INAASAHANG pangungunahan ng dalawang Manila congressmen ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung saan itinuturing na suspek ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang. Lumitaw ito matapos mahalal muli bilang chairman ng House committee on human rights si Manila 6th District Congressman Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Manila 2nd District Rolan Valeriano bilang chairman ng House committee on public order and safety. “I am grateful for the opportunity to continue the work we started; there is still much we need to do,” ayon kay Abante matapos mahalal…
Read MoreCategory: BALITA
VLOGGER MULA BUTUAN, WAGI NG ₱600,000 TAX-FREE SA ISONUS STREAMING PROMO!
(Nasa larawan mula kaliwa) ISONUS Incorporated CEO Raymart Castillo, Raffie Alaga, Chief of the Consumer Protection Division and Chief Trade and Industry Specialist, Ms. Arcily Gonzaga. (Danny Bacolod) NAPALUHOD at naiyak si Raffie Balaga, isang 22-year-old aspiring vlogger at freelance barista, nang malaman niyang siya ang nanalo ng ₱600,000 tax-free mula sa ISONUS — isang Filipino-made rewards and entertainment platform kung saan panonood lang ng content ang kailangan para magkaroon ng chance manalo ng life-changing prizes. Hindi siya makapaniwala—pero sa puso niya, alam niyang darating ang araw na ‘yon. Araw-araw…
Read MorePULIS, 1 PA TIMBOG SA PAGNANAKAW, PAGPAPAPUTOK NG BARIL
CEBU CITY – Kalaboso ang isang aktibong pulis makaraang manloob sa isang furniture shop at magnakaw ng cellphone noong Lunes ng gabi sa lungsod. Kinilala ang suspek si PSSG Abraham “Brian” Quijano, 45-anyos, may asawa, ng Barangay Tapol, Talisay City at nakatalaga sa RMFB-7. Naaresto rin ang kanyang kasama na si Joel Butron Mandras, 41-anyos, may asawa, ng Brgy. Lower Lipata, Minglanilla. Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang Minglanilla Police hinggil sa nagpaputok ng baril sa Purok Nangka, Barangay Linao, Lipata. Kaagad nagresponde ang mga…
Read MoreMAHIGIT P3.2-M, SHABU NASABAT SA HVI
TAYABAS CITY – Arestado ang isang high-value individual (HVI) makaraang makumpiskahan ng mahigit P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si Reujen Briones Vivar alyas “Eugene”, 29, isang security guard at residente ng Barangay Isabang sa lungsod. Ayon sa report ng Tayabas Police, naaresto si Eugene ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon bandang alas-2:02 ng madaling araw at nakumpiska ang anim na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na tinatayang 160…
Read MoreNAGTAPON NG DUMI SA KANAL, 3 ARESTADO
RIZAL – Sasampahan ng kasong sibil ni Mayor Kit Nieto ang ‘di pinangalanang kumpanya na nakabase sa Quezon City, kasama na ang tatlong mga tauhan nito, na nagtapon ng dumi ng tao sa kanal sa kahabaan ng Imelda Avenue sa bayan ng Cainta sa lalawigan. Nahuli ang tatlo noong Lunes ng hapon, Hulyo 28, na naaktuhang nagtatapon mula sa tangke na nasa loob ng close van, na ayon sa alkalde ay parang wala lang sa mga ito ang ilegal nilang ginagawa. “‘Yung kanilang way of doing it, naka-close van, tapos ‘yung…
Read MoreBRIONES UMAMIN SIYA ANG NASA VIRAL PHOTO NA NANONOOD NG ONLINE SABONG
ILANG oras matapos magbigay ng pahayag ang kanyang mga kasamahan, inamin ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones sa mga mamamahayag sa Kamara na siya ang nasa viral video na nanonood ng sabong subalit itinanggi na nagsusugal siya. Ayon sa mambabatas, ipinadala lamang umano ng kanyang pamangkin ang video na kanyang pinanood subalit hindi umano ito nagsasabong sa tunay na buhay at wala rin umano siyang e-wallet para makapagsugal online. Bagama’t pinatawad na umano nito ang mga kumuha ng larawan at video, nagreklamo naman ito dahil nilabag ang kanyang privacy pero…
Read MoreRussia niyanig ng 8.7 earthquake PHIVOLCS NAGPALABAS NG TSUNAMI ALERT SA 22 LALAWIGAN
NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 30, 2025 dahilan upang magpalabas ng Tsunami alert ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa mga coastal area. Apektado ng Tsunami warning na inilabas ng kahapon ng state seismologists ang 22 lalawigan na nasa coastal areas ng bansa partikular ang mga nakaharap sa Pacific Ocean na posibleng abutan ng tsunami waves na may taas na isang metro. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang…
Read MoreSASAKYAN NAHULOG SA FLYOVER, 2 KRITIKAL
CAVITE – Kritikal at kapwa inoobserbahan ang dalawang sakay ng isang Toyota Veluz makaraang nahulog mula sa tulay sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Divine World Hospital ang biktimang si Omar Magarang y lantod, 38, driver ng maroon na Toyota Veluz na may plakang DBH 8822 at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite at pasahero nito na si Naim Limbona y Antod, 28, ng nasabi ring lugar. Minamaneho ni Magarang ang kanyang Toyota Veluz at pasahero si Limbona habang binabagtas ang Barangay Sta.…
Read More700 GRAMO NG SHABU HULI SA ENTRAPMENT NG PDEA
PAMPANGA – Arestado ang isang 27-anyos na drug personality sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency makaraang makumpiskahan ng 700 gramo ng umano’y shabu sa siyudad ng San Fernando sa lalawigan. Ayon ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan nitong Martes sa isang shopping mall open parking space bandang alas-4:55 ng hapon at target ang drug suspect na kilalang si alyas “Satar”, 26, mula sa Lanao del Norte. Nakumpiska mula sa suspek…
Read More