PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang bagong associate justices ng Court of Appeals (CA) at isa para sa Court of Tax Appeals (CTA). Nito lamang Oktubre 11 ay itinalaga ni Pangulong Marcos sina Selma Alaras at Wilhelmina Jorge-Wagan bilang associate justices ng CA at Corazon Ferrer-Flores bilang associate justice ng CTA. Ang kopya ng appointment papers ng tatlong associate justices ay isinapubliko, Miyerkoles ng gabi. Pinalitan nina Alaras at Jorge-Wagan sina dating CA associate justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello na kapwa nagretiro na. Bago mapasama sa…
Read MoreCategory: BBM
MODERNISASYON NG PCG SUPORTADO NI PBBM
SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG). Tiniyak ito ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-121 founding anniversary ng PCG sa Port Area, Manila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming bagong gampanin ang mga miyembro ng coast guard sa labas ng kanilang balwarte. “Now, you are in the frontline in the defense of our maritime territory, in defense of our economic zones, in defense of our baselines. Although this may not have been originally part of the mission of…
Read MoreMARCOS JR. DADALO SA 48th PH BUSINESS EXPO
PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 48th Philippine Business Conference and Exposition 2022, ngayong Huwebes, Oktubre 20 para kausapin ang mga negosyanteng Pinoy. Ang nasabing event ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na idaraos sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel. Sa nasabing okasyon, ipapasa ni Ferdinand Ferrer, Chairman at CEO ng EMS Group of Companies kay Pangulong Marcos ang conference resolutions. Pangungunahan din ng Pangulo ang presentasyon ng awards para sa Most Business-Friendly LGU at Most Outstanding Chamber. Ang 48th Philippine Business Conference and…
Read MorePBBM: FRESH IDEAS KAILANGAN SA PAGPAPALAKAS NG TURISMO
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan para sa tourism industry players at stakeholders na makagawa ng “fresh” at “new” ideas para makapanghikayat ng maraming turista na bibyahe sa Pilipinas at buhayin ang inilarawan niyang “key players” sa progreso sa bansa. Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay bilang papuri na rin sa pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) na konsultahin ang regional tourism offices hinggil sa pamamaraan para suportahan ang pagbangon ng industriya ng turismo na binansagan bilang “listening tours.” “Following the pandemic, we need fresh and…
Read MoreOCT. 31 SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY
(CHRISTIAN DALE/RENE CRISOSTOMO) INANUNSYO ng Malakanyang na tinintahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proklamasyon na naglalayong ideklarang special non-working holiday ang Oktubre 31, 2022, isang araw bago ang Undas. Ang katwiran ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, layon ng nasabing proklamasyon na mabigyan ng mas maraming oras na kasama ang pamilya at i-promote ang local tourism. Sa kabilang dako, nagtakda ang pamunuan ng Manila North at South Cemetery ng COVID-19 health protocol para sa Undas. Ayon kay Manila South Cemetery OIC Manny Juan, inatasan ang publiko…
Read MoreTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG NENENG TULOY-TULOY – PBBM
TULOY-TULOY ang tulong ng pamahalaan sa mga sinalanta ng Bagyong Neneng, pagtiyak kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang sa mga ayudang ipinararating sa mga napinsala ang pagkain, inuming tubig at elektrisidad. “To the provinces in the North that have felt the effects, help is on the way,” ani PBBM sa kanyang official Twitter account. Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mamamayan na sundin ang direktiba ng local government units at municipal disaster risk reduction and management councils. Sa ulat ng PAGASA, kahapon ay lalo pang lumakas ang Severe…
Read MoreINSENTIBO SA PINOY SCIENTISTS NAIS DAGDAGAN NI PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST) na maghanap ng paraan para mapagkalooban ng karagdagang insentibo ang Filipino scientists. Sa idinaos na 8th Annual Balik Scientist Program Convention, hinikayat ni Pangulong Marcos ang marami pang Filipino scientists na manatili sa bansa at ibahagi ang kanilang kaalaman at kadalubhasaan. “As we take advantage of the many opportunities available to us under what is becoming the new normal, it is important to highlight the critical role of the DOST, with the help of the participating Balik…
Read MoreOIL EXPLORATION NG AUSTRALIAN FIRM SA PALAWAN MAY BASBAS NI PBBM
BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Australian energy firm na ituloy ang pagsasagawa ng oil exploration activities sa hilagang kanlurang baybayin ng Palawan sa susunod na taon. Nakikita kasi ng Pangulo na makalilikha ito ng “strong interest” mula sa foreign investors. Nauna rito, nakakuha ang Sacgasco, lokal na nagpapatakbo bilang Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd., ng basbas para makapag-perform ng on-site survey sa lumang Cadlao oilfield sa loob ng huling kwarter ng 2022. Ang Nido Petroleum ang operator ng Service Contract 6B sa Palawan basin, sakop…
Read MorePAGPAPAUNLAD SA MARITIME AT AVIATION SECTOR TINUTUTUKAN NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) PINAGPRESENTA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) ng kanilang programa sa maritime at aviation sector sa idinaos na 11th cabinet meeting sa Malakanyang nitong Martes (Oktubre 11). Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ang sektor ng transportasyon ay isa sa priority sectors ng Pangulo kaya pinagpresenta niya ang DOTr ng mga programa nito para isulong ang economic recovery at mabigyan ng hanapbuhay ang mamamayan. Sinabi pa ni Velicaria-Garafil na inutusan ni Pangulong Marcos ang DOTr na bumuo ng isang Maritime…
Read More