
WALANG line-item authority ang Office of the Special Assistant to the President sa pagtukoy ng listahan ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways. Paglilinaw ito ni Special Assistant to the President Antonio F. Lagdameo upang pasinungalingan ang sunod-sunod na ulat sa social media na nagsangkot sa OSAP sa tinatawag na DPWH files. “Wala ring papel ang OSAP, o sinoman sa opisina nito, sa pagpapatupad ng anomang Infrastructure projects ng DPWH,” pahayag ni Lagdameo. Kanyang ipinaliwanag na ang mga lumalabas na internet post na nagtatangkang iugnay ang “OP…
Read MoreSECURITY GUARD PINASLANG SA LOOB NG ESKWELAHAN SA QUEZON
HINDI na umabot sa pagsalubong ng Bagong Taon ang isang 50-anyos na security guard matapos itong ratratin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng kanyang pinagtatrabahuhang eskwelahan sa Sariaya, Quezon, bisperas ng Bagong Taon. Ayon sa ulat ng Sariaya Police, dakong alas-7:15 ng umaga nang madiskubre ng isang janitor ng Mamala Integrated Elementary School ang duguang katawan ng biktima na nakabulagta sa loob ng school compound. Kinilala ang biktima na si “Ito,” security guard, residente ng Purok 5, Brgy. Mamala I, Sariaya, Quezon na maraming tama ng bala…
Read MoreDIZON PUMALAG KAY LEVISTE: FLOOD CONTROL INSERTIONS SA BCDA, KASINUNGALINGAN
PUMALAG si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa tinawag niyang malisyosong pahayag at paratang ni Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y pagsingit ng pondo o budget insertions sa flood control projects ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ito ay matapos igiit ni Leviste na sangkot umano si Dizon sa paggamit ng pondo para sa flood control projects habang ito ay nasa BCDA pa. Sa inilabas na pahayag ni Dizon, mariin niyang itinuro na mismong BCDA, na kanyang pinamunuan noon, ang naglabas na ng malinaw na opisyal…
Read More8 PULIS-EPD PINAKAKASUHAN SA ‘NINAKAW’ SA BUY-BUST SA PASIG
PINAKAKASUHAN na ang walong tauhan ng Eastern Police District–Drug Enforcement Unit (EPD-DEU) matapos ireklamo ng umano’y pagnanakaw kaugnay ng ikinasang buy-bust operation sa isang bahay sa Brgy. Palatiw, Pasig City noong Disyembre 26. Ayon kay PNP–Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay, agad tinapos ng IAS ang imbestigasyon matapos lumutang ang reklamo laban sa mga pulis. Inihanda na ang mga kasong administratibo laban sa walong sangkot, mula less grave misconduct hanggang grave misconduct, kung saan ang may pinakamataas na ranggo ay isang Police Captain habang Patrolman naman ang…
Read MoreMPD NAGLABAS NG SAFETY TIPS SA MGA LALAHOK SA NAZARENO 2026
BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Poong Jesus Nazareno sa Enero 9, naglabas ng mahahalagang paalala at gabay ang Manila Police District (MPD) para sa ligtas at maayos na pagdalo sa pista. Ayon sa MPD, iwasan ang pagdadala ng bag at mamahaling gadget upang hindi maging target ng masasamang loob. Mariin ding pinayuhan ang publiko na huwag isama ang mga sanggol, bata at senior citizen dahil sa matinding siksikan at pagod. Pinayuhan din ang mga may sakit, buntis, at maging ang mga nakainom ng alak na huwag…
Read MoreDINUKOT NA SANGGOL SA MARIKINA, NABAWI NA
NABAWI na ng 20-anyos na ina ang kaniyang sanggol na isinilang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Disyembre 25, 2026 na kinidnap kinabukasan ng isang nakunan umano na ina at iniuwi sa kanilang bahay. Sa isinagawang follow up operation ng Marikina PNP, sinuyod nila ang mga kuha mula sa CCTV ng ospital at iba pang ospital na pinuntahan ng suspek hanggang sa matunton ito sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig, Disyembre 29. Batay sa inisyal na imbestigasyon na pinangunahan ni PCol. Jenny Tecson, chief of police ng…
Read MoreP6.793 TRILYON NIRATIPIKAHAN NANG MABILISAN
MINUTO lamang ang inabot ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagratipika ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, sa kabila ng pagtutol ng mga miyembro ng oposisyon. Sa pamamagitan ng ayes at nays voting, agad na inaprubahan ang bicameral conference committee report sa pambansang pondo at kaagad ding in-adjourn ang sesyon, dahilan upang hindi na makapagpaliwanag ng kanilang boto ang mga mambabatas, partikular ang mula sa oposisyon. “Ano kayang pasabog ito na napakabilis ng pangyayari sa pagraratipika ng bicam report. Kaagad na inimove ang adjournment at…
Read MorePAGGASTA SA 2026 BUDGET DAPAT BANTAYAN – LACSON
IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat magtapos sa pag-apruba at paglagda bilang batas ang pagbabantay ng publiko sa panukalang budget kundi dapat magpatuloy hanggang sa mismong pagpapatupad nito. Sinabi ni Lacson na bagama’t binantayan ng mga religious at civil society group ang mga pagtalakay sa bicameral conference committee sa pagbuo ng panukalang badyet, ang susunod na hamon ay tiyakin kung paano gagastusin ng ehekutibo ang pera ng taumbayan sa 2026. Idinagdag ng senador na bagama’t karamihan sa kanyang mga kasamahan sa Senado ay kapareho…
Read More