DPWH, MMDA PINAEETSAPWERA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

SA gitna ng mga anomalya sa flood control projects, nais ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanggalin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang responsibilidad sa nasabing proyekto. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 3107 na inakda ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers para sa pagbuo ng National Flood Control Authority o NFCA na siyang mangangasiwa sa lahat ng flood control projects. Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil sa kabila ng trilyong piso na ginastos sa flood…

Read More

MURDER SUSPECT SUMUKO SA NBI

ZAMBALES – Sumuko sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan District Office, ang isang most wanted person sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan. Kinilala ni NBi Director Jaime B. Santiago ang sumuko na si alyas “Chot”, nasa hustong gulang, may kasong murder at frustrated murder. Ayon sa ulat ng NBI-DADO, noong Agosto 5 ay nakatanggap sila ng “surrender feeler” mula sa kampo ng suspek kaya kinabukasan ay agad nagtungo sa lugar ang mga awtoridad. Kasama ang isang kaibigan, nakipagkita ang suspek sa mga awtoridad sa dalampasigan sa…

Read More

STORE CREW ‘NILAMON’ NG TALON SA CAVITE

CAVITE – Patuloy na pinaghahanap ang isang 26-anyos na store crew ng isang convenience store, na hinihinalang nalunod nang maligo kasama ang ilang kaibigan sa isang talon sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Nakipag-ugnayan na ang Maragondon Municipal Police Station sa Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang biktimang si Annbert Dimaapi y Cortez, 26, binata, residente ng Brgy. Mabato, Maragondon, Cavite. Nabatid sa ulat, bandang alas-3:50 ng hapon, nagtungo ang biktima at ilang kaibigan sa Ragatan falls, sa Brgy. Mabato, Maragondon, Cavite upang maligo.…

Read More

Tinarget ng mga nag-aambisyon sa posisyon? SANTIAGO NAGBITIW SA NBI

KINUMPIRMA ng Malakanyang na nagbitiw sa kanyang puwesto si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago. “He (Santiago) submitted his resignation,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message. Wala namang ibinigay na dahilan si Castro sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Santiago. Sinabi ni Castro na sa ngayon ay hindi pa tinatanggap ng Pangulo ang pagbibitiw sa pwesto ni Santiago. “Wala pa po comment mula sa Pangulo,” aniya pa rin. Sa kabilang dako, ang kopya ng resignation letter, naka-address kay…

Read More

PAGLIPAT NG ONLINE GAMING SITES LINK SA IBANG MOBILE APPS IKINABAHALA NI SEN. ERWIN TULFO

PINURI ni Senador Erwin Tulfo ang mga e-wallet firms sa pagsunod sa 48-oras na ultimatum ng Bangko Sentral ng Pilipinas simula noong Agosto 14, upang alisin ang mga link ng online gambling sites sa kanilang mga mobile application. “Pinupuri natin ang hakbang ng mga e-wallet company na i-delink ang mga online gambling sites mula sa kanilang mga platform. Isa itong patunay na handang makipagtulungan ang pribadong sektor sa gobyerno sa paglaban sa lumalalang problema ng online gambling addiction sa ating bansa,” ani Tulfo, chairperson ng Senate committee on Games and…

Read More

MANDATORY RANDOM DRUG TEST PINAKAKASA SA SENATE EMPLOYEES

HINILING na ni Senate Minority Leader Vicente Tito Sotto III kay Senate President Chiz Escudero na magsagawa ng mandatory random testing sa mga empleyado ng Senado. Sa gitna pa rin ito ng isyu ng umano’y paggamit ng marijuana ng isa sa mga staff ni Senador Robin Padilla sa loob ng gusali. Sa kanyang sulat kay Escudero, ipinaalala ni Sotto na noong 2018 ay nagpatupad na rin sila ng random mandatory drug test sa mga empleyado na nilahukan din ng mismong mga senador. Ito ay bilang pagtugon anya sa kautusan ng…

Read More

FLOOD CONTROL PROJECTS SA BULACAN PINA-AUDIT NG COA

INIUTOS ng Commission on Audit (COA) ang pagsasagawa ng fraud audit sa flood control projects sa Bulacan, bilang bahagi ng hakbang ng pambansang gobyerno na papanagutin ang mga responsable sa mga pumalpak na proyekto kontra baha sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang utos ay nagmula kay COA Chairperson Gamaliel A. Cordoba, bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa flood control program ng pamahalaan, lalo na ngayong panahon ng habagat kung saan patuloy ang pagbaha na nagdudulot ng matinding…

Read More

‘Di matanggap pagkatalo STELLA NAGHAIN NG PROTESTA VS MAAN

NAGSAMPA si dating kongresista Stella Quimbo ng election protest laban kay Marikina City Mayor Maan Teodoro dahil umano sa iregularidad, anomalya, at pandaraya. Nanalo si Teodoro sa halalan para sa pagka-alkalde noong 2025 bitbit ang kalamangan na 31,394 boto matapos makakuha ng 142,814 boto kumpara sa 111,420 lang ni Quimbo. Sa kanyang memorandum noong Agosto 8, 2025, iginiit ni Quimbo na nabahiran ng duda ang halalan dahil sa mga sira at maling pagbasa ng Automated Counting Machines (ACMs), umano’y lantarang pamimili ng boto, at mga balotang mula sa priority polling…

Read More

Pinuri agarang aksyon ng DOTr sa insidente ng escalator sa LRT 1- FPJ station MALAYA, TRANSPARENT INVESTIGATION PANAWAGAN NI REP. BRIAN POE

AGAD nagpaabot ng taos-pusong simpatya si Congressman Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pitong pasaherong nasugatan sa insidente ng eskalator sa LRT-1 FPJ Station noong Biyernes, 15 Agosto 2025. “Bagama’t nakakahinga ng kaunti na isa lamang ang kinailangang dalhin sa ospital at agad ding nakalabas matapos ang dalawang oras, at ang anim ay nakatanggap ng paunang lunas at nakauwi na ligtas, malinaw na ipinapakita ng insidenteng ito ang seryosong pangamba sa kaligtasan ng ating mga mananakay,” pahayag ni Cong. Poe. Binigyang-diin ng mambabatas na dapat laging pinakamahalaga ang…

Read More