FEJODAP SUPORTADO SI ISKO

SUPORTADO ng malaking grupo ng transportasyon ang kandidatura ni dating mayor Isko Moreno -Domagoso at Chie Atienza para sa nalalapit na 2025 midterm election. Sinabi ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Rodelio Sotto, ang matatag na liderato, maayos na pamamahala, at dedikasyon sa publice service ang dahilan ng kanilang pagpapahayag ng suporta. “Nakita naman po natin na ang Maynila ay nawala na po ang gobyerno. Sala-salabat po ‘yung traffic sa kanto, ang Divisioria nagiging dugyot talaga,” ayon sa grupo. Nasaksihan din umano nila…

Read More

Sa ipinatupad na drug war RESPONSIBILIDAD NG PNP, AFP PANANAGUTAN NI DIGONG

DUMATING na ang sinasabing panahon na pananagutan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang responsibilidad ng mga tauhan ng Philippine National Police at maging ng Armed Forces of the Philippines sa inilunsad na war on drugs ng Duterte administration. Ayon kay FRRD sa kanyang facebook post, patuloy siyang magsisilbi sa bayan, naninindigang sa kanyang binitawang salita sa mga pulis at militar na gawin lamang nila ang kanilang trabaho at siya ang mananagot para sa kanila. Sa inilabas na Facebook video ng dating Pangulo bago siya lumapag sa The Hague: “For…

Read More

SOLIDARITY/PRAYER RALLY NG PRO-DUTERTE KASADO NGAYONG SABADO

MAGSASAGAWA ng malaking solidarity/prayer rally ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong Sabado ng hapon, Marso 15. Ang prayer rally para sa pagkakaisa ay isasagawa ng mga nakikisimpatya at mga tagasuporta ng dating pangulo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga dadalo ay magtitipon-tipon at magmamartsa patungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Magsasagawa rin ng motorcade patungo sa nasabing venue ngunit ang hindi makakasama sa motorcade ay pinayuhan na dumiretso na lamang sa Liwasan bandang alas-3 ng hapon. Samantala, pinaalalahanan ang mga makikiisa sa solidarity/prayer…

Read More

P4.5-M LOTTO JACKPOT IBINULSA NG TAGA-BULACAN

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng 6D Lotto na binola, Miyerkoles ng gabi sa Mandaluyong City. Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, Melquiades Robles, na nahulaan ng mananaya ang winning combination na 05-08-01-06-07-04 na may premyong P4,522,085.00. Sinabi ni GM Mel Robles, na nabili ang maswerteng tiket mula sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan. Tatlong indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P40,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon ng 6D Lotto. (TOTO NABAJA) 246

Read More

HONEYLET HINDI NA KAKASUHAN NG PINUKPOK NA PULIS

KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Hindi na magsasampa ng kasong ‘direct assault’ ang miyembro ng Special Action Force (SAF) laban sa domestic partner ni dating presidente Rodrigo Duterte na si Cielito ‘Honeylet’ Salvador Avanceña. Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nilinaw na personal na desisyon ng nasaktang pulis dahil sa kanyang pananaw ay bahagi ang naganap sa hazard ng kanyang trabaho. Sa pagpapatupad ng arrest warrant kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), napaulat na hinampas ni Avanceña ng kanyang cellphone ang…

Read More

ONLINE VOTING, MALAKI MAITUTULONG SA MGA OFW NGAYONG HALALAN 2025 — AKO-OFW

HINDI dapat palagpasin ng ating mga kababayang overseas Filipino worker ang muling pagboto ngayong Mayo 12, 2025 para sa midterm election. Ang mga OFW ay nabigyan ng pagkakataon na makaboto online dahil sa ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) na Online Voting and Counting System o (OVCS). Ibig sabihin, maaari na silang bumoto kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay o pinagtatrabahuhan. Sinabi ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap na kailangan makapag-enroll muna ang mga Pinoy worker na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa para magamit…

Read More

TRABAHO Partylist sa mga LaguNanay: WALANG IWANAN LALO NA SA KABABAIHAN

“WALA po dapat napag-iiwanan, lalung-lalo na ang kababaihan.” Ito ang hamong iniwan ni TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa kanyang kapwa kababaihan sa San Pedro, Laguna nitong ika-10 ng Marso. Kasabay ng National Women’s Month, ang mga binansagang “LaguNanay” o mga nanay ng Laguna ay nagdiriwang ng kanilang ika-7 anibersayo sa pangunguna ng kanilang kinatawan sa Kongreso, Ann Matibag. Pinuri ng TRABAHO ang programang ito ni Cong. Matibag dahil isa itong napakagandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng kababaihan sa ating mga lokal na pamayanan. Bukod sa mga…

Read More

HONEYLET KAKASUHAN SA PAMUMUKPOK SA PULIS

SASAMPAHAN ng kaso ng isang babaeng pulis na nakatalaga sa Special Action Force (SAF) ang common law wife ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Honeylet Avanceña. Sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakalabas na ng ospital ang policewoman at nagpapagaling na ito makaraang pukpukin ng cellphone sa ulo sa kasagsagan ng naganap na tensyon sa paghuli ng ICC sa dating pangulo. Kasong direct assault ang isasampa ng Philippine National Police (PNP) kay Avanceña. Nag-ugat ang insidente nang igilid…

Read More

VLOGGER NA SI MAHARLIKA TATAMBAKAN NG KASO

WALANG sasantuhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga vlogger at trolls sa social media na lumilikha ng pekeng balita at maling impormasyon. Partikular na tinukoy ni NBI Director Jimmy Santiago sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Manila na sasampulan ng pangil nito ang bantog na vlogger na si Maharlika na walang puknat umano ang kalokohan gamit ang social media. Tiniyak ni Santiago na santambak na kaso ang sasalubong kay Maharlika sakaling dumating ito ng Pilipinas mula sa Amerika dahil sa pagpapakalat ng pekeng…

Read More