SA layuning mapabuti pa ang serbisyo sa mga miyembro, nagsagawa ng stakeholders’ dialogue ang Government Service Insurance System o GSIS sa Sequoia Hotel Manila Bay. Pinangunahan ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso ang dayalogo, at binigyang-diin ang kahalagahan ng feedback mula sa kanilang mga miyembro. Ayon kay Veloso, “Bawat bagong hakbang ay bunga ng pakikinig sa ating mga miyembro.” Ibinida ni Veloso na 99% ng transaksyon sa GSIS ay online na, gamit ang mga digital tools tulad ng GSIS Touch mobile app, facial recognition para sa…
Read MoreCategory: BALITA
NAPOLCOM IIMBESTIGAHAN MGA PULIS NA SABIT SA MGA MISSING SABUNGERO
MAGSASAGAWA ng “motu propio investigation” ang National Police Commission o Napolcom makaraang mapaulat na may ilang pulis na dawit sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero. Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, na kanyang inatasan ang Inspection, Monitoring and Investigating Service o IMIS na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa ibinunyag ni alyas “Totoy”. Matatandaan na ibinunyag ni Totoy na may ilang pulis na kasabwat ng grupo na nagpapatay sa mahigit sa 100 sabungero at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake. Ayon kay Atty. Calinisan,…
Read MoreREMULLA IKOKONSULTA SA SC ISYU NG ‘SUHOL’ SA KASO NG MISSING SABUNGEROS
KAKAUSAPIN ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo hinggil sa gumagapang na suhol at pera para impluwensyahan ang judiciary kaugnay ng kontrobersyal na missing sabungeros. Ito ay matapos aminin ni Remulla na mismong si alyas Totoy ang nangumpisal sa kanya na nagbanta ang mastermind at sinabing “Kaya natin ‘yan, kahit ang SC kaya natin”! “Credible enough” na maituturing si alyas “Totoy,” ayon sa kalihim. Dahil sa mga dokumento at video na hawak nito malaking tulong para mapanagot ang mga sangkot sa kaso. Ayon kay…
Read More“INTERNATIONAL CAMPAIGN” NI VP SARA SA INTERIM RELEASE NI FPRRD, MINALIIT NI CONTI
Si Atty. Cristina Conti habang sumasagot sa katanungan ng mga mamamahayag sa The Agenda Forum sa Club Filipino, kasama si Atty. Sigfrid Mison bilang moderator. ‘WA EPEK’ o walang saysay umano ang isinasagawang “international campaign” ni Vice President Sara Duterte upang mapalaya pansamantala si dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakadetine nito sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Ito ang naging pahayag ni Atty. Cristina Conti, National President ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) at Assistant Counsel to the ICC, sa ‘The Agenda’ media forum sa Club…
Read MoreSEN. PIA CAYETANO NANUMPA SA IKAAPAT NA TERMINO SA SENADO
NANUMPA si Senator Pia S. Cayetano sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo ngayong Huwebes, Hunyo 26, 2025, sa isang seremonya sa bagong Taguig City Hall para sa kanyang muling termino sa Senado. Kasama niya ang kanyang mga anak, sina Mayor Lani Cayetano, Senator Alan Peter Cayetano, Senate President Francis Chiz Escudero, at mga piling panauhin. Sa pagpasok ng Ika-20 Kongreso, muling pinagtibay ni Senator Cayetano ang kanyang paninindigan sa pagsusulong ng mga pangunahing adbokasiya gaya ng edukasyon, kalusugan, reporma sa enerhiya, at mga polisiyang makabubuti sa pamilyang Pilipino. Nanumpa…
Read MoreMGA PULIS NA SANGKOT SA MISSING SABUNGEROS, ‘DI SASANTUHIN NG PNP
ITO ang pagtiyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pahayag ng Department of Justice na may sangkot na mga tauhan ng gobyerno, kabilang ang ilang pulis, sa kaso ng nawawalang mga sabungero. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, “Wala tayong sasantuhin—sibilyan man, opisyal, o kapwa pulis.” Pahayag ng tagapagsalita na wala silang palalampasin sa imbestigasyon sa pagkawala ng 34 na sabungero matapos ang pahayag ng isa sa mga akusado na umano’y may sangkot na mga pulis sa krimen. Kinumpirma naman ni Justice Secretary Jesus Crispin…
Read MoreCHINESE TIMBOG SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA SASAKYAN
KALABOSO ang isang Chinese national makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group dahil sa pagbebenta nito ng nakaw na sasakyan. Ayon kay PLt. Dame Malang, spokesperson ng HPG, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, inaresto ang suspek sa parking area ng isang gusali sa Paco, Manila. Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa natanggap na reklamo na nagbebentang ito ng sasakyan na nasa hold order list. Kapag ang sasakyan ay nasa hold order list ay bawal itong ibenta dahil posibleng mayroon itong pending investigation o sangkot sa…
Read MoreSa unang BARMM Parliamentary election ARMY 6TH INFANTRY DIVISION AT JTFC FULL SUPPORT SA COMELEC
TINIYAK ng pamunuan ng Joint Task Force Central (JTFC) at ng Philippine Army 6th Infantry (Kampilan) Division, na nasa ilalim ng pamumuno ni Major General Donald M. Gumiran, sa Commission on Election na higit pa nilang paiigtingin ang security preparation para sa gaganaping kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary election. Tiniyak ng mga sundalo na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila para masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang gaganaping parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na Oktubre 13, 2025. Ipinarating…
Read MoreDRIVER SINAKSAK NG BODEGERO DAHIL SA TSISMIS
CAVITE – Sugatan ang isang driver nang pagsasaksakin ng kasamahan nito sa trabaho dahil sa tsismis sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Odin”, driver ng Golden Noy Hardware sa Purok 4, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City. Arestado naman ang suspek na si alyas “Armando”, 21, isang bodegero ng nasabing hardware. Ayon sa ulat, hinihinala ng suspek na ang biktima ang nagpapakalat ng umano’y tsismis hinggil sa kanya. Nang magkita ang dalawa sa parking area ng hardware bandang…
Read More