GINAMIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa National Heroes’ Day upang manawagan laban sa korupsyon. Idineklara ng Pangulo na ang anomalya at pang-aabuso sa kapangyarihan ay ‘modern-day threats” na nagnanakaw sa kalusugan, pangarap at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng Pilipino. “Hindi lamang salapi ang kanilang ninanakaw, kundi pati ang kalusugan, pangarap, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na Pilipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani. Ani Pangulong Marcos, ang pagkilala sa sakripisyo ng mga ‘bayani ng bansa’ ay…
Read MoreCategory: BALITA
Para mabantayan pera ng bayan SOLON HUMIRIT NG BUDGET TRANSPARENCY SERVER
UPANG mapadali ang pagsubaybay kung saan dinadala at papaano ginagamit ang national budget, iginiit ng isang mambabatas na magbukas ang gobyerno ng ‘budget transparency server’. Ginawa ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang panawagan dahil ito umano ang nais ng civil society organizations (CSOs) na inimbitahan ng Kongreso bilang mga observer sa deliberasyon ng 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793 trillion. “Pera ito ng taumbayan kaya dapat lang naman na alam nila kung anong nangyayari—kung saang serbisyo ito planong gamitin o ilipat, lalong-lalo na para maprotektahan…
Read MoreSOLON SA DOJ: MAGHANAP NA NG WITNESS SA FLOOD CONTROL SCAM
NGAYON pa lamang ay dapat simulan na ng Department of Justice (DOJ) ang paghahanap ng mga witness sa mga gumahasa umano sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ginawa ni Bacolod Rep. Albee Benitez ang panawagan sa DOJ dahil darating ang araw na sila ang magsasampa ng kaso laban sa mga nagnakaw sa pondo ng mga proyektong ito na sentro ngayon ng imbestigasyon ng Office of the President at Kongreso. “The Department of Justice must not wait for witnesses to step forward…
Read MorePBBM kontra korupsyon sinopla ng solon “ISOLI MO MUNA ILL-GOTTEN WEALTH NG PAMILYA MO”
“HUWAG feeling hero masyado. Tumingin siya sa salamin”. Ganito binasag ni Kabataan party-list Rep. Rene Co ang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Libingan ng mga Bayani kasabay ng paggunita sa National Heroes’ Day kahapon kaugnay ng panawagan nito na paigtingin ang kampanya laban sa katiwalian. “Ninakaw ng kanilang pamilya ang kinabukasan ng libo-libong pinatay sa ilalim ng batas militar at ng sumunod pang mga henerasyon na nilubog sa utang at kahirapan dahil sa diktadurang Marcos. Simulan niya muna ang mga pangako niya sa pagsoli ng kanilang ninakaw,”…
Read MoreSolons sa hamon ni Yorme BASURA SA MAYNILA IMBESTIGAHAN DIN
KINASAHAN ng tatlong Manila Congressmen ang hamon ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na imbestigahan ang flood control projects sa lungsod matapos muling makaranas ng matinding pagbaha noong Biyernes dahil sa bagyong Isang at habagat. Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Manila 6th District Congressman Bienvenido Abante Jr., Rep. Joel Chua ng ikatlong distro at Rep. Ronaldo Valeriano ng ikalawang distrito na walang problema sa kanila ang imbestigasyon na nais ni Moreno. “No problem with me. Maganda po yan para malaman na din natin kung ito po ang tamang solusyon…
Read MoreSAN SIMON, PAMPANGA MAYOR INIREKLAMO NG REALSTEEL CORP. SA OMB
NAGHAIN kamakailan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang RealSteel Corp. laban kay San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punsalan Jr., kaugnay ng umano’y pangingikil nito gamit ang tax-incentive ordinance. Isinampa ng RealSteel Corporation ang complaint-affidavit sa pamamagitan ng mga kinatawan nito na sina Irwin H. Chua at Melodie E. Arellano noong August 19, 2025. Inakusahan nila si Punsalan Jr., ng acts constituting grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the best interest of the service under the 2017 Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service…
Read MoreKONTRATISTA, POLITIKO, DPWH OFFICIALS SA GHOST AT SUBSTANDARD FLOOD CONTROL PROJECTS, KASUHAN NA – TULFO
“DAPAT lamang na kasuhan na ang mga kontratista, politiko at DPWH (Department of Public Works and Highways) officials na nagsabwatan sa ghost at substandard flood control projects”. Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo, vice-chairman ng Blue Ribbon Committee, sa isang media interview kamakailan. “Para hindi na pamarisan pa in the future, dapat may masampolan na,” ani Sen. Tulfo. Dagdag pa ng mambabatas, “Trilyong pisong pera ng taumbayan ang ninakaw nila kaya dapat lamang na managot ang mga yan”. “Kung yung shoplifter nga na nagbubulsa lang ng ilang item…
Read MoreDIVISION HEADS MEETING NG PORT OF MANILA PINANGUNAHAN NI POM COLLECTOR ALVIAR
PINANGUNAHAN ni District Collector Alexander Gerard E. Alviar ang pagdaraos ng Division Heads Meeting ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Manila (POM). Dumalo sa pulong ang mga hepe ng Port Division, Support Offices, at Subport Collectors. Sa nasabing pulong ay kinilala ni Alviar ang pagsisikap ng POM team para sa kanilang outstanding collection performance sa nagdaang mga buwan. Ayon kay Alviar, dahil sa dedikasyon at pagsisikap ng mga opisyal ay nahigitan ng Port of Manila ang kanilang revenue targets. Sa nasabing pulong tinalakay ang mga update sa collection…
Read MoreKatotohanang kinatatakutan ng Tsina ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA – GOITIA
INILARAWAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” na hindi lang basta pelikula kundi salamin ng pakikibaka ng mga Pilipino. Ang katotohanan aniya na para sa mga Pilipino ang West Philippine Sea, ang kinatatakutan ng China. Ipinapakita aniya ng nasabing pelikula ang mga ama na pumapalaot sa dagat, mga inang nag-aabang ng pagkain sa hapag, at mga anak na umaasa sa kinabukasan ng bansang iiwan natin. “Hinaharang nila ang palabas na ito dahil inilalantad nito ang mga bagay na ayaw…
Read More