(CHRISTIAN DALE) HANGAD na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na magsagawa ng arrangements sa oil-producing countries upang mapalambot at mapagaan ang hagupit ng presyo ng petroleum products sa consumers. Sa press briefing, sinabi ni Marcos na nais ng kanyang administrasyon na gamitin ang kahalintulad na approach na in-adopt ng kanyang ama noong 1973 oil crisis nang ang administrasyon nito ay nakipag-usap sa oil-producing nations na habaan pa ang payback period. Nagsimula ang krisis nang magdesisyon ang Arab oil producers na putulin ang suplay sa Estados Unidos bilang pagpapakita ng military…
Read MoreCategory: BBM
GABINETE NI PBBM MAKUKUMPLETO NA
PATULOY na nababawasan ang shortlist ng mga kandidato na target mapasama sa gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The shortlist is getting shorter, let me put it that way. If we started with 10 names, a dozen names, we are down to maybe three or two in each of those departments,” ayon kay Marcos sa press conference sa Mandaluyong City nang tanungin kung nakapagtalaga na ito ng mamumuno sa Department of Health (DOH) at Transportation (DOTr). Sinabi ni Marcos na maaaring magbigay siya ng mas maraming pangalan ng Cabinet…
Read MoreUmani ng positibong reaksyon sa publiko PBBM BILANG AGRI CHIEF ‘WISE DECISION’
(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA) UMANI ng positibong reaksyon hindi lamang sa mga taong gobyerno kundi maging sa publiko ang anunsyo kamakalawa ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pansamantala nitong pamumunuan ang Department of Agriculture sa sandaling umupo na siya sa pwesto. Kaugnay ito ng layunin ni Marcos na siguruhin na matutugunan ang kakulangan ng pagkain sa bansa. Para kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, “wise decision” ito ng susunod na Pangulo. Aniya, ang pagtatalaga ni Marcos sa sarili sa DA ay ‘crystal clear message” na ang numero unong prayoridad…
Read MorePNP magtatalaga ng viewing areas MILYON KATAO NAIS SAKSIHAN INAGURASYON NI MARCOS JR.
(JESSE KABEL) NGAYON pa lamang ay pinaghahandaan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at maging ng PBBM team ang inaasahang pagdagsa ng milyon katao na nais masaksihan ang opisyal na panunumpa sa tungkulin ni incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Dahil dito, pinag-aaralan na kung paano made-decongest ang volume ng tao at isa sa mga plano ay magtalaga ng viewing areas sa June 30. Inihayag ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, may apat na lugar silang sinisilip para gawing viewing sites kabilang ang Philippine…
Read MoreEconomic team kumpiyansang tatatag ang ekonomiya IBA’T IBANG HAMON MALALAMPASAN NG MARCOS ADMIN
(CHRISTIAN DALE) MAHAHARAP ang incoming administration sa “multiple challenges” kapag nagsimula nang gampanan nito ang tungkulin sa Hunyo 30. Subalit, ang malakas na fundamentals at malinaw na macroeconomic prospects ang nakapagbigay ng lugar para sa pag-asa,” ayon sa briefer na natipon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa itinalaga nitong economic team. “We have all heard encouraging statements from the incoming economic managers led by outgoing Bangko Sentral governor and incoming finance chief, Benjamin Diokno, that our new administration will be taking off from sound economic fundamentals,” ayon kay…
Read MoreSARA DUTERTE MAGIGING MAGALING NA VP – MARCOS
MAGIGING magaling si Vice President-elect Sara Duterte sa kanyang bagong posisyon. “I am so proud of her. She’s gonna be great. She will do a great job. I know it,” ayon kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Dumating si Marcos sa Davao City matapos maka-lunch ang kanyang asawa na si Liza at panganay na anak na si incoming Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, para dumalo sa oath-taking ni Duterte bilang ika-15 Bise-Presidente ng bansa. Ang kapatid nito na si Sen. Imee Marcos, ay dumalo rin sa nasabing seremonya. Nauna…
Read MoreSa usapin ng langis at pharma industry TULONG NG NIGERIA, BANGLADESH SINIGURO
HANDA ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas sa problema nito sa langis at natural gas sources sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akinleye, may ilang mahahalagang usapin na tinalakay sa kanyang courtesy call kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kabilang ang agrikultura, teknolohiya at natural gas. Ayon kay Akileye, ang Nigeria ay pang- 12 “largest oil producer” sa buong mundo. At sa tanong kung magagarantiya ng Nigeria ang kanilang commitment na tumulong patatagin ang presyo ng langis sa gitna…
Read MoreSa gitna ng nagbabadyang global food crisis FOOD SECURITY PRAYORIDAD SA BBM ADMIN
(CHRISTIAN DALE) GAGAWIN lahat ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa. Ito’y matapos magbabala ang World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization, at World Food Programme ng global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries. Sa isang kalatas, tiniyak ni Press Secretary-designate Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa publiko na ang administrasyong Marcos ay handa na patatagin ang food supply at paghusayin ang food production. “Gaya nang nasabi na ni President-elect…
Read More2 PANG MIYEMBRO NG GABINETE NG BBM ADMIN PINANGALANAN
PINANGALANAN na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng incoming administration. Sa isang kalatas, sinabi ni incoming Press secretary Rose Beatrix “Trixie” Cruz Angeles na pinili ni Marcos Jr., sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Lilia Guillermo para pamunuan ang BIR at retired Philippine National Police (PNP) Deputy Director General Ricardo de Leon bilang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General-designate. Si Guillermo ay dating Deputy Commissioner ng BIR at sa kasalukuyan, nagsisilbi itong Assistant…
Read More