IGINIIT ni Senate President Francis Chiz Escudero ang pangangailangan ng malawakang financial at social audit sa lahat ng internet gambling platforms sa bansa. Sinabi ni Escudero na sa pagdami ng online gaming kung saan makakataya na sa pamamagitan ng mobile phone apps ay nangangahulugan na may casino na ngayon sa bawat bulsa ng mga Pinoy. Iginiit ng Senate leader na dapat magsagawa na ang government regulators ng social cost-state benefit analysis sa lahat ng aktibidad ng Philippine Inland Gaming Operators o PIGO dahil sa napakadali nang i-access ng mga online…
Read MoreCategory: BALITA
Sa blangkong items sa bicam report QUIMBO GIGISAHIN SA SC
MAGIGISA si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa Korte Suprema ukol sa blangkong items sa bicameral conference committee report ng 2025 national budget. Nakatakdang humarap si Quimbo sa pagpapatuloy ng oral argument patungkol sa isyu sa Abril 1, 2 at 3, 2025. Una nang inanunsyo ni senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na obligadong humarap si Quimbo sa Kataas-taasang Hukuman kasama ang mga miyembro ng Technical Working Group ng Senado at House of Representatives. “Ipinag-utos ang pagdalo at presensya ng mga miyembro ng Technical Working Group,” wika ni Rodriguez sa…
Read MoreSa gitna ng mataas na heat index FLEXIBLE WORK ARRANGEMENT ITINULAK
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga employer na ipatupad ang flexible work arrangements o pansamantalang pahinga sa trabaho upang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa matinding init ng panahon. “Dapat nating tiyakin na ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga manggagawa ay hindi isinasakripisyo,” saad ni Pimentel. Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan ang matinding init ng panahon. Ang heat exhaustion ay nagdudulot ng matinding panghihina, sobrang pagpapawis, at pagkahilo. Ang heat cramps naman ay sanhi ng matinding…
Read MoreVP SARA ISINUKA NG KABABAIHAN
TILA sukang-suka ang grupo ng kababaihan sa mensahe ni Vice President Sara Duterte sa International Women’s Day, kung saan nanawagan pa ito ng katarungan sa kanyang mga kabaro. Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriel Women’s party-list group, ang lakas ng apog umano ni VP Sara na manawagan ng katarungan nang hindi nito isinaalang-alang ang epekto ng mga polisiya ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, particular na ang giyera kontra droga na nagpairal ng walang habas na mga extrajudicial killing (EJK) sa libu-libong inosente…
Read MoreP30-M KAPALIT NG PAGPAPATAKAS SA SOUTH KOREAN DETAINEE?
LUMAKAS ang hamon para masusing imbestigahan ng Bureau of Immigration ang pagkakatakas ng South Korean national na umano’y nagbayad ng P30 million. Nauna rito, iginiit ni House minority leader Marcelino Libanan na dapat gawin lahat ng paraan ng BI para maibalik sa kulungan ang suspek na si Na Ikhyeon para hindi tuluyang mawalan ng tiwala ang publiko sa sistema ng hustisya ng bansa at maging sa nasabing tanggapan. “Allowing a fugitive to remain at large undermines our justice system. The BI must act swiftly to bring him back into custody,”…
Read MoreWALANG MAKAPIPIGIL SA SERBISYONG MATAPAT! — CONG. NOGRALES
SA kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ang tanggapan ni CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa INYO. Ito ang nilalaman ng OPISYAL na ABISO na sagot ng kampo ni Rizal District IV Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-padlock ng gate ng R & R Wet and Dry Market, sa Greenview, Barangay San Isidro sa Montalban, Rizal, na kung saan matatagpuan ang District Office ng kongresista. Nauna rito, noong Pebrero 28, 2025 nasa humigit-kumulang sa dalawampung katao (20) mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng…
Read MoreHIGIT 3K TSUPER MAWAWALAN NG HANAPBUHAY SA LPTRP REVISION
DILIMAN, Lungsod Quezon — Aminado ang Department of Transportation (DoTr) na hihigit sa 3,000 tsuper sa Cebu ang posibleng mawawalan ng hanapbuhay sanhi ng gagawin mga pagbabago sa ipapatupad na Local Public Transport Route Plan (LPTRP). Ito ang napagalaman mula kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region VII director Eduardo Montealto sa pakikipagpulong kay Cebu governor Gwendolyn Garcia nitong nakaraang Sabado, Marso 8, 2025. Nakasama sa pulong nina Montealto at Garcia sina DoTr secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon, mga kinatawan ng World Bank (WB), Land Transportation Office (LTO), pamahalaang…
Read MorePAG-ANGKIN NG TSINA SA PALAWAN KINONDENA NI GOITIA
UMANI ng batikos ang Tsina matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag nito na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. Sa isang matapang na pahayag, tinawag ni Goitia ang pag-aangkin ng Tsina bilang “katawa-tawa” at isang “tahasang paglabag sa pandaigdigang batas,” binigyang-diin niyang ito ay hindi lamang walang batayan kundi isa ring “pang-iinsulto sa kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kanilang sariling kasaysayan at kultura.” Kinatawan ni Goitia, ang iba’t ibang makabayang organisasyon, kabilang ang People’s Alliance for…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN INIREKLAMO KAY MAYOR VICO SA ‘ILLEGAL’ MULTI-PURPOSE HALL
NAGHAIN ng reklamo sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kompanya laban sa barangay chairman ng Barangay Rosario dahil sa ilegal na pagtatayo ng multi-purpose hall na sinakop ang bahagi ng pagmamay-ari nitong lupain. Batay sa liham ni Atty. Ramon Remollo, abogado ng Industrial Enterprises Inc. (IEI), kay Sotto na may petsang 20 Pebrero 2025, tumanggi si Aquilino dela Cruz Jr., chairman ng Barangay Rosario, na bigyan ng fencing permit ang kanilang kompanya bunsod umano ng pagkuwestiyon sa IEI bilang lehitimong may-ari ng lupang kinatitirikan ng dalawang…
Read More