IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island. Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4. “And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor…
Read MoreCategory: BBM
5% GOV’T WORKERS NAKAAMBANG MASIBAK
(BERNARD TAGUINOD) NALALAPIT na ang pagsibak sa limang porsyento ng mga empleyado sa gobyerno matapos lumusot sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bawasan ang mga empleyado ng burukrasya. Sa pamamagitan ng viva voce voting, idineklarang panalo ang aye (yes vote) sa nye (no vote) kaugnay ng House Bill (HB) 7240 o “National Government Rightsizing Act” at nakatakdang ipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. Ang nasabing panukala ay orihinal na ideya ng Department of Budget and…
Read MorePHILHEALTH COVERAGE PALAWAKIN – PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin ang sakop nito upang mabigyan ng mas maraming benepisyo ang mga miyembro nito. “Marcos met PhilHealth officials led by its acting president and CEO Emmanuel Ledesma Jr., to discuss its short-term plan in the first six months of 2023 during a meeting at Malacañang Palace,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO). Kabilang sa mga plano ay itaas ang hemodialysis coverage mula 90 hanggang 156 sessions, pagpapawalang-bisa sa “pay-whichever-is-lower corporate policy” sa pagbabayad ng claims at itaas…
Read MoreURBAN FARMING TUGON SA MATAAS NA PRESYO NG PAGKAIN
ITINUTULAK ng pamahalaan ang urban farming bilang bahagi ng pagsisikap nito na tugunan ang tumataas na presyo ng pagkain at kasalatan sa suplay. Ang “Hapag Kay PBBM,” inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa Rizal Park, Manila ay hinikayat ang urban barangay at sambahayan na maglaan ng “small patches” ng lupain para pagtaniman ng mga prutas at gulay. “Ang ginagawa natin dahil nagkakaproblema tayo sa bilihin at tumataas ang presyo ay sinasabi natin, bakit hindi ang ating mga kababayan ay sila na…
Read MoreSPECIAL POWER NG KAMARA TINABLA NI PBBM
(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para hiritan ang Kongreso ng special powers para tugunan ang inflation. Kumpiyansang sinabi nito na sinimulan na ng kanyang administrasyon ang interbensyon para pagaanin ang nakapanghihinang epekto ng inflation. Sa isang chance interview sa Pangulo matapos ang paglulunsad ng Hapag Kay PBBM (HAlina’t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement) sa Open Air Auditorium sa Rizal Park, Manila, sinabi nito na “I do not think that it is necessary…
Read MorePRES. MARCOS JR. INAWAT TIGIL-PASADA SA MARSO 6-12
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa transport groups na huwag munang ituloy ang nakatakda nitong tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12 bilang protesta sa modernization program ng gobyerno. Sa isang chance interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Hapag Kay PBBM (HAlina’t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement) sa Luneta, sinabi ng Pangulo na magdurusa lamang ang mga mananakay kapag natuloy ang nasabing tigil-pasada. Ito’y sa kabila ng sinabi ng Department of Transportation na mayroong contingency plans ang pamahalaan sakali’t…
Read MoreMISYON NG AFP NAGBAGO SA GITNA NG SOUTH CHINA SEA ROW
NAGBAGO na ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng komplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kompetisyon ng “superpowers.” Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea ang itinuturing na “most difficult and complex issue” kahit na may giyera sa Ukraine. “Kaya’t sinasabi ko ‘yung mission ng AFP, ‘yung mission ninyo ay nagbago na. At kailangan natin bantayan nang mabuti ‘yung ating dating hindi kailangan masyadong isipin,” ayon…
Read MoreKADIWA SUMIPA NA RIN SA CEBU
OPISYAL nang inilunsad sa lungsod ng Cebu ang “Kadiwa ng Pangulo” bilang bahagi ng programang naglalayong maghatid ng murang bilihin sa mga konsyumer. Sa kanyang mensahe, hanayagang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kadiwa na aniya’y dinumog at sadyang ikinatuwa ng mga maralitang pamilyang biniyayaan ng murang panindang inihain bilang ‘noche buena’ noong nakaraang Pasko at ‘media noche’ naman sa pagpasok ng bagong taon. Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural products sa Kadiwa ng Pangulo, kalakip din ng naturang programa ang pagkakataong makapag negosyo ang hanay ng mga Micro,…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM SA FUN RUN PARA IWAS DROGA
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na magpartisipa sa fun run nitong Linggo, inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para makatulong na mag-promote sa anti-drug advocacy. Sa isang Facebook post, inimbitahan ni Pangulong Marcos ang lahat na sumali sa “Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtugon sa “demand reduction and rehabilitation” sa mga komunidad. “Buo ang ating suporta sa DILG Philippines sa kanilang sigaw na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan,”ayon…
Read More