(CHRISTIAN DALE) UPANG matiyak na mabilis makararating sa mga apektadong residente ang tulong ng pamahalaan, agad ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang air assets ng gobyerno kasunod na malakas na lindol nitong Miyerkoles. Ang air assets ay isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol na labis na puminsala sa norte. Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay ng tubig at pagkain at maging ang tulong pinansiyal na dapat maibigay sa mga residenteng apektado. Layon din ng Punong Ehekutibo na…
Read MoreCategory: BBM
PBBM mas gusto bagong gov’t body na tutugon sa sakuna DDR NA ITINUTULAK SA KONGRESO TABLADO
(CHRISTIAN DALE) PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sapat na ang isang bagong National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) authority o administration kaysa sa bagong departamento para tugunan ang concerns ukol sa calamity response. Sa situation briefing matapos bisitahin ang lalawigan ng Abra, pumayag si Pangulong Marcos sa panukala ng nakatatandang kapatid na si Senadora Imee Marcos. Sinabi ng senadora na hindi kailangan ng bansa ang isang bagong departamento. “We are siblings indeed, I fully agree; I did not ever, I did not ever understand the concept of a…
Read MoreES RODRIGUEZ TUTOK DIN SA PINSALA NG LINDOL
HABANG binabantayan ni Pangulong Ferdinad Bongbong Marcos Jr. ang pinsala ng magnitude 7.3 earthquake na yumanig sa ilang lalawigan sa Norte partikular sa Abra at Benguet ay tinutukan naman ni Executive Secretary Vic Rodrigues ang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Kasama ni ES Rodriguez na nagsagawa ng kanilang damage assessment sina Department of National Defense (DND) Senior Usec.Jose Faustino Jr., Office of Civil Defense (OCD) Usec. Ricardo Jalad, Usec. Raymundo Ferrer, Asec. Raffy Alejandro, OCD Director Edgar Posadas at OCD Dir. Hamid Bayao sa NDRRMC…
Read MoreWALANG PABONGGAHAN SA SONA NI PBBM
SINABI ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na walang pabonggahan ng damit sa mga dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa panayam bago ang SONA, sinabi ni Cruz-Angeles na ang pagsusuot ng damit na Filipiniana ay bahagi lamang ng panghihikayat na muling buhayin ang traditional industries. “Who are the more glamorous secretaries? Well, hindi what am I expecting. Ganito yan no, the reason we encouraged Filipiniana is to revive the traditional industries, yung piña weaving natin, to also give our designers a venue…
Read MoreUnang SONA puno ng pag-asa TUGON SA EKONOMIYA, UTANG AT KAHIRAPAN INILATAG NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) NAKATUON ang unang Ulat sa Bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa mahahalagang usapin tulad ng ekonomiya at pagtugon sa kahirapan. Inihayag ng Pangulo na magpapatupad siya ng sound fiscal management habang ang tax administration reforms ay ikakasa rin upang mapataas ang revenue collection. Sa kanya pa ring State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City, nitong Lunes, sinabi nito na ang expenditure priorities ay ire-realign at ang spending efficiency ay pagbubutihin para agad tugunan ang tinatawag na pagkakapilay sa ekonomiya na nag-ugat mula sa…
Read MoreMagbabago ng pokus pero hindi lalambot WAR ON DRUGS ITUTULOY NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) TULOY ang drug war campaign na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng administrasyong Marcos. Iyon nga lang may pagbabago sa gagawing atake ng pamahalaan sa nasabing kampanya. Kung ang nakalipas na administrasyon ay naka-pokus sa enforcement side, sinabi ni Pangulong Marcos na ang drug abuse prevention and education at pagsasaayos sa rehabilitation centers ang pagtutuunan ng pansin ng anti-drug campaign ng kanyang administrasyon. Matatandaang, sinabi ni Pangulong Marcos na pinayuhan siya ni Pangulong Duterte na panatilihin ang kampanya sa sarili nitong pamamaraan at i-apply…
Read MoreTulad sa inagurasyon SONA NI PBBM ‘SIMPLE, TRADISYONAL’
(BERNARD TAGUINOD) SIMPLE at tradisyunal pa rin ang inaasahang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong hapon sa Batasan Pambansa. Ani House Secretary general Mark Llandro Mendoza, kabilin-bilinan ng Pangulo na huwag gawing bongga ang SONA bagkus ay nais nito na maging simple at traditional ang pagtitipon kung saan ihahayag ni Marcos ang kanyang mga plano sa bansa sa kanyang anim na taong administrasyon. “Malacañang wants the event to be simple, more of a very traditional SONA. The President wants it to be…
Read MoreES VIC RODRIGUEZ BUFFER NI PBBM VS MAPAGSAMANTALANG TAO SA GOBYERNO
HINDI na ipinagtaka ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat kung bakit may ilang hanay sa pamahalaan ngayon ang tila kabi-kabilang umaatake kay Executive Secretary Vic Rodriguez. Aniya, bagaman hindi maganda para sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang ginagawang pag-atake sa kanyang executive secretary, normal lamang ito lalo’t naninindigan si Rodriguez na gawin ang dapat sa pamahalaan. “Buffer siya. Talagang ‘yan naman ang trabaho ng ES, to take the hit – H I T- and take the heat – H-E-A-T. So dapat talaga he should step up and…
Read MorePBBM ABALA SA PAGHAHANDA SA UNANG SONA
(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL) PATULOY na naghahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State Of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25. Sa katunayan, si Pangulong Marcos ang nagsusulat ng kanyang SONA message. “He’s the one writing his SONA message. And, he will be very busy, yesterday we tried to relax his schedule so he can write. But ang dami pa rin mga trabaho. This morning, the two ambassadors of Thailand and the United States presented their credentials to him. But this afternoon, he has devoted it until…
Read More