5-MINUTONG TRAVEL TIME TARGET NI PBBM SA CALOOCAN-MANILA

TARGET ng administrasyong Marcos Jr. na gawing limang minuto ang travel time sa pagitan ng Caloocan at Maynila. Ito’y matapos saksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng NLEX Connector Caloocan-España Section, nitong Lunes. “This road project will form an integral part of the Luzon’s spine expressway network which in turn is a component of the Philippine high standard highway network. Once completed this connector shall provide another alternate route that will reduce travel time for our motorists,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati. “Nagtitinginan kami kanina noong…

Read More

Dedma sa banta ng China PBBM NANINDIGAN SA DAGDAG EDCA SITES

(CHRISTIAN DALE) SA kabila ng banta ng China, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa. Matatandaang nagbabala ang China na ang pagpayag sa mas maraming sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagdudulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas. “There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some further south,”…

Read More

Gawa ng mga ‘anay’ sa Palasyo PBBM SINUSUBUAN NG MALING INFO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY mga lumalason sa isip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya nababaligtad ang ilang kwento at napapasama ang ilang tao. Ito ang duda ng kampo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. Nagtataka ang kampo ng mambabatas dahil imbes tumugon ang Pangulo sa kanilang panawagan laban sa panggigipit ng ilang personalidad sa gobyerno ay tila napasama pa ito. Sa isang ambush interview kahapon sa Pangulo, sinabi nito na batay sa monitoring ng intelligence unit ng pamahalaan ay walang threat o banta sa buhay ng…

Read More

Wala pang basbas ni PBBM INDEPENDENT BODY VS. DUTERTE DRUG WAR

WALA pang basbas mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi pa maisumite ng tanggapan ni Solicitor General Menardo Guevarra ang panukalang paglikha ng independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa drug campaign ng Duterte administration. Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang panukala kabilang na ang draft ng executive order (EO) na naglalayong bumuo ng independent panel noong nakaraang taon. “The OSG has crafted the details of a proposed independent commission a long time ago, including…

Read More

PRIVATE ARMIES PINALALANSAG NI PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of National Defense (DND) na lansagin ang private armies. Ito’y kaugnay ng magkakasunod na pananambang sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan kamakailan. Sinabi ni Defense chief Carlito Galvez sa 11th oversight committee meeting ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups sa Cotabato sa Kidapawan City na “more than ever, the fulfillment of our mandate is now made more urgent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to dismantle private armies and identify hotspots where local…

Read More

FISH PORTS SA 11 COASTAL PROVINCES TARGET NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Pilipino. Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Martes, Marso 14. Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang traditional landing ports sa bansa. Ang nasabing hakbang, ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa…

Read More

Kahit tablado sa eco managers ni Marcos Jr. P750 DAILY MINIMUM WAGE HINIRIT

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T malamig ang economic managers ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor, ipinilit pa rin ng Makabayan bloc sa Kamara ang P750 across-the-board na arawang sahod sa buong bansa. Sa House Bill (HB) 7568 na inakda ng tatlong kinatawan ng Makabayan bloc sa Kamara kahapon, iginiit ng mga ito na kailangan na ang dagdag na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor lalo na’t hindi maawat ng Marcos administration ang paglobo ng inflation rate sa bansa. “Wages are supposed…

Read More

PBBM PUMIYOK: SPECIAL DIPLOMA COURSE SA UA&P ‘DI NATAPOS

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya natapos ang kanyang “special diploma course” sa economics sa University of Asia and the Pacific (UA&P) sa Pasig City. Ang pag-amin na ito ng Pangulo ay nabanggit niya sa pagtinta sa Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nang magbigay ito ng pagbati kay NGCP president at CEO Anthony Almeda. Sinabi ng Pangulo na siya at si Almeda ay magkaklase sa kaparehong kurso na pareho nilang hindi natapos.…

Read More

DIGITAL MEDIA LITERACY IKAKASA KONTRA FAKE NEWS

MAGPAPATUPAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Digital Media Literacy campaign ngayong taon. Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas habang isinasagawa ang CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying Ahead! Ensuring Women and Girls a Safe Online Experience, isang side event sa 67th Session ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa UN headquarters sa…

Read More