P2.25-M HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT NG BOC AT PDEA

KATUWANG ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang anim na pakete na naglalaman ng high-grade variant ng marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng P2,253,800. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, sa iba’t ibang consignee nakapangalan ang anim na parcel na tinangkang ipuslit sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. Matapos na markahan na kahinahinalang parsela ay lumitaw sa isinagawang physical examination…

Read More

Biglaang rigodon sa PNP: BANAC BAGONG DEPUTY CHIEF FOR ADMIN

ITINALAGA bilang bagong Deputy Chief for Administration si Police Lt. Gen. Bernard Mollanida Banac—ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa pambansang pulisya—epektibo kahapon, Agosto 6. Si Banac ay beteranong opisyal na nagsilbing tagapagsalita ng PNP noong panahon ni dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde at kalaunan ay naging director for Plans, director ng PNP Training Service, at director ng Police Regional Office 8. Kilala si Banac sa loob ng organisasyon bilang propesyonal, may malawak na karanasan, at hindi nasasangkot sa pamumulitika—kaya’t tanggap ng marami ang kanyang pagtaas sa pwesto. Kasabay nito,…

Read More

NGAYONG AGOSTO: LIBRE SAKAY SA MRT TUWING MIYERKOLES

SIMULA kahapon hanggang sa susunod pang Miyerkoles ay magpapatupad ng libreng sakay ang MRT-3 tuwing Miyerkoles sa buong buwan ng Agosto para sa mga pasaherong gagamit ng kanilang National ID sa pagsakay. Epektibo ang Libreng Sakay mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM, at 6:00 PM hanggang 8:00 PM sa mga petsang Agosto 6, 13, 20, at 27. Ayon sa DOTr MRT 3, ang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID. Target ng programa na kilalanin at gamitin ang national…

Read More

HIGH TRUST RATINGS NG KAMARA INSPIRASYON NG MGA MAMBABATAS

ITINUTURING na inspirasyon ng mga kongresista ang mataas na ratings ng Kamara na patunay ng tiwala ng taumbayan. Ito ang iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong’ Ordanes matapos maitala ang 57% trust rating ng Kamara base sa resulta ng OCTA Research Tugon ng Masa survey noong nakaraang buwan mula sa 49% noong 1st Quarter survey. Umangat din sa 55% ang performance rating ng Kamara mula sa 47%. Ayon kay Ordanes, pagpapatunay lamang ito sa maayos at matatag na pamumuno ni Speaker Martin Romualdez. Dagdag ng mambabatas na ang…

Read More

P442K SHABU NASABAT SA HVI SA CAVITE

CAVITE – Himas-rehas ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang nasakote sa buy-bust operation at makumpiskahan ng halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Section 2 City Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Component City Police Station bandang ala-1:10 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Mar” matapos makipag-transaksiyon sa poseur buyer sa Brgy. San Andres 1, Dasmariñas City.…

Read More

BATA INIHABILIN NG INA SA KAIBIGAN; HINALAY, PINATAY

QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae matapos halayin at saksakin sa dibdib gamit ang isang screw driver ng pamangkin ng may-ari ng kanilang tinutulugang bahay sa Barangay Del Rosario, sa bayan ng Lopez sa lalawigan. Ayon sa mga pulis, ang dalawang bata ay pansamantalang nakatira sa bahay ng tiyahin ng suspek, habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho sa Maynila. Ipinagkatiwala umano ng ina ng mga bata ang dalawa dahil kaibigan nito ang guardian na tiya ng suspek. Batay sa report ng Lopez Police, nangyari ang insidente…

Read More

MAGPINSANG BATA NAHULOG, NALUNOD SA LAGUNA LAKE

LAGUNA – Natagpuang walang buhay ang magpinsang bata makaraang malunod sa Laguna Lake noong Lunes ng hapon. Kinilala ng mga imbestigador ng Binangonan Municipal Police Station ang mga biktimang sina Matthew Villariña, 4-anyos, kinder student, at Joseph Julian Antinero, 3-anyos, daycare student at parehong residente ng Barangay Bombong, Binangonan, Rizal. Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre lamang ang pangyayari nang mapansin ng nanay ng isa sa mga bata ang tsinelas ng anak na nakalutang sa tubig habang nawawala ang biktima. Agad itong humingi ng saklolo at nagtulong-tulong sa paghahanap ang magkakapitbahay. Laking…

Read More

MARCOS HUHUBARAN NG ‘WERPA’ SA PAGTATAKDA NG TARIPA SA IMPORTED RICE

ISINUSULONG nina Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros ang joint Senate resolution na magmamandato na alisin sa Pangulo ang kapangyarihang magtakda ng taripa sa imported rice. Nakapaloob din sa Joint Resolution No 2 na ibalik sa 35 percent ang ibinabang 15 percent na tariff rates sa inaangkat na bigas. Ang pagbaba sa taripa ay nakapaloob sa Executive Order No. 62 ng nilagdaan na Executive Department noong June 2024. Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang umaksyon at huwag nang patayin nang paunti-unti ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kanilang…

Read More

PAGKALIKOT NG ‘SMALL COMMITTEE’ SA 2025 BUDGET PINAHIHIMAY

KUNG seryoso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na imbestigahan ang kalokohan sa flood control projects ay dapat simulan ito sa small committee sa 2025 national budget. Pahayag ito ni Navotas Rep. Toby Tiangco kasabay ng hamon sa bagong chairman ng House committee on appropriations na si Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na isapubliko ang mga amendment na ginawa ng small committee sa pambansang pondo ngayong taon kung talagang seryoso ito sa transparency at accountability. “Now, to show good faith, ipalabas nila kay Cong. Zaldy Co, who was the chairman…

Read More