BATANGAS – Arestado ang isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taal, Batangas matapos tangkaing suhulan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste. Kinumpirma ni Leviste ang pagkakadakip kay District Engineer Abelardo Calalo noong Biyernes, Agosto 23, sa isang entrapment operation. Ayon sa inisyal na ulat, nag-alok umano si Calalo ng P3.1 milyong suhol upang hindi imbestigahan ng kongresista ang mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito. Patuloy na iniimbestigahan ni Leviste ang mga proyekto sa DPWH, at natuklasan na marami sa flood control projects…
Read MoreCategory: BALITA
5 INDIBIDWAL HULI SA GUN BAN SA BARMM
ARESTADO ang limang sibilyan na lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay sa darating na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre. Batay sa datos ng Philippine National Police, limang sibilyan ang naaresto mula Agosto 14 hanggang Agosto 24 sa magkakahiwalay na operasyon kabilang sa checkpoint, police response/patrol operation at anti-illegal drugs operations. Ayon kay Police Regional Office-BAR spokesperson, Lt. Col. Jopy Ventura, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang maliliit na armas at mga bala. Tiniyak ng pulisya at militar na patuloy ang paghihigpit…
Read More2 SANGAY NG CONVENIENCE STORE HINOLDAP
CAVITE – Dalawang sangay ng isang convenience store ang magkasunod na hinoldap ng dalawang suspek sa Silang at Dasmariñas City sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na ang isa ay inilarawang tinatayang 5’4″ ang taas, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask, brown na jacket, habang ang isa pa ay payat din ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask at hoodie jacket, at magka-angkas sa motorsiklo. Ayon sa salaysay ni Kristel Ann, store crew ng convenience store sa Brgy. Iba,…
Read MorePito pa sugatan VAN NAWALAN NG PRENO, 2 ESTUDYANTE PATAY
ANTIQUE – Patay ang dalawang estudyante habang sugatan ang pitong iba pa makaraang mawalan ng preno ang isang L300 van at sumalpok sa isang bahay Ayon sa ulat ni PEMS Jeaneth F. Garces, deputy ng Laua-an Municipal Station, dakong alas-5:55 ng umaga habang minamaneho ni Soriano Samonte Jr. ang L300 van sa national highway ng Barangay Candahug nang mawalan ito ng preno. Bunsod nito, bumangga sa isang bahay ang sasakyan na may plakang FAA-9816, at galing umano sa Culasi at patungo sa San Jose. Kaagad namang isinugod ng mga nagresponde…
Read MoreKLASE NGAYONG MARTES SA ILANG LUGAR, SINUSPINDE NG MALAKANYANG
INANUNSYO ng Malakanyang na walang pasok ngayong Martes, Agosto 26, 2025, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na lugar dahil sa masamang panahon ayon sa PAGASA. Ang mga sumusunod lugar ayon sa PAGASA ay ang: • Metro Manila • Aurora • Quezon • Rizal • Laguna • Camarines Norte • Camarines Sur • Albay • Sorsogon • Catanduanes • Masbate • Northern Samar • Eastern Samar • Leyte • Southern Leyte Samantala, pinayuhan naman ng Presidential Communications Office…
Read MoreNAKARARAMING PINOY WALANG TIWALA SA CHINA
MAYORYA ng mga Pilipino ay walang tiwala sa Tsina at nakikita ang bansa bilang ‘greatest threat’ sa Pilipinas, ayon sa resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, ipinalabas araw ng Lunes. “A great majority of adult Filipinos (85%) continue to distrust China, with only 15 percent saying the Philippines should trust the country,” ang sinabi ng OCTA. Ilang rehiyon gaya ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at Caraga ang nag-ulat ng ‘full 100% distrust’ sa Tsina. Ang Cagayan Valley ang nakapagtala ng pinakamababang kawalan ng tiwala sa Tsina,…
Read More3 SANGKOT SA PAGDUKOT NG MGA KOREANO, NAARESTO
TATLONG kidnapping suspect ang inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng pulisya sa Clark Freeport sa Pampanga dahil sa pagdukot umano sa dalawang Korean nationals. Ang tatlo ay inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Mabalacat City, Pampanga dahil sa pagkakasangkot umano nila sa pagdukot sa dalawang Korean nationals. Natunton ang kinaroroonan mga suspek matapos makatanggap ng intel report ang Mabalacat police hinggil sa sasakyang ginamit umano ng mga suspek sa pagtangay sa kanilang biktima. Sa nasabing pagkilos ng mga awtoridad ay…
Read More2 KILO NG SHABU NASAMSAM, DRUG HVT HULI
TINATAYANG nasa dalawang kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa Iligan City. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nagkakahalaga ng P13.6 million ang street value ng nasamsam na droga sa ikinasang joint buy-bust operation ng PDEA RO9 at PDEA RO 10, katuwang ang iba pang law enforcement agencies ng pamahalaan. Nabatid na nagsagawa ng pinagsanib na operasyon kontra droga ang PDEA at katuwang na mga ahensya na…
Read MoreIpinoporma ng lawyers’ group’CLASS SUIT’ VS GOV’TOFFICIALS, CONTRACTORSSA FC ANOMALIES
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KAILANGANG mapanagot, kontraktor man o opisyal ng pamahalaan sa pinsalang dulot sa mga motorista at mananakay ng anomalya sa flood control projects. Ito ang binigyang-diin ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) kaugnay ng kontrobersyal at maanomalyang mga proyekto na sinisisi sa matinding pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Sa kanilang Facebook page, sinabi ng grupo na dama ng mga motorista at commuters ang epekto ng malawakang korupsyon. Habang kumikita anila ang mga tiwaling opisyal at kontraktor ay perwisyo naman ang kapalit sa mga mananakay…
Read More