HINIMAY ng dating chairman ng House committee on appropriations na si Davao City Rep. Isidro Ungab ang mga iregularidad na ginawa aniya sa 2025 national budget sa Bicameral Conference committee na isang paglabag sa Saligang Batas. Sa kanyang privilege speech noong Lunes ng hapon, tila ipinaliwanag ng mambabatas sa mga baguhang miyembro ng Kamara na ang 2025 national budget ay binubuo ng Programmed New Appropriations (PNA) na nagkakahalaga ng P4.247 trillion at Automatic Appropriations na P2.105 trillion kaya may kabuuang P6.352 trillion ang total expenditure Program ngayong taon. Kasama aniya…
Read MoreCategory: BALITA
Publiko pinalilipat sa ibang ospital ER NG PGH APAW NA SA PASYENTE
HINIMOK ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ayon sa PGH, lumagpas na sila sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Dahil dito, hindi muna sila tatanggap ng pasyente sa ER maliban na lamang sa mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson /coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang pagtanggap ng mga…
Read MorePinakamahal na uri ng kahoy P31.65-M AGARWOOD NASABAT NG BOC-NAIA
BIGO ang tangkang pagpupuslit ng halagang P31.6 milyong halaga ng agarwood palabas ng Pilipinas nang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang nasabing kargamento. Ayon sa ulat, nasabat ang outbound cargo na naglalaman ng rare and highly valued agarwood na tinatayang aabot sa P31,650,000 ang halaga, sa isang warehouse sa Pasay City. Sa ulat na ibinahagi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang nasabing shipment ay idineklarang “Mahogany Wood Hand Carving Design” at pakete ng “Dried Sibukaw Woodstock.” Subalit nang sumailalim sa masusing physical examination,…
Read More8.1 KG SHABU, 78K MARIJUANA PLANTS NASAMSAM
UMABOT sa 8.1 kilo ng umano’y shabu at mahigit sa 78.800 marijuana plants ang nasamsam sa pinagsanib na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang government agency sa inilunsad na 56 high impact operations na nagresulta sa pagkakadakip sa 97 drug personalities sa loob ng nakalipas na linggo. Ang high-impact operations na inilunsad mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1, 2025, ay nagresulta ng pagkasamsam sa 8,196.65 gramo ng shabu (crystalline methamphetamine); 78,800 fully grown marijuana plants at 4,256 gramo ng tuyong dahon ng marijuana; at 52 ecstasy…
Read MoreIBA’T IBANG GRUPO NANGALAMPAG PARA SA IMPEACHMENT
KINALAMPAG kahapon ng mga grupong Tindig Pilipinas, NAGKAISA! Labor Coalition, Kalipunan ng Kilusang Masa at ilang indibidwal ang Korte Suprema at kanilang hiniling na baligtarin ang naunang desisyon na nagsabing unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Iginiit nila na tahasang binalewala ng Supreme Court ang Konstitusyon dahil sa pakikialam sa eksklusibong kapangyarihan ng Kamara sa pagtukoy sa legalidad ng impeachment complaint. Nanindigan ang grupo na dapat bawiin o baligtarin ng Supreme Court ang kanilang desisyon para maprotektahan ang demokrasya at maipatupad ang rule of law. Kasabay…
Read MoreSOLON SA ONLINE GAMBLING BILLIONAIRES: MAHIYA DIN KAYO
“SA mga bilyonaryong kumikita sa online gambling at e-sabong, tama na. Mahiya din kayo”. Ito ang mensahe ni Cagayan Rep. Rufus Rodriguez sa mga bilyonaryo na nasa likod ng mga nasabing sugal na sumisira sa buhay at lalog nagpapalubog sa kahirapan sa mahihirap na mananaya. Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Rodriguez na hindi niya maatim na manahimik na lamang sa kaso ng mga pamilyang nasisira sa aniya’y ‘digital plague: o online gambling kasama na ang e-sabong. “The numbers and stories paint a disturbing reality. Gambling, once confined to…
Read MoreMUMURAHING LIPSTICK NI HONTIVEROS PINAG-USAPAN ONLINE
GINAWANG headline kamakailan ang lipstick ni Senador Risa Hontiveros dahil mumurahin lang ito. Ayon sa artikulo ng Preview.ph, ang lipstick ni Risa ay nagkakahalaga lang ng P549. Napili ng make-up artist ni Hontiveros na si Jim Ros ang pinaghalong kulay ng pink at brown para lumutang ang pagiging simple raw ng Senadora. Nag-trending naman sa online chat ang lipstick ni Risa dahil hindi kumupas ang kulay nito kahit pa matagal siyang nakipag-usap sa media. Nakailang post na rin sa social media si Hontiveros na nagpapa-make up at tinawag itong Risa…
Read MoreINDUSTRIYA NG PALAY NANGANGANIB KUNG HINDI AAMYENDAHAN RICE TARRIFICATION LAW
NAGBABALA si Senador Raffy Tulfo na tuluyang malagay sa panganib ang kinabukasan ng mga magsasaka ng palay kung hindi pa rin rerepasuhin ang Rice Tarrification Law. Sa kanyang Privilege Speech, binigyang-diin ni Tulfo na bagama’t may mabuting layunin ang batas ay bigo naman itong tuparin ang mga pangako tulad ng pagbaba ng presyo ng bigas at gaganda ang lokal na produksyon. Kung tutuusin anya ay wala naman halos bagong nabago at halos wala ring naidulot na maganda ang batas lalo’t hindi naman naramdaman ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na dapat…
Read MoreIllegal strike pinadedeklara ng Kawasaki Motors sa DOLE; UNION OFFICERS AT BOARD OF DIRECTORS PINATATANGGAL SA TRABAHO
NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board (NCMB) tungkol sa petisyon nito para ideklara ang illegal strike at tanggalin sa trabaho ang mga opisyal ng Kawasaki United Labor Union (KULU) na nanguna sa strike na nagsimula pa noong Mayo 21, 2025 na nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC). Sa labingpitong pahinang counter manifestation ng KMPC, inisa-isa ng management ang lahat ng maling paratang ng KULU para bigyang katwiran ang kanilang inilunsad na strike na nitong Martes ay nasa ika-76 araw na.…
Read More