85,183 PDLs PINALAYA NG BJMP

IPINAGMALAKI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nabigyan ng solusyon ang decongestion sa mga detention cell sa bansa at nakapagpalaya ang BJMP ng 85,183 persons deprived of liberty (PDLs) sa jail facilities. Sinabi ni BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera, sa bilang na 85,183 na PDLs na pinalaya, umabot sa 296 percent ang napalaya simula noong taon 2023 hanggang 2025. Sa ginanap na BJMP 34th anniversary, sinabi ni Director Rivera, isa sa malaking pagbabago sa ating jail facilities ay naibsan ang jail decongestion para sa PDL welfare.…

Read More

No hospital arrest, no preferential treatment CONG. TEVES FIT FOR INCARCERATION – SEC REMULLA

MARIING inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang special treatment kay dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. kaya balik-kulungan ito oras na palabasin na ng Philippine General Hospital. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi nila pagkakalooban ng hospital arrest ang dating mambabatas at agad nila itong ibabalik sa kulungan. Magugunitang na-confine si Teves matapos sumailalim sa emergency appendectomy operation noong Hunyo 18 sa PGH at kinalaunan ay tuluyan ding pinayagang makalabas sa ospital matapos ang ilang araw na pananatili rito. Giit ni SILG…

Read More

MURDER SUSPECT SA MAYNILA, NASILO SA BULACAN

NASILO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang 38-anyos na lalaking matagal nang wanted sa batas sa kasong murder, nang matunton ito sa Meycuayan, Bulacan. Kinilala ni MPD District Director, Brigadier General Bonifacio Guzman ang suspek na si alyas “Ison”, tubong Bicol, warehouse staff, at residente ng Guiguinto, Bulacan. Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Intelligence Division (DID), nagsagawa ng “Oplan Pagtugis” ang mga tauhan ng…

Read More

Daanan ng fire trucks ginawang parking ILANG OPISYAL NG MAKATI BFP SINIBAK

MALINAW na sumasalamin sa matibay na commitment ng administrasyong Marcos sa public safety ang nangyaring pagsibak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla sa ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Makati. Sa press briefing sa Malakanyang. sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na winelcome nito ang naging hakbang ni Remulla na sibakin ang ilang opisyal ng fire station matapos masaksihan sa kanyang sorpresang pagbisita ang mga nakaparadang sasakyan ng mga opisyal na humaharang…

Read More

Inireklamo sa kahalayan KAGAWAD SA TAGUIG SINUSPINDE

SINUSPINDE sa pwesto ang opisyal ng barangay na umano’y tauhan ng natalong kandidato sa Taguig dahil sa pagkakasangkot sa kahalayan. Si Barangay Kagawad Apolonio Kibral Fulo Jr. ng Barangay Pinagsama, kilalang malapit na tauhan at bodyguard umano ni Pammy Zamora, natalong kandidato sa pagka-Kongresista ng District 2, ay sinuspinde ng anim (6) na buwan ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig dahil sa reklamong grave misconduct, immoral acts, at gawaing labag sa tiwala ng publiko. Batay sa Resolution No. 828, Series of 2025, na inaprubahan nitong Hunyo 30, 2025, epektibo agad ang…

Read More

CHINESE OFFICIALS NA NAGKAKALAT NG FAKE NEWS PINAPA-BAN SA PINAS

HINDI dapat hayaan ipagkibit-balikat lamang ng Pilipinas ang ‘parusa’ na ipinataw ng China laban kay dating Sen. Francis Tolentino dahil sa pagtatanggol sa West Philippine Sea (WPS) bagkus ay gawin din ito sa Chinese officials na nagkakalat ng maling impormasyon laban a bansa. Ginawa ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang pahayag matapos i-ban ng China si Tolentino hindi lang sa China kundi maging sa Hong Kong at Macao. “The Philippine government should undertake a commensurate and proportional response to the travel sanction against former Senator Francis Tolentino. It…

Read More

HYBRID DIGITAL FILING INILUNSAD NG SC

INILUNSAD ng Supreme Court (SC) nitong Hulyo 1 ang hybrid digital filing system na nag-uutos sa mga abogado na magsumite ng ilang petisyon sa elektronikong paraan gamit ang eCourt PH app, bukod sa tradisyunal na papel na pagsusumite. Kailangang magparehistro ang mga abogado sa Philippine Judiciary Platform bago magsumite ng pleadings. Saklaw nito ang mga petisyon sa review on certiorari, mga kaso mula sa Comelec at COA, mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, contempt, prerogative writs tulad ng habeas corpus at amparo, at quo warranto actions. Mula Hulyo 1,…

Read More

REPORMA SA K-12 PROGRAM TINULUGAN NG SENADO

WALANG magaganap na reporma sa basic education sa gitna ng bagsak na kalidad ng edukasyon sa bansa dahil tinulugan ng Senado ang panukalang batas na amyendahan ang K-12 basic education program. Sa isang panayam, sinabi ni House committee on basic education chairman Rep. Roman Romulo na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at ang huling pagbasa noong Enero ang House Bill (HB) 11213  o “Education Pathways Act” subalit hindi naisalang sa bicameral conference committee dahil walang kahalintulad na panukala ang ipinasa ng Senado. “Naipasa namin ang amin version noong January pero…

Read More

Binarat sa umentong P50 OBRERO ININSULTO NG MARCOS ADMIN

(BERNARD TAGUINOD) INILARAWAN bilang pang-iinsulto sa hanay ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na P50 sa National Capital Region (NCR) na inanunsyo ng Department of Labor and Employment kamakalawa. Para kay dating Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, walang kwenta ang singkwenta. Maituturing aniya itong pang-iinsulto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga manggagawa lalo na’t wala itong ginagawa para maampat ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “Ang singkwenta ay walang kwenta sa nagtataasang presyo ng bilihin at sunod-sunod na oil price hike. Ang mumong P50…

Read More