POLONG KAY TARRIELA: PCG HUWAG GAMITIN SA AMBISYON

BINANATAN ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela, matapos siyang akusahan nitong tila ipinagtatanggol ang China kaugnay ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS). “Stop using the Coast Guard to chase your personal ambitions,” matalim na tugon ni Duterte kay Tarriela. Bago ito, kinompronta ni Duterte si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. dahil umano sa pagsugal nito sa buhay ng mga Pilipino para lamang magpasikat sa United States (US). Ito’y matapos sabihin ni Brawner na kayang umabot hanggang…

Read More

MAYNILA HANDANG-HANDA NA SA UNDAS

TODO na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa mga pampublikong sementeryo ng lungsod. Inatasan ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang lahat ng frontline departments na tiyakin ang buong presensya ng gobyerno sa Manila North, South, at Islamic Cemeteries sa mismong pagdiriwang ng Undas. Sa ginanap na directional meeting nitong Oktubre 27, ipinag-utos ni Domagoso na manatiling visible at alerto ang mga tauhan sa ground para sa pamamahala ng tao, kaligtasan, at mabilis na serbisyo sa publiko.…

Read More

Pandarambong usapin ng national security – lawyers HAMON KAY MARCOS JR.: PASSPORT NI CO KANSELAHIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAITUTURING na banta sa seguridad ng bansa ang talamak na pagnanakaw sa kaban ng bayan kaya maaaring iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanselasyon ng pasaporte ni dating House Appropriations Committee Chair at Ako-Bicol party-list rep. Zaldy Co. Sa gitna ng pagpalag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at mga tagapagtanggol ni Co sa panawagang kanselahin ang kanyang pasaporte, sa katwirang walang legal na batayan sa ilalim ng batas hanggat walang “court order,” hinimay ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and…

Read More

Kung seryoso Marcos admin kontra korupsyon: PAGLILINIS SIMULAN SA MALACAÑANG – SOLON

DAPAT umanong simulan ng administrasyong Marcos Jr. ang kampanya kontra korupsyon sa loob mismo ng Malacañang. Ito ang panawagan ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña matapos kontrahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ideya ng pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno. Ayon kay Cendaña, tila inaalisan ng sandata ang taumbayan sa laban kontra katiwalian ang posisyon ni Bersamin. “Sandata ito laban sa katiwalian at kalasag laban sa pangungurakot. Pero ipinagkakait ito ni Bersamin—taliwas sa sinasabi ng Pangulo na gusto niyang mapanagot…

Read More

POLONG KAY BRAWNER: BUHAY NG PINOY ‘WAG ISUGAL PARA MAGPASIKAT SA US

BINANATAN ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa pahayag nito na kayang umabot sa China ang US-made Typhon missile system na nakadeploy sa Pilipinas. “So is this now our idea of defense? Showing off for America even if it’s clear that Filipinos will be the first to burn from another nation’s retaliation?” patutsada ni Duterte. Ayon kay Brawner, may kakayahan ang US Mid-Range Capability missile system na umabot hanggang mainland China. Ngunit para kay Duterte, hindi ito garantiya ng seguridad…

Read More

KAAYUSAN AT SEGURIDAD PARA SA UNDAS 2025 INILATAG NG RIZAL PNP

INILATAG na ng pamunuan ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO) ang mga paghahanda para sa kaayusan at seguridad ng nalalapit na Undas ngayong taon. Ayon kay PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal PNP, ilalatag ang mahigpit na seguridad sa 83 sementeryo at 7 columbarium sa lalawigan mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, 2025, kung saan inaasahang aabot sa mahigit 405,000 katao ang dadalaw. Mahigit 2,300 pulis at force multipliers ang ipakakalat sa buong Rizal, pinakamarami sa Antipolo (369), Taytay (315), San Mateo (202), at Angono (182) — mga…

Read More

Hikayat ni Solidum sa Manila officials BUMUO NG DISASTER IMAGINATION, ‘DI TAKOT SA ‘THE BIG ONE’

NANAWAGAN si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum Jr. noong Sabado, Oktubre 25, sa mga opisyal ng lungsod ng Maynila na palakasin ang imahinasyon at kahandaan sa sakuna sa halip na takot, sinabing ang epektibong paghahanda ang pinakamahusay na depensa laban sa isang malakas na lindol tulad ng “The Big One.” Sa kanyang keynote session “The Big One: What LGU Manila Needs To Know” sa pagbubukas ng Executive Course on the Incident Command System, sinabi ni Solidum na ang paghahanda ay dapat magsimula sa kaalaman, koordinasyon,…

Read More

4 HVTs ARESTADO, DRUG DEN WINASAK NG PDEA

ROXAS CITY – Apat na high-value targets (HVTs) ang naaresto sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Sabado ng hapon, Oktubre 25, 2025, sa Sitio Railway, Barangay Punta Tabuc sa lungsod. Sa nasabing anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA Capiz Provincial Office, katuwang ang Police Regional Intelligence Unit 6 – Capiz, ay nalansag din ang isang drug den. Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P225,000, kasama ng ilang non-drug items gaya ng marked money, lighter,…

Read More

MINOR PHREATOMAGMATIC ERUPTION NAITALA SA TAAL

MULING nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal dakong alas-8:00 nitong Linggo ng umaga. Ngunit ayon sa Phivolcs, nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang nasa mababang antas ng pag-aalburuto at wala pang senyales ng malawakang pagsabog. Pero nagdulot pa rin ito ng pagkatakot sa mga nakasaksing residente. Noong Sabado ng hapon, isa ring minor eruption ang naitala dakong alas-5:31 ng hapon. Ayon sa ulat ng ahensya, ang naturang pagputok ay lumikha ng plume…

Read More