ALINSUNOD sa direktiba ng Pangulo, nakatakdang tutukan ng Department of Agriculture (DA) ang programang Masagana 150 na naglalayong gawing posible ang hamon para sa abot-kayang presyo ng bigas sa merkado. Sa ilalim ng programang halaw sa mekanismong ginamit ng yumaong dating Pangulo Ferdinand Marcos Jr., target ng departamentong paabutin sa 150 sako ng palay ang ani sa kada ektaryang lupang sakahan. Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, mahigpit ang direktiba ng Pangulong tumatayong Kalihim ng kanilang kagawaran — komprehensibong programang magbibigay katiyakan sa sapat at abot-kayang pagkain para sa mga…
Read MoreCategory: BBM
DU30, FVR ‘DI SIGURADO KUNG DADALO SA SONA
KUMPIRMADO na ang pagdalo nina dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, sa kinapapanabikang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 25, sa Batasang Pambansa. Gayunpaman, nananatiling palaisipan pa rin kung sisipot sina dating Pangulong Fidel Ramos na una nang napaulat na mahina na ang pangangatawan bunsod ng katandaan habang si dating Pangulong Rodrigo Duterte naman ay wala pang pasabi hanggang sa mga oras na isinusulat ang balitang ito. Sa isang ambush interview, inaasahan naman ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza…
Read MoreEPEKTIBONG SOLUSYON SA PROBLEMA NAIS MARINIG SA SONA NI PBBM
UMAASA si Senador Grace Poe na maglalatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga solusyon sa dambuhalang problema ng bansa upang makaahon ang ekonomiya at mamamayan sa kahirapang sanhi ng pandemya at pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo. Sa pahayag, sinabi ni Poe na kailangan maglatag kaagad si Pangulong Marcos ng kongkreto, komprehensibo at epektibong solusyon sa problemang kinaharap ng bansa. “Sa kanyang kauna-unahang SONA, haharap ang Pangulo sa taumbayan na ginigipit ng sunod-sunod na mga hamong nangangailangan ng kongkreto, komprehensibo at epektibong mga solusyon,” ayon kay Poe. Ayon kay…
Read MorePAGBABALIK NG F2F CLASSES PINAPOPORMA NA NI PRES. MARCOS
(CHRISTIAN DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Education (DepEd) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na iporma na ang kinakailangang preparasyon at pagpaplano para sa pagbubukas ng face-to-face classes ngayong taon. Ang kautusan ay dinisenyo para tugunan ang mga usapin na maaaring matalakay kaugnay sa pagbalik eskwela ng milyong estudyante sa buong bansa para sa nalalapit na school year 2022-2023. Sa Cabinet meeting sa Malakanyang, tinanong si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ukol sa plano ng DepEd para tugunan ang ilang mga hamon…
Read MoreGOV’T TO GOV’T DEALS SA FERTILIZER ISUSULONG NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng fertilizers. Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng government-to-government deals. Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng fertilizers. “Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba? Sige bigyan ninyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point…
Read MorePANALO NI BBM TANGGAP NG 82% PINOY
(JESSE KABEL) WALO sa bawat 10 Pilipino ang kumbinsidong kapani-paniwala ang resulta sa ginanap na halalan para sa posisyon ng Pangulo nito lamang nakalipas na Mayo. Sa isang survey na nilahukan ng hindi bababa sa 1,200 respondents sa pangangasiwa ng Pulse Asia nitong nakaraang Hunyo, lumalabas na 85% ng mga natanong ang nagsabing may kredibilidad at naging malinis ang halalan. “The June 24 to 27 poll found that 82 percent of respondents had ‘big trust’ of the outcome of the national and local elections, in which trust is most pronounced…
Read MoreHindi lang China ang may pera 3 RAILWAY PROJECTS PINAHAHANAPAN NG PONDO NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) BINUKSAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba pang posibilidad upang mapondohan ang tatlong malalaking railway project na naudlot sa pag-atras ng China. Kamakalawa, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na bumalik sa negotiating table upang tiyakin ang loan agreements kasama ang China. “The President was referring to the Subic-Clark Railway Project; the Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project and the Davao-Digos segment of the Mindanao Railway Project (MRP),” ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez. Ani Chavez, ang tatlong railway projects…
Read MoreIlulunsad ni Pres. Marcos ‘LARGE-SCALE’ COVID VACCINATION, BOOSTER
(CHRISTIAN DALE) INULIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng COVID-19 vaccination at boosters. Napakahalaga aniya ng mga ito sa kanyang paggaling mula sa pangalawang laban sa nakamamatay na virus. “Kukunin ko ang pagkakataon na ito para ihayag ang importansya ng pagbabakuna at lalo na ng mga booster shot. Ito nga ang pangalawang COVID ko,” ayon kay Pangulong Marcos. “Pero sa tingin ko, kung hindi dahil sa vaccine at booster shot ay siguradong mas malubha ang naging tama ko at aking pakiramdam… hindi na talaga siya bumaba sa aking…
Read MoreTEEHANKEE NANUMPA BILANG KINATAWAN SA WHO
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ni Ambassador Manuel Antonio Teehankee bilang Philippine Permanent Representative sa World Trade Organization (WTO). Malinaw na tapos na ang isolation period ng Pangulo matapos itong magpositibo sa COVID-19 antigen test noong nakaraang linggo. “Pagkatapos ng ating isolation period, tayo ay nakipag-usap kay Ambassador Manuel Antonio Teehankee at pinangunahan ang kanyang panunumpa bilang,” ayon sa Chief Executive. Si Teehankee ay naging ambassador sa naturang posisyon mula 2004 hanggang 2011 at hanggang 2017 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Si Teehankee…
Read More