TIANGCO NAIS MAPALAKAS ANG ICI; TAUMBAYAN DUDA KAY BERNARDO

MULING iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na pangil ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para maimbestigahan at mapakulong ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Tiangco, makatutulong ang kanyang House Bill No. 5699 para gawing mas mabilis at epektibo ang mga imbestigasyon ng ICI at pagsampa ng mga kaukulang kaso.

Batay sa panukala, ang ICI ay gagawing Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) at bibigyan ng kapangyarihang magsampa ng kaso, mag-isyu ng subpoenas, hold departure orders, at magsagawa ng mas malawakang imbestigasyon.

“Ito (ICI) ay tutulong sa Ombudsman at DOJ na mapabilis natin ang proseso because meron tayong responsibilidad sa mamamayang Pilipino na makita kaagad na seryoso dito sa imbestigasyon, dahil ito yung pinakamalaking corruption scandal sa history ng ating bansa,” ani Tiangco.

Kasabay nito, kinukuwestiyon naman ng publiko si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo sa pagkakaroon niya ng selective memory sa kanyang mga testimonya sa Senado.

Ang pabagu-bagong testimonya ni Bernardo ang naging dahilan para i-reevaluate ng ICI ang pinaplano nilang mga kaso.

Tinawag pa ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi kapani-paniwala si Bernardo dahil panay hearsay o tsismis lamang ang kanyang piniprisinta na ebidensya.

Matatandaan din na ilang beses hindi sumipot si Bernardo sa mga pagdinig sa ICI dahil sa “medical reasons” ngunit ganado at maayos naman kapag humaharap sa Senado.

Duda ng marami, mukhang ginagamit lang si Bernardo para manira ng iilan at hindi para sa katotohanan, kapalit ng paglagay sa kanya sa ilalim ng Witness Protection Program. (EG)

53

Related posts

Leave a Comment