MAANGHANG na patutsada ang isinukli ng mga militanteng kongresista sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taumbayan na magbayad ng tamang buwis para maiahon ang lugmok na ekonomiya ng bansa. “Tama ang sinabi ni Pres Marcos Jr. but walk the talk,” maikli subalit may lamang pasaring ni House Deputy Minority Leader France Castro. Hindi man pinalawig ni Castro ang detalye, tila pasaring ng militanteng kongresista sa Pangulo ang kontrobersyal na P203-bilyong estate tax na hindi binayaran ng pamilyang Marcos sa nakalipas na tatlong dekada. “Hirap na hirap na rin…
Read MoreCategory: BBM
PBBM NASA JAPAN NA PARA SA 5-DAY OFFICIAL VISIT
DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan para sa five-day official visit nito. Eksaktong 5:36 pm (Tokyo time) dumating si Pangulong Marcos sa Tokyo International Airport. Kasama sa entourage ni Pangulong Marcos sina Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, mga importanteng miyembo ng kanyang Gabinete at ilang mambabatas gaya nina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, at Senior Deputy Speaker and Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Nakikita na…
Read MoreSolon kay Pres. Marcos Jr. INFLATION HARAPIN HINDI PURO BIYAHE
(BERNARD TAGUINOD) KAILANGAN nang tugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy sa pagtaas na inflation sa halip na tumutok lang sa pagbiyahe sa iba’t ibang bansa. “Jet-setter Marcos Jr. should answer for 8.7% runaway inflation,” hamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Pangulo matapos pumalo sa 8.7% ang inflation rate noong Enero na mas mataas ng 0.6% mula sa 8.1% na naitala noong December 2022. Dismayado ang mambabatas dahil mahigit pitong buwan na aniya sa Malacañang si Marcos Jr. subalit hindi nito nareresolba ang patuloy na paglobo ng…
Read MoreGABINETE NI PBBM ‘SHAKY’ PA RIN – SOLON
(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa masasabing matatag ang pamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halos walong buwan matapos siyang pormal na maupo sa pwesto. Bagama’t walang direktang impormasyon ang mga militanteng mambabatas na nakikialam si First Lady Liza Araneta-Marcos sa appointment ng tao sa gobyerno, naghihinala pa rin ang mga ito na may kinalaman ang maybahay ng Pangulo kaya hindi mabuo-buo ang gabinete nito. “Bagama’t wala tayong first hand information pero lumilitaw na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang girian tungkol sa appointed position,” pahayag ni Kabataan party-list Rep.…
Read MoreUS TUTULONG SA AFP MODERNIZATION
NANGAKO si United States Defense Secretary Lloyd Austin na tutulungan ang Pilipinas na gawing makabago ang “defense capabilities” at itaas ang interoperability ng American at Filipino military forces. “From defense perspective, we will continue to work together with our great partners and to build and modernize your capabilities as well as increase our interoperability,” ayon kay Austin sa kanyang pambungad na pananalita bago makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang. “So we are very, very happy to be here once again and I look forward to a great…
Read MoreWATER MANAGEMENT OFFICE APRUB KAY PBBM
MAY go signal na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO) para pangasiwaan ang water resources ng bansa. Ito rin ang tutugon sa kasalukuyang environmental challenges sa pamamagitan ng pagsisikap ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at sa tulong ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malakanyang, tinalakay ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpaplano na may kaugnayan sa water management, binigyang diin ang pangangailangan para sa plano na magsisilbi bilang roadmap para sa waste management agencies. “Kaya nga kailangan…
Read MoreMagbabawas na raw ng byahe, pero.. JAPAN TRIP NI PBBM TULOY NGAYONG PEBRERO
(CHRISTIAN DALE) TULOY ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023. Ang Japan para sa Malakanyang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas. Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang byahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida. Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito bilang Pangulo ng bansa. Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa…
Read MorePAGPAPATULOY NG 4Ps INIUTOS NI PBBM SA DSWD
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ituloy ang implementasyon ng 4Ps o ang Pantawid Pamilya Pilipino Program upang makapagbigay ng ayuda sa mahihirap na Pilipino. Kasabay nito, pinuri ni Marcos Jr. ang mga tauhan ng DSWD sa “excellent” at “genuine” public service na ibinibigay ng mga ito. Sa talumpati ng Pangulo sa 72nd founding anniversary ng DSWD sa Quezon City, binigyang diin nito ang mahalagang papel ng DSWD sa pagbibigay ng tulong sa mamamayang Pilipino lalo na iyong nabibilang sa vulnerable…
Read MoreEO NG PH DEV’T PLAN PINIRMAHAN NI PBBM
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong aprubahan at i-adopt ang Philippine Development Plan para sa taong 2023-2028. Magsisilbi itong roadmap para sa economic recovery ng bansa. Sa ilalim ng EO No. 14, nilagdaan noong Biyernes, Enero 27, ang PDP, bilang second medium-term plan na naka-angkla sa “AmBisyon Natin 2040,” ay naglalayong maibalik ang Pilipinas sa high-growth trajectory. Ang AmBisyon Natin 2040 ay nagsisilbing guide para sa development planning mula 2016-2040 upang magawa ng mga Pilipino na maabot ang “matatag, maginhawa at panatag…
Read More