DISMAYADO ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa insidente na kinasangkutan ng isang miyembro ng House of Representatives na nakunan ng larawan habang nanonood ng sabong sa kanyang cellphone sa loob ng session hall ng Kamara. Matatandaang umamin si AGAP Party-list Representative Nicanor Briones na siya ang nasa larawan na nakunan sa Opening Session ng 20th Congress noong Hulyo 28, 2025. Paglilinaw ni Briones, pinanood lamang niya ang ipinadala sa kanyang video ng sabing at hindi siya tumataya o nagsusugal. Sa kabila ng paglilinaw na ito, naniniwala ang…
Read MoreCategory: BALITA
MS. WATERLILY SA LAS PINAS
TAMPOK ang mga kandidata ng Ms. Waterlily 2025 bilang pangunahing bahagi ng ika-18 Las Piñas Waterlily Festival na ginanap noong Huwebes, Hulyo 31, sa Villar Foundation Complex. Unang inilunsad noong 2005 sa pamamagitan ng Sagip Ilog program na pinasimulan ni dating senadora Cynthia Villar, at ngayon ay pinangungunahan nina Senator Mark at Camille Villar, ang festival ay patuloy na nagsisilbing plataporma sa pagbibigay-halaga sa water hyacinths bilang matibay na simbolo ng ekolohikal na pagpapanatili at pagmamalaking pangkomunidad. Nasa larawan sina (LR-) Alyanna Frances S0-1st Runner-up (Brgy Talon 2);F/Sen.Cynthia Villar;Lois Vivien…
Read MoreBLUE AT RED RIBBON PROJECT INILUNSAD NG BUCOR
INILUNSAD kahapon ng Bureau of Corrections ang proyektong Blue at Red Ribbon, isang inisyatiba ng kamalayan sa muling pagsasama upang isulong ang pagkakaunawaan, bawasan ang mantsa at palakasin ang suporta pagkatapos ng pangangalaga para sa mga pinalaya na taong pinagkaitan ng kalayaan. Binigyang-diin ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang mga ugat ng proyekto sa yellow ribbon movement ng Singapore, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-asa, pagtanggap, at paniniwala na ang bawat isa ay karapat-dapat ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Binibigyang-diin ng inisyatiba ang isang matibay na pangako…
Read MoreSa komento sa impeachment decision ng SC: INDIRECT CONTEMPT INIHAIN SA ILANG PERSONALIDAD
DUMULOG sa Korte Suprema kahapon ang ilang personalidad para ireklamo ang isang propesor at isang mambabatas na tumuligsa sa desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng impeachment kay VP Sara Duterte. Una nang isinampa nina Atty Rolex Suplico at Atty Mark Kristopher Tolentino ang reklamong indirect contempt laban kina Professor Richard Heydarian at Akbayan Partylist Rep Percy Cendaña. Kasunod ito ng kanilang mga paratang at paggamit ng mga hindi angkop na salita laban sa mga mahistrado matapos katigan ng SC sa pamamagitan ng unanimous decision ang petisyon na nagbasura sa…
Read MorePBBM HINDI PA TIYAK SA KAPALARAN NG E-GAMBLING
PATULOY na pinag-aaralan at sinusuring mabuti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung ano ang magiging kapalaran ng online gambling sa bansa. Ito’y sa kabila ng hindi niya pagbanggit sa kontrobersiyal na usapin sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sa Batasang Pambansa. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na “no missed opportunity” para sa Pangulo na sa wakas ay matugunan ang usapin ng online gambling. “The President is still studying and evaluating the impact of online…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS NG DPWH HALOS P1-T PONDO
NAKATANGGAP ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P980.25 billion budget para sa flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Base sa data, katumbas ito ng P326.75 billion flood control budget para sa bawat taon. Sa ulat ni Joseph Morong sa “24 Oras”, sinabi ng DPWH na sa susunod na linggo ay magsusumite ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng listahan ng mga flood control project para matukoy kung ano ang tapos na at kung ano ang “ghost” projects. Gayunman, sinabi ng Commission on Audit, na noong 2023,…
Read MoreMGA KONGRESISTA HINAMONG PABULAANAN ‘777 PARTEHAN’ SA KAMARA
HINAMON ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pabulaanan ang ‘777’ na unang isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Kahapon ay kinumpirma ni Tiangco ang alegasyon na tumanggap ng mahigit dalawampung milyong pisong halaga ng ayuda ang mga sumasama kay House Speaker Martin Romualdez sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi bansa noong nakaraang taon. “Totoo yun, kapag sumama ka sa BPSF (Bagong Pilipinas Serbisyo Fair) meron kang seven million (pesos) AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations), seven million MAIP (Medical…
Read MoreHindi lang Primewater ng mga Villar PRIVATE COMPANIES PANANAGUTIN SA WATER CRISIS
NANGAKO ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na pananagutin ang mga ‘private partners’ sa kabiguan at palpak na water service delivery na nagpahirap sa milyong consumers. Sa katunayan, sinabi ni LWUA chief Jose Moises Joy Salonga na nagpapatupad na ngayon ang ahensiya ng komprehensibong estratehiya upang i-overhaul ang magulong joint ventures sa pagitan ng local water districts at private firms sa ilalim ng joint venture agreements (JVAs). “Sa joint venture partners na to, sa ating problema na to, tinitiyak kong may plano at sinisiguro ko sa inyong gagalaw. Hindi lang…
Read MoreTUMATAAS NA SUICIDE CASES IKINABAHALA
IKINABAHALA ni Senador Sherwin Gatchalian ang report ng Philippine National Police na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, umabot na sa 2,000 katao ang nag-suicide. Dahil dito, muling nanawagan si Gatchalian sa gobyerno na tutukan at agad aksyunan ang problema sa mental health crisis. Iginiit ng senador na hindi na dapat pang hintaying may buhay pang mawala bago kumilos ang gobyerno. Muli ring binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang ipatupad nang maayos ang Mental Health Act at ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Sinabi ng senador na kailangang…
Read More