Goitia sa aksyon ni PBBM sa kontrobersya sa flood control projects: PAGKONTRA SA KORUPSYON LABAN NG BAWAT PINOY

SA panahong dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatwiran ang palpak at substandard na trabaho at malawakang korupsyon. Pahayag ito ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, pinuno ng iba’t ibang makabayang organisasyon. “Kaya’t todo ang suporta ko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang matapang at makatuwirang pag-inspeksyon sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipinapakita niya na ang kapabayaan at panloloko sa bayan ay hindi niya palalampasin,” pahayag ni Goitia. Sinabi ni Goitia na sa mga isinagawang on-site…

Read More

STAFF NI PADILLA NAGBITIW; TSONGKE SESSION ITINANGGI

KINUMPIRMA ni Atty. Rudolf Jurado, chief of staff ni Senador Robin Padilla na tinanggap na nila ang resignation ni Political affairs officer VI Nadia Montenegro sa gitna ng alegasyon ng paggamit niya ng marijuana. Ayon kay Jurado, isinumite ang resignation letter, Lunes ng umaga kasama ang written explanation. Sa written explanation ni Montenegro, itinanggi nitong gumamit siya ng marijuana. Sa incident report, lumabas na noong Hulyo at Agosto 12, 2025, may naamoy na kahalintulad ng marijuana sa comfort room. Inamin niyang gumamit siya ng PWD comfort room at hindi ladies’…

Read More

GUSOT SA NAPOLCOM AT PNP NAPLANTSA NA

NARESOLBA na ang hindi pagkakaunawaan ng National Police Commission at Philippine National Police (PNP) kasunod ng ipinatupad na balasahan ng huli kamakailan. Sa pahayag ni PNP chief Police General Nicolas Torre lll, nagkaroon na ng pag-uusap ang kanilang panig sa PNP at Napolcom. Matatandaan na nagkaroon ng gusot ang PNP at Napolcom nang kontrahin nito ang pinakahuling balasahan na ipinatupad sa hanay ng pulisya. Ani Torre, nagkaroon sila ng dayalogo sa loob ng organisasyon at pinlantsa ang mga kalituhan sa isyu. Naniniwala siyang natuldukan na ang usapin at “moving forward”…

Read More

SALOOBIN NG BIZ GROUP SA IMPEACHMENT IKINATUWA SA KAMARA

MISTULANG nabuhayan ng loob ang mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa positibong posisyon ng grupo ng mga negosyante sa bansa sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kina Deputy Speaker Paolo Ortega at House committee on good government and public accountability chairman Rep. Joel Chua, malaking bagay ang panawagan ng Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Integrity Initiative, at Justice Reform Initiative sa Korte Suprema na muling pag-aralan ang desisyon nitong pagbasura sa impeachment case laban kay Duterte. “This is not just a…

Read More

McDon’t! – Atty. Rodriguez BOYCOTT VS VICE GANDA UMANI NG SUPORTA

NAKIISA si Atty. Rodriguez sa mga netizen na nanawagan na i-boycott ang mga iniendorsong produkto ng komedyanteng si Vice Ganda. Kasunod ito ng viral video clip mula sa concert ni Vice Ganda kung saan marami ang nabastusan sa kanyang ginawang pagpapatawa na tumutukoy sa sinapit ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang Facebook page ay nagpost ng video nitong nakaraang Biyernes ang dating executive secretary na nananawagan na boykotin muna ang mga ini-endorse ni Vice kabilang na ang isang fast food chain. “Ang pinatutukuyan po natin dito sa i-boycott ay…

Read More

‘Ginagapang’ ng ilang kongresista? AKAP ‘DI BIBITIWAN NG KAMARA

KAHIT hindi kasama sa 2026 National Expenditure Program (NEP) ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), tila may mga kongresista na nais itong mapondohan sa 2026 general appropriations bills (GAB). Ito ang inamin ni House appropriations committee chairman Rep. Mikaela Suansing sa isang panayam kahapon. Nauna nang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na hindi nilagyan ng pondo sa isinumiteng NEP sa Kamara noong nakaraang linggo ang AKAP. “Meron pong ilan na nagpaparating sa akin na kung puwedeng tingnan yung pondo sa AKAP.…

Read More

3 ‘JUMPER BOYS’ NABINGWIT SA TONDO

ARESTADO ng mga tauhan ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, ang tatlong tinaguriang “Jumper Boys” na umaakyat at nagnanakaw sa mga biyahero ng gulay at driver ng container vans, habang nag-uumpukan sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Nadakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Aying”, 23; “Frank”, 18, at “Paul”, 18, habang nagsusugal ng cara y cruz at nakumpiskahan ng improvised na baril at hinihinalang shabu na tinatayang P6,000 ang street value. Ayon sa ulat ni Police Captain Ryan Jay Balagtas,…

Read More

2 KOREANO PATAY SA AMBUSH NG TANDEM

DALAWANG Koreano ang namatay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang lulan ng taxi sa Adriatico Street, Malate, Manila noong Biyernes ng gabi. Base sa ulat ng Manila Police District, bandang alas-11:30 ng gabi nang makarinig ng mga putok ng baril sa lugar. Pagkaraan ay natagpuang walang buhay ang dalawang biktima na walang nakuhang identification card para sa kanilang pagkakakilanlan. Ayon sa nakasaksing barangay tanod, matapos pagbabarilin ay kinuha ng mga suspek ang bag ng mga biktima. Natagpuan ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang bala ng 9MM…

Read More

AFFIDAVIT SA CIDG PINASU-SUBPOENA NG ABOGADO SA ‘MISSING SABUNGEROS’

PARA sa isang patas na imbestigasyon, hiniling ng abogado ng isa sa mga idinadawit sa kaso ng “missing sabungero” sa Department of Justice (DOJ) na i-subpoena ang mga affidavit na sinasabing pinipigilan umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Naniniwala si Atty. Bernard Vitriolo, abogado ni PSMS Joey Encarnacion, na nakatulong sana sa kanyang kliyente na magpakita ng patas na depensa ang nasabing affidavit. Sa tatlong pahinang liham ni Vitriolo kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na may petsang Agosto 15, 2025, sinabi nito na ang isang patas na…

Read More