INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na pinasimulan na nila kahapon ng umaga ang implementasyon ng rerouting scheme bilang paghahanda sa inauguration ni President-elect Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2022 na bahagi ng inilatag na security plan. Bahagi sa pagtiyak na magiging maayos ang makasaysayang panunumpa sa tungkulin ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa, ay sinimulan nang isara nitong Linggo ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum sa lungsod ng Maynila gayundin ang Padre Burgos Avenue na nasa harapan ng pambansang museo. Kasabay ring…
Read MoreCategory: BBM
MARCOS PINAG-AARALAN ANG 5-YEAR TERM SA BRGY. OFFICIALS
MASUSING pinag-aaralan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang gawing limang taon ang tatlong taon na termino ng mga opisyal ng barangay. Sinabi ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos ang batas na mag-aamiyenda sa termino ng mga barangay officials, kabilang na ang pagpapalawig sa term of office ng kapitan ng barangay. “We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon kay Rodriguez bilang tugon sa tanong kung…
Read MoreWala nang political color – Incoming ES Rodriguez DAING NG BARANGAY DIREKTA SA PANGULO
HIGIT pa sa mga de kampanilyang senador, kongresista, gobernador at alkalde ang magiging pakikitungo ng Palasyo sa mga barangay, ayon kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, kasunod ng pagkilalang iginawad ng mga kapitan at kagawad mula sa 142 barangay sa Quezon City. Sa kanyang pagbabalik sa gobyerno, tiniyak rin ni Rodriguez ang mabilis na aksyon ng administrasyong Marcos Jr. sa mga pangangailangan ng hindi bababa sa 42,000 barangay units sa buong bansa, kasabay ng giit na higit na kailangan makarating at madama ng mga mamamayan sa bawat sulok ng mga…
Read More‘BIG FISH’, POLITIKO SA SMUGGLING PINAKAKALOS KAY PBBM
PINASASAMPOLAN kay incoming Agriculture Secretary at President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga high-ranking official at politiko na sangkot umano sa vegetable smuggling. Kasabay nito, hiniling ng grupo ng mga magsasaka kay Marcos na sawatain ang smuggling ng mga gulay mula sa China upang makabangon ang vegetable farmers sa bansa. “During the Senate probe in March, it was announced that high-ranking government officials, including politicians, were behind the smuggling of vegetable products from China,” ani dating Congressman Ariel Casilao ng Anakpawis. Kailangan tukuyin aniya ang mga opisyales ng gobyerno at…
Read MoreTF MANILA SHIELD PAGAGANAHIN SA BBM INAUGURATION
(JESSE KABEL/CHRISTIAN DALE) BILANG pagtiyak na maseselyuhan ang mga lagusan patungong Metro Manila laban sa mga grupong posibleng magsagawa ng kaguluhan sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa June 30 ay pagaganahin ng Philippine National Police (PNP) ang Task Force Manila Shield. Ito ay kasunod ng intelligence report na may mga militanteng grupo mula Tarlac ang nagbabalak magsagawa ng mga pagkilos sa mismong araw ng panunumpa ni Marcos Jr. Tinatayang aabot sa 15,000 security personnel ang magbabantay sa inagurasyon kabilang ang puwersang nakapaloob sa TF Manila…
Read MorePAL EXEC, IBA PANG OPISYAL ITINALAGA NI BBM
(CHRISTIAN DALE) MULING ginimbal ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan makaraang italaga bilang Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) ang isang beterano sa larangan ng transportasyon – pero hindi kabilang sa kanyang mga kaalyado. Sa isang kalatas, kinumpirma ng kampo ng susunod na Pangulo ang pagtatalaga sa DOTr kay Jaime Bautista – isang Certified Public Accountant (CPA) – base sa 25-taong karanasan sa larangan ng transportasyon, partikular sa Philippine Airlines (PAL) kung saan siya nagsilbing Presidente ng kumpanya sa loob ng 13 taon. Sa datos na nakalap ng…
Read MoreMARCOS SUPORTADO SA K-12 PROGRAM REVIEW
(BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN ng militanteng grupo sa Kamara ang direktiba ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebisahin ang Enhanced Basic Education Act o K to 12 law ng Department of Education (DepEd). Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro na kabilang sa Makabayan bloc sa Kamara, nagbunga ng samut-saring problema ang nasabing programa na unang ipinatupad ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaya nararapat na rebyuhin ito. “The K to 12 program has brought with it a countless number of problems with shortages in facilities, learning materials,…
Read MoreSabik na sa muling pagbangon ng Pilipinas KUMPIYANSA NG PINOY KAY BBM LALONG LUMAKAS
LABIS na pinananabikan ang nalalapit na pag-upo sa Palasyo ng ika-17 Pangulo pagsapit ng Hunyo 30 sa gitna ng kabi-kabilang suliraning kinakaharap ng susunod na administrasyon – kabilang ang lugmok na ekonomiya at krisis sa enerhiya bunsod ng pandemya at hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Katuwang ang mga itinalaga sa mga sensitibong pwesto sa gobyerno, lubos ang pag-asa ng mga Pilipinong babangon muli ang bansa sa kumpas ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang dalawang taong bangungot na hatid ng pandemyang salot. Katunayan, umani agad ng…
Read MoreSa inilalatag na mga programa PINAKAAPEKTADO SA OIL PRICE HIKE UUNAHIN NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) NAKATUON ang mga plano ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagresolba sa lumolobong presyo ng petrolyo at ang pagsagip sa mga sektor at manggagawang unang naaapektuhan nito. Nauna rito, tinanggihan ni Marcos ang panukalang suspendihin ang fuel excise tax dahil isa lamang aniya itong ‘blanket solution’ at hindi gaanong makatutulong sa mga direktang tinatamaan ng krisis. “I prefer to handle the problem on the other side of the equation and provide assistance to those who are in need because if you reduce the excise taxes that…
Read More