Sa kabila ng pagpapatigil COMELEC PATULOY SA PAGHAHANDA SA INTERNET VOTING

NAKAHANDA ang Commission on Elections (Comelec) na sagutin ang petisyon na inihain sa Supreme Court (SC) na naglalayong ipatigil ang pagboto sa internet sa May 12 midterm elections, pahayag ni Comelec Chairman George Garcia. Sa ngayon, sinabi ng poll chief, na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda para sa internet voting sa 77 posts abroad at 16 posts ang gagamitin sa automated counting machines. Ang petisyon ay inihain ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) na sinabing ang paggamit ng digital ballots ay hindi awtorisado ng umiiral na batas. Gayunman, sinabi ni…

Read More

Dagdag-sahod, seguridad iginiit SLEX EMPLOYEES NAGLUNSAD NG BIGLAANG WELGA

NAGLUNSAD ng biglaang welga ang mga empleyado ng South Luzon Expressway o SLEX nitong Biyernes. Nagtipon-tipon ang mga manggagawa, bitbit ang kanilang mga plakard, sa Petron gas station sa Kilometer 54 ng SLEX Northbound sa Cabuyao, Laguna. Kabilang sa kanilang mariing ipinaglalaban ang agarang pagtaas ng kanilang sahod, pagbabalik sa trabaho ng mga empleyadong tinanggal umano nang hindi makatarungan, at ang pagkakaroon ng kasiguraduhan sa kanilang mga posisyon. Iginiit din nila ang matagal na nilang hinihiling na Collective Bargaining Agreement o CBA, at binigyang-diin na halos apat na taon na…

Read More

31 PULIS SIBAK SA ILEGAL NA PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST SA NEGOSYANTENG CHINESE

SINIBAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO), Chief Police Major General Anthony Aberin, ang buong pwersa ng District Special Operation Unit ng Eastern Police District dahil sa umano’y pagtangay sa halos P85 milyon halaga ng alahas at pera sa isang negosyanteng Chinese National sa Las Piñas City. Kabilang sa nasibak ang dalawang opisyal ng EPD-DSOU na ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon. Inaalam na ni Aberin kung mayroon pang ibang kasama ang walong pulis na sangkot sa paghain ng ‘illegal’ arrest warrant. Samantala, tinanggalan na ng service firearms at kinumpiska…

Read More

Walang Pinoy na maiiwan; PINOY PARTY-LIST ISUSULONG DE KALIDAD NA EDUKASYON, JOB OPPORTUNITIES AT SERBISYONG MEDIKAL

SINIGURO ng Pinoy Party-list na walang mamamayang maiiwan sa mga isusulong nitong programa, partikular ang mga miyembro ng indigenous communities. Ipinangako ng Pinoy Party-list ang pagbibigay ng mas maayos na access sa edukasyon, job opportunities, at healthcare. Ayon sa nasabing party-list group, hindi lang nito basta layuning makakuha ng pwesto sa Kongreso kundi nais nitong magsilbing boses para sa marginalized groups at upang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Ilan lamang sa mga programang pagtutuunan ng Pinoy Party-list ay ang mga may kaugnayan sa edukasyon, livelihood, at kalusugan ng mamamayan.…

Read More

KWENTO NG ‘TOKHANG’ VICTIMS SA PANAHON NI BATO BILANG PNP CHIEF BINUHAY

MULING ibinahagi ng isang Pilipinong photojournalist na kilala sa pagdodokumento ng madugong giyera kontra droga noong administrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte ang kuwento ng ilan sa mga napatay sa panahon ng panunungkulan ng noo’y Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Inilabas ni Ezra Acayan sa kanyang Facebook page ang mga larawan at video ng tatlo sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings (EJKs) na kanyang naidokumento. Kabilang na rito ang libing ni Leah Espiritu, isang ina na may anim na anak at inakusahan bilang small-time…

Read More

SSS, KINALAMPAG NG PARTY-LIST SOLON SA P1K DAGDAG PENSION SA SENIOR CITIZEN

KINALAMPAG ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang Social Security System (SSS) upang ibigay na ang second tranche ng karagdagang P1,000 sa pensyon ng senior citizen retirees. Alinsunod anya ito sa Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018. Ayon kay Ordanes, matapos aprubahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag pensyon noong 2017, naglabas ng memorandum ukol dito si dating Executive Sec. Salvador Medialdea. Nakasaad din aniya sa batas ang dahan-dahan na dagdag sa kontribusyon ng mga miyembro mula sa 12% noong 2019 hanggang sa…

Read More

KANDIDATURA NG HINDI TUNAY NA PILIPINO, MAAARING MAKANSELA

SINABI ni Pasay City District 2 Election Officer IV Atty. Alvin Tugas na maaaring makansela ang kandidatura ng isang kandidato kapag may kwestyon sa kanyang nasyunalidad. Ito ay sa gitna ng usap-usapan na may tumatakbong konsehal sa Pasay City na hindi umano lehitimong Pilipino dahil ang mga magulang ay parehong Chinese. Gayunman, nilinaw ni Tugas na wala pa silang natatanggap na reklamo kaugnay sa citizenship ng sinomang tumatakbong konsehal sa distritong hawak niya. Iginiit ni Tugas na sa sandaling may maghain ng reklamo at napatunayan na nagkaroon ng misrepresentation, ito…

Read More

MAYNILA LILINISIN SA TRAPO, KORUPSYON – VERZOSA

REPORMA, totoo at desperadong pagbabago ang dala ng isang mayoralty candidate sa Maynila sakaling maluklok ng mga Manileno para sa May 12 elections. Sa Balitaan sa Tinapayan, binigyang-diin ni Manila Mayoralty candidate Sam “SV” Verzosa na nais niyang mailatag ang pro-Manileno, pro-politiko na puro pagtulong pagbago ng buhay at magagandang proyekto ang kanyang gagawin para sa mga batang Maynila. Ayon sa negosyante, kapag nailatag na ang kanyang reporma, kahit paano aniya ay may magandang susundan ang mga bagong henerasyon sakaling matapos ang kanyang termino o pamumuno. Ipinangako rin ni Verzosa…

Read More

PNP-HPG PLANO NG PNP ILAGAY SA MGA POLICE CHECKPOINT

PLANO ng Philippine National Police (PNP) na maglagay ng dalawa hanggang apat na tauhan ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa bawat lokal na checkpoint sa bansa. Ito ay kasunod na naitalang road rage sa Antipolo, Rizal na nauwi sa pamamaril at ikinasawi ng isang rider at ikinasugat pa ng apat na iba na nag-ugat lamang sa gitgitan at habulan. Ayon kay HPG spokesperson Lieutenant Nadame Malang, manggagaling ang mga karagdagang personnel mula sa 86 Provincial Highway Patrol Group bilang pagtalima sa kautusan ni PNP Chief General Rommel Marbil. Layunin ni…

Read More