Pambansang pondo sinasalaula MABABANGKAROTE PILIPINAS – RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY nakababahalang prediksyon ang dating tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM) ukol sa magiging kinabukasan ng ating bansa—ang pagbagsak ng ating ekonomiya at pagkabangkarote ng Pilipinas. Iyan ang maaanghang na pahayag ng dating opisyal ng Malakanyan at ngayo’y tumatakbong senador na si Atty. Vic Rodriguez na nagsabing ang mga hawak niyang ebidensyang magpapatunay na may mga bahaging item sa 2025 General Appropriations Act (GAA) o national budget na walang pirma o lagda. “Bangkarote, sapagkat makikita naman natin, kung ganito ho ang uri ng ating…

Read More

RUSSIAN-AMERICAN VLOGGER ‘MABABAGOONG’ SA PILIPINAS

MAGTATAGAL pa sa Pilipinas ang Russian-American vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy dahil tuturuan ito ng leksyon para irespeto ang mga Pilipino. Ayon ito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Ayon kay Remulla, hindi muna ipapa-deport at mananatiling nakakulong sa regular detention cell ng Bureau of Immigration (BI) ang Russian-American vlogger bilang isang undesirable alien at nakatakdang sampahan ng kasong criminal dahil sa mga pinaggagawa nitong kabastusan sa ilang kababayang Pinoy. Limang kasong kriminal ang isasampa sa Russian vlogger dahil bukod sa mga insidente sa…

Read More

SHOW CAUSE ORDER SA MGA KANDIDATONG BASTOS – COMELEC

NAGLABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga kandidatong magkakasunod nag-viral dahil sa kabastusan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaaring maipadala ang show cause order ngayong araw, Abril 8 laban kay Misamis Oriental Gov. Peter Unabia. Ito ay matapos kumalat online ang isang video ni Unabia na nagsasabing ang kanilang nursing scholarship ay para lamang sa mga babae at dapat silang maging “gwapa” o maganda. Nauna nang sinabi ni Garcia na ang sexist remarks at gender discrimination ay walang lugar sa isang sibilisadong lipunan,…

Read More

PLATAPORMA NI FPRRD TULOY SA 2028 – MAYOR BASTE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG papalarin, magpapatuloy ang mga nasimulang plataporma ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa 2028. Ito ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte bago ang pagbabalik sa bansa ni Vice President Sara. Inaasahan umano niyang sa 2028, kung pagbibigyan ng Diyos, muling magkakaroon ng pagkakataon na magpatuloy ang mga plataporma ng amang si Digong sa ilalim ng pamumuno ng kapatid na si Sara. “Baka sa taong 2028, kung pagbibigyan ng Diyos, baka nasa puso ni VP Inday Sara Duterte, makapaglalagay na naman tayo ng pangulo…

Read More

EMERGENCY CELL BROADCAST SYSTEM (ECBS) GINAGAMIT SA POLITICAL CAMPAIGNING

MARIING kinondena ng Office of Civil Defense ang napaulat na paggamit ng Emergency Cell Broadcast System (ECBS) sa political campaigning ng ilang grupo. “We have referred this matter to the National Telecommunications Commission (NTC) for appropriate investigation and action. The OCD is actively coordinating with relevant agencies to thoroughly investigate these incidents and ensure that those responsible are held accountable to the fullest extent of the law,” ayon sa OCD. Ito ay matapos na makatanggap ng mga ulat ang kanilang tanggapan na maraming residente mula sa mga probinsiya ang nakatatanggap…

Read More

AGRI, SMEs MANANATILING PRAYORIDAD NI CAMILLE

MAGHAHANAP si Camille Villar ng karagdagang suporta para sa agrikultura, edukasyon at maliliit na negosyo sa sandaling siya ay maluklok sa Senado sa Mayo. Ginawa ni Camille ang pangako sa kanyang pagbisita sa Tagoloan, Misamis Oriental noong weekend. Sa pagtakbo bilang senador sa eleksyon sa Mayo, nagpapasalamat si Camille Villar sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanyang pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal at alkalde. Itinutulak din niya ang pagsulong ng maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, na aniya ay itinuturing na gulugod ng ekonomiya para sa kakayahan…

Read More

PNP KUMBINSIDONG PAGNANAKAW LANG PAKAY NG 8 PULIS SA NEGOSYANTENG CHINESE

NANINIWALA si NCRPO Deputy chief for Administration Police Brig Gen. Rogelio Peñones Jr. na pagnanakaw talaga ang motibo ng walong tauhan ng EPD-DSOU nang pasukin ng mga ito ang bahay ng isang negosyanteng Chinese. Pinasok ng mga pulis ang bahay ng dayuhan noong Abril 2 dakong ala-una ng hapon sa Portofino Heights, Barangay Almanza Dos sa Las Piñas para silbihan ng maling warrant of arrest. Ayon kay Peñones Jr., hulidap ang lakad ng mga nasabing pulis matapos nilang limasin ang pera, alahas, at mahahalagang gamit ng Chinese na umaabot sa…

Read More

Sa pagbasura sa kaso ng 17 OFWs; AKO-OFW NOMINEE NAGPASALAMAT SA QATARI GOVERNMENT

NAGPASALAMAT si AKO-OFW nominee Joseph Rivera sa Qatari Government matapos ibasura ang kaso ng 16 overseas Filipino workers (OFW) na kasama niya sa pagtitipon sa isang resort sa Qatar. Pero nanindigan si Rivera na walang naganap na political protest o rally kundi isang payapang family picnic o bonding lamang. Marami kasi ang lumabas na balitang nagsagawa ng kilos protesta ang kanilang grupo kasabay ng kaarawan ng dating pangulong Rodrigo Duterte na siyang taliwas sa umano’y tunay na rason ng kanilang pagtitipon. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, taos-puso rin ang…

Read More

PASIG HOSPITAL, UNIVERSITY PRAYORIDAD NI DISCAYA

MAGPAPATAYO ng modernong Pasig Hospital at Pasig University si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya sakaling palaring maluklok sa pwesto bilang alkalde ng lungsod. Bukod dito, tiniyak ni Discaya na tututukan ang mga proyektong pabahay bago isulong ang layuning gawin ang Smart City Hall. Aniya, mas marami kasing residente ang makikinabang sa pagkakaroon ng maayos na unibersidad at ospital. Target ni Discaya na makapagpagawa ng state-of-the-art public hospital at bagong 11-storey university building. Ayon kay Discaya, nakababahala na hanggang sa ngayon ay walang moderno at fully-equipped hospital sa Pasig City…

Read More