TRADE AT INVESTMENT MISSION IPADADALA NG US

MAGPAPADALA si United States President Joe Biden ng trade at investment mission sa Pilipinas. Inanunsyo ito ni Biden matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oval Office o formal working space ng una sa Estados Unidos. “We’re gonna announce today that I’m sending a first-of-its-kind presidential trade and investment mission to the Philippines,” ayon kay Biden. Base sa kanilang joint statement, magpapadala si Biden ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas sa ngalan niya “to enhance U.S. companies’ investment in the Philippines’ innovation economy, its clean energy transition…

Read More

Netizens sa administrasyong Marcos Jr. ‘GOBYERNONG SHORTAGE’

KINANTYAWAN ng netizens ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang anila’y ‘gobyernong puro shortage’. Ito ay matapos ang sunod-sunod na kakapusan sa bansa magmula sa bigas, asukal, sibuyas, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino hanggang sa pati na ang mga iniisyung ID at lisensya ay hindi na rin natutugunan ng mga ahensya nito. Matapos ianunsyo ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na kakapusin ang ahensya ng plastic cards dahil 147,000 na lamang ang nalalabi sa kanilang imbentaryo, agad pumalag ang mga…

Read More

‘BAKUNA PUSH’ SA HALIP MANDATORY FACE MASK – PBBM

HINDI pa nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na oras na para ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng COVID-19 cases sa bansa. Sa halip, binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na itaas at paigtingin ang vaccination efforts lalo na sa mga kabataan. “We will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa…

Read More

PBBM BIYAHENG UK AT INDONESIA NAMAN

MATAPOS ang four-day trip sa Estados Unidos, lilipad naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo sa United Kingdom at Indonesia. Si Pangulong Marcos ay tutungong UK sa May 5 para sa koronasyon ni King Charles III at sa Indonesia sa May 10 para sa kanyang partisipasyon sa 42nd ASEAN Summit. Inanunsyo ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay inimbitahan na dumalo sa King Charles III coronation ceremony sa May 6. Inimbitahan din ang mga ito na…

Read More

Black Friday protest kasado MANGGAGAWA NGANGA KAY MARCOS JR.

MALABONG makatanggap ng magandang balita sa Labor Day ang mga manggagawa dahil imbes harapin ay mistulang iniiwasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sagutin ang kanilang panawagang taas-sahod, sa halip ay bibiyahe ito patungong Amerika. Dahil dito, sanib puwersa ang mga manggagawa at magsasaka para ilunsad ang Black Friday Protest ngayong araw habang nasa bansa pa si Marcos Jr. upang igiit na itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga pangunahing pagkain. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman Danilo Ramos, isasagawa ang Black Friday Protest ngayong araw…

Read More

PBBM NANOOD NG LIVE FIRE DRILLS NG BALIKATAN

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang live-fire sea drills ng Pilipinas at Armed Forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise. Habang isinasagawa ang drills na may 2.8 kilometers mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales, nagpartisipa ang U.S. at Philippine combat units sa combined joint littoral live-fire exercise, nagtapos sa field training event para sa Balikatan 2023. Tinatayang may 1,400 Marines, soldiers, sailors, airmen at Coast Guardsmen mula sa dalawang bansa ang sumali sa Combined Joint Littoral…

Read More

Katulad ni Duterte – ACT WAGE INCREASE NG PUBLIC TEACHERS TINUTULUGAN NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) WALANG pinagkaiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sinundang si dating pangulong Rodrigo Duterte na mistulang pinaaasa lamang ang mga public school teacher dahil hindi rin niya sinusunod ang pangakong itataas ang sahod ng mga ito. Isinisisi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kabiguang kumilos ni Marcos Jr. ang pagkakabinbin sa Kongreso ng mga panukalang batas na itaas ang sahod ng mga pampublikong guro. “Ilang taon na pinaasa at binigo ng nakaraang gobyernong Duterte ang ating mga guro sa pangako nitong salary increase. Pres. Marcos made the…

Read More

Kuryenteng pangako, napako OCC MINDORO NGANGA KAY PBBM

(BERNARD TAGUINOD) “FULFILL your campaign promise”. Ito ang panawagan ni House deputy minority leader France Castro kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng problema sa kuryente sa Occidental Mindoro. Ayon sa ulat, nagbabanta na ang kaguluhan sa nasabing lalawigan dahil sa hanggang 20 oras na power outage kada araw. Isinailalim na ng Sangguniang Panlalawigan ang buong probinsya sa state of calamity. Noong 2022 presidential campaign, personal na pinangakuan umano ni Marcos ang nasabing lalawigan na aayusin niya ang problema sa kanilang kuryente subalit mas lumala ang sitwasyon ng mga…

Read More

Anong ginagawa ni BBM at ng DA? – Farmers PRESYO NG PAGKAIN LALONG SUMIRIT

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG dedma ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano, lumabas sa kanilang market monitoring imbes na bumaba ang presyo ng mga pagkain ay tumataas ito. Bukod aniya sa bigas na tumaas ng P5 ang kada kilo ay pataas din nang pataas ang presyo ng mga gulay, karne ng baboy, manok at mga isda subalit hindi ito pinapansin ng DA. “Ang DA ang…

Read More