SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), itinuturing na pinakamalaking “free trade agreement” ay pagpapakita lamang sa buong mundo na ang Pilipinas ay committed sa economic openness. Sa kanyang official Facebook page at Twitter account, winelcome ng Pangulo ang naging desisyon ng Senado na sang-ayunan ang ratipikasyon matapos ang dalawang araw na plenary debates. “We are proud of the swift ratification of the Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, demonstrating our commitment to openness and a thriving business environment,” ayon kay Pangulong Marcos.…
Read MoreCategory: BBM
PBBM at ES Bersamin hinahanapan ng paliwanag SUGAR RACKET TULOY PA RIN
(DANG SAMSON-GARCIA) DAPAT magpaliwanag sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Executive Secretary Lucas Bersamin sa sugar shipment na pumasok sa bansa bago pa mailabas ang Sugar Order No. 6 para sa importasyon ng 440,000 metric tons ng asukal. Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng panawagan nito sa Department of Agriculture na tigilan ang gaslighting sa isyu ng sugar shipment. “Wala naman sanang gaslighting. Sa draft sugar order nakapirma ang tatlong board ng SRA at Usec ng DA. Hindi lang nakapirma yung concurrent DA Secretary,” pahayag ni Hontiveros.…
Read MorePAGHUSAY NG INTERNET CONNECTION IBINIDA NI PBBM
MAE-ENJOY na ng Pilipinas ang mas malawak at mas maayos na interconnectivity dahil sa subsea cable system project ng Converge ICT Solutions Inc. at Keppel Telecommunications and Transport (T&T) Ltd., ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaagad na ipinarating ng Pangulo ang magandang balitang ito sa publiko matapos ang kanyang pakikipagpulong kina Converge founder at chief executive officer (CEO) Dennis Anthony Uy at Keppel T&T CEO at executive director Thomas Pang Thieng Hwi sa Palasyo ng Malakanyang nitong Martes. Winika ng Pangulo, ang partnership sa pagitan ng nasabing mga kumpanya…
Read MoreTaxpayers’ money pinapoprotektahan P6.33-M KADA ARAW GINAGASTOS NI PBBM
(BERNARD TAGUINOD) NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang Makabayan bloc sa Kamara para sa pagbuo ng oversight committee na bubusisi sa intelligence at confidential funds at pambansang pondo upang maproteksyunan ang buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7158 o “intelligence and confidential funds transparency act of 2023”, nais ng nasabing grupo na magkaroon ng oversight committee na bubuuin ng independent congressmen at senators upang malaman kung saan ginagamit ang pondo. “Mahalaga na ma-audit at magkaroon ng oversight committee ang confidential at intelligence funds dahil…
Read MoreCHA-CHA MAY BASBAS NI MARCOS JR.?
(BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang beteranong kongresista na may basbas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Charter change (Cha-cha) dahil sa kabila ng pahayag nito na hindi niya ito prayoridad ay inarangkada pa rin ng kanyang mga kaalyado sa Kamara ang nasabing panukala. Ngayong araw, Miyerkoles, ay tuluyang aaprubahan ng House committee on constitutional amendments ang Committee report na amyendahan ang 1987 Constitution matapos ang 7 konsultasyon. “There must be an overwhelming furtive reason why the Cha-cha caravan is rolling fast in the House of Representatives despite President Marcos’…
Read More‘GREEN LANE’ SA FOREIGN INVESTORS GIIT NI PBBM
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa pagpasok ng investments sa Pilipinas. Ito na kasi ang tamang panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito. “Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach in addressing the ‘pain points’ – iyong ano ba iyong challenges ng mga namumuhunan sa Pilipinas,” ayon kay Vichael Angelo Roaring, kasalukuyang namumuno sa Foreign Trade Service Corps ng departamento. Nauna nang sinabi ng Pangulo na lalagdaan niya ang…
Read MoreSolon sa panibagong importasyon SUGAR INDUSTRY ‘SINASABOTAHE’ NI MARCOS JR.?
(BERNARD TAGUINOD) MISMONG ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sumasabotahe sa sugar industry sa bansa. Ito ang opinyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos payagan ng Pangulo ang pag-angkat ng 440,000 metric tons ng asukal na inaasahan magkakaroon aniya ng negatibong epekto sa nasabing industriya. “It will sabotage local sugar industry,” ani Brosas dahil posibleng maging dahilan ang panibagong pag-aangkat para mawalan ng hanapbuhay ang sugar farmers at kanilang mga trabahador. Noong panahon aniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bumagsak ang kabuhayan ng mga rice farmer…
Read MorePBBM MALAMIG SA PAGGAMIT SA MDT
WALANG balak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos kasunod ng laser-pointing incident ng China sa West Philippine Sea. “If we activated that, what we are doing is escalating the — intensifying the tensions in the area and I think that would be counterproductive. Besides, despite the fact that it was a military-grade laser that was pointed at our Coast Guard, I do not think that that is sufficient for it to trigger the Mutual Defense Treaty,” ayon kay Pangulong Marcos…
Read MorePROMOSYON NG 10 PCG OFFICIALS APRUB KAY PBBM
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10 indibidwal para sa posisyon ng Vice Admiral at Rear Admiral ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang tatlong itinalaga sa posisyon bilang Vice Admiral ay sina Joseph M. Coyme, Ronnie Gil L. Gavan at Robert N. Patrimonio. Itinalaga naman bilang Rear Admiral sina Gregorio I. Adel Jr., Armando A. Balilo, Rear Admiral, Hostillo Arturo E. Cornelio, Eustacio Nimrod P. Enriquez Jr., Edgardo T. Hernando, Rudyard M. Somera at Nelson B. Torre. (CHRISTIAN DALE) 383
Read More