INTERPOL BLUE NOTICE VS. REP. ZALDY CO KASADO

KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na inihahanda na nila ang kahilingan sa Interpol para mag-isyu ng blue notice laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy. Bagama’t wala pa ang naturang notice, tiniyak ng kalihim na kasalukuyan na itong pinoproseso kaugnay ng pagkakasangkot umano ng kongresista sa maanomalyang flood control projects. “Yes, we’re working on it. I’m asking Assistant Secretary Eli Cruz to help us with the blue notice,” ani Remulla. Aminado rin siya na hindi ito agad maisasakatuparan dahil sa dami ng impormasyon na…

Read More

COA NAGHAIN NG FRAUD AUDIT REPORTS SA ICI KAUGNAY SA P360-M DPWH FLOOD CONTROL PROJECTS SA BULACAN

Itinurn-over ni COA Assistant Commissioner Bresilo R. Sabaldan (gitna) ang pinakabagong Fraud Audit Reports sa ICI. NAGHAIN nitong Biyernes ang Commission on Audit (COA) ng apat na fraud audit reports (FARs) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga iregularidad sa apat na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Bulacan 1st District Engineering Office (DEO) na nagkakahalaga ng mahigit P360 milyon. Batay sa imbestigasyon ng COA, isang proyekto ang hawak ng SYMS Construction Trading, habang tatlo naman ay nasa ilalim ng Topnotch Catalyst Builders Incorporated…

Read More

Para sa mabilis na hustisya 11 BAGONG KORTE ITATAYO SA DAVAO CITY

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12307 na nagtatatag ng 11 karagdagang sangay ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Eleventh Judicial Region sa Davao City. Nilagdaan ang RA 12307 noong Setyembre 18, na nag-aatas sa Korte Suprema na magtalaga ng branch numbers at tiyakin ang agarang pagpapatakbo ng mga bagong korte sa koordinasyon ng Department of Justice (DOJ). “The Supreme Court shall issue the necessary rules and regulations for the effective implementation of this Act and, if warranted, the realignment of seats and existing…

Read More

Bagong poverty threshold pinalagan ng kongresista: P84 CHALLENGE KAY BALISACAN

HINAMON ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando si Department of Economic Planning and Development (DepDev) Secretary Arsenio Balisacan na subukan mismo ang inilabas ng kanyang ahensya na bagong poverty threshold na nagsasabing ₱84 lang ang kailangan ng isang tao para sa pagkain sa isang araw. Sa deliberasyon ng 2025 House General Appropriation Bill (HGAB), binanggit ng DepDev na ang food poverty threshold ngayong taon ay nasa ₱12,832 para sa isang pamilya na may limang miyembro, o katumbas ng ₱422 kada araw. Kung hahatiin sa bawat miyembro ng pamilya, lalabas…

Read More

Muling umingay sa gitna ng mga protesta KUDETA, DESTAB VS MARCOS JR. ADMIN

SA gitna ng patuloy na pag-init ng usapin sa umano’y multi-bilyong anomalya sa DPWH flood control projects at sunod-sunod na anti-corruption protest, bigla ring lumutang ang isyu ng destabilisasyon at umano’y planong kudeta laban sa administrasyong Marcos Jr. Pero agad itong ibinasura ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa inilabas na pahayag, mariing itinanggi ng AFP ang mga kumakalat na espekulasyon hinggil sa posibleng kudeta o destabilization plots laban kay Pangulong Marcos. “The Armed Forces of the Philippines (AFP) rejects malicious narratives about supposed plans to unseat…

Read More

WALANG PASOK: METRO MANILA, ILANG PROBINSYA

BUNSOD ng inaasahang malakas na ulan at hagupit ng hangin mula kay Severe Tropical Storm “Opong”, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa klase at trabaho sa gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa bukas, Biyernes, Setyembre 26, 2025. Ayon sa Memorandum Circular No. 102, walang pasok sa lahat ng antas at walang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras,…

Read More

Dating close-in security kumanta ROMUALDEZ, ZALDY CO HINATIRAN NG MALE-MALETANG PERA

(DANG SAMSON-GARCIA) IBINUNYAG ng dating close-in security ni Cong. Zaldy Co na tatlong beses kada linggo silang nagdedeliber ng pera—na tinawag niyang “basura”—sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Orly Regala Guteza na mula nang ma-hire siya bilang security detail ni Co noong Disyembre 2024 hanggang Agosto 2025, naging regular ang paghahatid ng pera. Ibinulgar din niya na si Cong. Eric Yap ay naghatid ng 46 maleta ng pera sa bahay ni Co—bawat isa’y naglalaman ng tig-P48 milyon. Aniya, 35…

Read More

LAHAT NG AHENSYA PINAGHANDA SA PAGTAMA NG BAGYONG OPONG

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kahandaan laban sa nagbabantang pananalasa ng Severe Tropical Storm Opong (Bualoi). Sa kautusan ng Pangulo, itinaas ng DILG ang heightened alert sa lahat ng LGUs, lalo na sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo. Nasa Alert Level Charlie (Red) ang 16 na lalawigan na posibleng hagupitin ng matinding ulan at hangin: Albay, Bataan, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Marinduque, Masbate, Metro Manila, Northern Samar, Occidental…

Read More

4-ANYOS PATAY SA PALO NG INA

CAVITE – Trahedya ang sinapit ng isang 4-anyos na batang babae matapos umanong bugbugin hanggang mamatay ng sariling ina sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Crystal, habang hawak na ng pulisya ang ina nitong si Beverly, 23, na sasampahan ng kasong parricide. Ayon sa mga kapitbahay, nakita nilang pinaghahampas ng ina ang kanyang anak gamit ang matigas na kahoy. Makalipas ang ilang minuto, humingi ng tulong ang suspek para isugod sa ospital ang bata dahil hindi ito na gumagalaw at humihinga. Ngunit…

Read More