PAG-USAD NG KASO VS QUIBOLOY GINUGULO

KINUMPIRMA ni Senador Risa Hontiveros na naghahanda na sila ng legal action laban sa testigong nagsabing binayaran ng P1 milyon upang idiin sa pagdinig sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy. Sinabi ni Hontiveros na maituturing itong harassment at intimidation na hindi dapat palampasin at dapat papanagutin ang nasa likod nito. Binigyang-diin ng senadora na malaking kasinungalingan ang alegasyon ng isang Michael Maurillo dahil sangkaterba ang ebidensiya kaugnay sa mga paratang laban sa Pastor. Lahat anya ng testigo na kanilang iprinisinta sa imbestigasyon ng Senate committee on Women, Children and Family…

Read More

GOBYERNO BINABANTAYAN PAGTAAS NG PRESYO NG BILIHIN

BINABANTAYAN ng gobyerno ang pagtaas ng presyo sa consumer market. Napansin umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumaas na ang presyo ng ilang kalakal. “Iyon lamang binabantayan natin ngayon ‘yung price gouging. Dahil ang dami ko nang nakita nagtataas ng presyo, hindi naman tumaas ang presyo ng langis. So, iyon ang babantayan natin ngayon. That’s what we are going to watch,” ang sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag. At nang tanungin kung magpapatuloy ang subsidiya sa mga driver at iba pang sektor, tinuran ng Pangulo na kapag ang presyo…

Read More

KAMARA KAY CHIZ: HINDI KAMI NAGPAPABAGAL SA PAG-USAD NG IMPEACHMENT

ITINANGGI ng tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na sila ang nagpapahirap sa proseso ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte at matigas ang kanilang ulo. Kasabay nito, pormal nang isinumite ng House Impeachment Secretariat kahapon sa Fortun, Narvasa & Salazar Law Offices at maging sa Impeachment Court ang kanilang pleadings at entry of appearance ng mga dokumentong inaantay ng korte. “Kaklaruhin natin kung ano ‘yung mga factual na pangyayari doon sa mga binanggit ni Senate President Chiz Escudero on June 11, during the last session day of…

Read More

Sa dami ng bitbit na kontrobersya ROMUALDEZ TAGILID SA PAGTAKBO SA 2028

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA gitna ng maugong na plano umanong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 ni House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez, nagpahayag ng agam-agam ang ilang eksperto sa pulitika lalo pa’t hindi lamang anila kontrobersya ang nakadikit dito kundi maging mismong kasaysayan. Sa isang panayam, tinukoy ni political analyst at propesor Julio Teehankee ang tinatawag na “Speaker’s Curse” — sa kasaysayan ng bansa ay walang House Speaker na tumakbo bilang Pangulo ang nanalo. “Romualdez will be running against history,” pahayag ni Teehankee. “In our political experience since…

Read More

Kinondena ng grupo ng Kabataan BBM SUNOD-SUNURAN SA OIL COMPANIES

“KAHIHIYAN ang Pangulong ito na sunod-sunuran sa dikta ng mga dambuhalang korporasyon.” Pahayag ito ni incoming Kabataan party-list Rep. Renee Co matapos madismaya dahil sa kawalang aksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Co na isang abogada, ang tunay na dahilan kung bakit mataas ang presyo ng langis sa bansa ay dahil sa oil deregulation law na ayaw galawin ni Marcos sa kabila ng lumalakas na panawagan ng mamamayan. “Hindi na kontrol ng gobyerno at hinahayaan lang nila ang mga negosyante ng…

Read More

P9.5-B ILEGAL NA DROGA SINUNOG SA TARLAC

PINANGUNAHAN mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagwasak sa nakumpiskang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng P9,484,134,038.62 sa Clean Leaf International Corporation sa lalawigan ng Tarlac. Ayon kay PBBM, talagang tinutukan niya ang pagwasak ng mga kontrabando para matiyak na hindi na ito mare-recycle at ikalat sa merkado. Nais masiguro ng Pangulo na dumaan sa testing hanggang sa mailagay na sa incinerator para wasakin ang bulto-bultong illegal drugs, at isasapubliko ng media para maiwasan ang mga pagdudududa na ito’y napalitan o ni-recycle. Kasama ng Pangulo si Interior Secretary…

Read More

SUBMERSIBLE DRONE NATAGPUAN SA KARAGATAN NG CAGAYAN

CAGAYAN – Isinuko sa mga awtoridad ang hinihinalang isang submersible drone na natagpuan noong Martes sa karagatan ng Calayan sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Cagayan Police Office director, Col. Merdito Angulan, natagpuan ng punong barangay ng Dalupiri ang nasabing drone sa karagatan na sakop ng nabanggit na barangay. Ayon kay Angulan, ang nasabing drone ay may propeller, antenna at rudder na nagpapakitang kontrolado ng remote control. Sa ngayon ay sinusuri ito ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan at kung posibleng banta ito…

Read More

TESTIGO SA REKLAMO VS LOCAL OFFICIALS SA LAGUNA, ITINUMBA

LAGUNA – Patay ang isang ginang matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakamotorsiklo sa isang vulcanizing shop sa national highway ng Brgy. Canlalay, Biñan City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Phoebe Dawn Marie Monton, 36, residente ng Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna. Ayon sa imbestigasyon ng Biñan City Police Station, bandang alas-10:00 ng umaga, nasa vulcanizing shop ang biktima nang biglang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Olivarez Stoplight. Agad…

Read More

SENIOR CITIZENS BINALAAN SA FAKE NEWS SA UNIVERSAL PENSION

NAGBABALA si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga senior citizen sa bansa ukol sa pagkalat sa social media ng maling impormasyon ukol sa pamamahagi ng universal pension. “Fake news po ang kumakalat na makakatanggap na ng P1,000 monthly universal pension na para daw po sa lahat ng senior citizens,” ani Ordanes. Nilinaw niya na sa ngayon, tanging ang may pensyon ay ang mga kwalipikado sa Social Pension for Indigent Senior Citizens program na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi pa nailipat sa…

Read More