AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na hindi siya kuntento sa liderato ngayon sa Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero. Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na bumuo rin sila ng veterans bloc sa Senado na kinabibilangan niya kasama sina dating Senate President Tito Sotto at Senators Ping Lacson at Loren Legarda. Isinusulong anya nila ang kandidatura ni Sotto bilang Senate President dahil nakita nila ang kwalipikasyon at kakayahan nitong mamuno sa Mataas na Kapulungan. Gayunman, may naririnig na rin anya silang impormasyon na mayroon nang 13 boto…
Read MoreCategory: BALITA
ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL INIHAIN SA KAMARA
HINDI isinusuko ng mga militanteng mambabatas sa Kamara de Representantes ang kanilang krusada na tapusin ang political dynasties sa Pilipinas bagama’t mahigit dalawang dekada na itong ipinaglalaban. Noong Lunes ay muling inihain nina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co ang House Bill (HB) 209 o “The Anti-Political Dynasty Act” na unang ipinaglaban na panukala ng mga miyembro ng Bayan Muna party-list noong 2001. “Bayan Muna party-list first filed a House Bill prohibiting political dynasties in 2001. Similar measures filed by the Makabayan bloc in…
Read More21K PULIS ITATALAGA SA IKA-4 SONA NI PBBM
TIYAK na magmimistulang military garrison ang paligid ng Batasang Pambansa Complex kaugnay sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong buwan ng Hulyo, sa dami ng mga pulis at sundalong itatalaga para mangalaga sa kaayusan at seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa SONA ng presidente. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), magtatalaga sila ng hindi bababa sa 21,000 pulis sa araw ng SONA ng Pangulo na huhugutin mula sa iba’t ibang distrito ng Kalakhang Maynila. Hindi pa umano kasama…
Read MorePULIS PATAY, 1 KRITIKAL; SUSPEK PATAY RIN SA BARILAN SA PRESINTO
CAVITE – Patay ang isang pulis habang kritikal ang isa pa nang barilin ng suspek na kalalabas lang mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, ngunit napatay rin, matapos nitong agawin ang service firearm ng isa sa mga biktima sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Carmona nitong Miyerkoles ng umaga. Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktimang sina PMSg. Joel Mendoza at PSSgt. Joseph Martin Fabula, kapwa nakatalaga sa Carmona Component City Police Station, dahil sa mga tama ng bala sa katawan subalit nalagutan ng hininga si Mendoza Namatay…
Read MoreBARANGAY HEALTH CENTER SA CAVITE NILOOBAN
CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang manloob sa isang Barangay Health Center sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw. Hawak na ngayon ng Trece Martires Component City Police Station ang suspek na si alyas “Tuklas”, 26-anyos, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite Ayon sa ulat, puwersahang pumasok ang suspek sa Barangay Health Station sa Block 2, Lot 1, Phase 1-A, Southville, Brgy. Inocencio sa lungsod, at tinangay ang double burner gas stove kasama ang LPG tank nito bandang alas-2:00 ng madaling araw saka tumakas. Ngunit may…
Read MoreMAG-INANG INDIAN NAT’LS TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA MANTIKA
ISABELA – Kalaboso ang mag-inang Indian nationals sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group, sa pagbebenta ng hindi rehistradong mantika sa Barangay Patul, Santiago City. Kinilala ang mag-inang suspek na sina alyas “Kulvinder” at “Kamaljot”. Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG na nagbebenta umano ang mag-ina ng mantika na hindi rehistrado na nagresulta ng kanilang pagkaaresto. Ayon kay CIDG Acting Director BGen. Romeo Macapaz, nakumpiska sa mga suspek ang 273 container ng mantika na tinatayang nagkakahalaga ng P1.34 milyon. Wala umanong License to…
Read MoreARAGONES PORMAL NANG NANUMPA BILANG PUNONG LALAWIGAN NG LAGUNA
PORMAL nang nanumpa si Governor Marisol ” Sol ” Castillo Aragones- Sampelo bilang punong lalawigan ng Laguna pasado alas-3:35 ng hapon ng Miyerkoles sa Cultural Center ng Kapitolyo sa Sta. Cruz, Laguna. Nanumpa siya kay Quezon Province Governor Dra Helen Tan na sinaksihan nina Vice Governor JM Carait at mga nanalong Sangguniang Panlalawigan. Dumating din ang mga alkalde ng lalawigan. Sa kanyang pagdating, sinalubong si Gov. Aragones ng kanyang Administrator na si dating mayor Jerry Pelayo at ilang opisyal ng Kapitolyo. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Aragones na ang…
Read MoreTask Force FACTS binuo ni Mayor Isko MAYNILA NASA ‘FINANCIAL ICU’
NAGLUNSAD ng malawakang plano si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ipahayag na nasa “Financial ICU” ang lungsod. Upang makabawi ang lungsod, pangungunahan ng Task Force FACTS ang reporma habang ang lungsod ay nahaharap sa P10.2 bilyong hindi nababayarang obligasyon. Sinabi ni Domagoso sa kanyang inaugural State of the City Address, binuo ang FACTS o Fiscal Accountability, Cost Transparency, and Spending dahil na rin sa fiscal mismanagement sa ilalim ng nakaraang administrasyon na naging dahilan upang maubos ang laman ng kaban ng Maynila at maparalisa ang mahahalagang mga serbisyo. “Nasa…
Read MoreP500-M FARM TO MARKET ROAD PROJECTS SA ALBAY SINIMULAN NA – DAR
MARIING tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na malaking tulong ang darating sa mga magsasaka sa Albay matapos simulan ang pagpapatayo ng Farm-to-Market Road (FMR) projects sa bayan ng Polangui na may kabuuang halagang P500 milyon ang nakalaang pondo para sa mga kalsadang ito. Sinabi ng DAR, ang naturang kalsada na may habang 9.2 kilometro ay layuning mapadali ang biyahe ng mga magsasaka at maihatid nang mas mabilis ang kanilang mga ani sa merkado. Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Polangui,…
Read More