PBBM DADALO SA APEC SUMMIT

TUTUNGO sa Thailand sa Nobyembre si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. Kinumpirma ito ng tanggapan ni Marcos, matapos siyang personal na imbitahin ni Thai Chargé D’ Affaires Thawat Sumitomo sa nasabing summit na idaraos sa November 18 hanggang 19 sa taong ito. Ang imbitasyon ay ipinaabot kay Marcos sa isinagawang courtesy call ng ASEAN ambassadors noong Hunyo 6 sa headquarters ng una sa Mandaluyong City. Ang Thailand ang magsisilbing host ng APEC Summit ngayong taon na nakatutok sa ligtas at maginhawang cross-border…

Read More

Natanggap na donasyon sobra pa – Atty. Dabatos PBBM ‘DI GUMASTOS NG SARILING PERA SA KAMPANYA

bbm

(CHRISTIAN DALE) HINDI gumastos ng kahit isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito. Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), nitong Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline ng submission. Ayon kay Atty. Drixel Dabatos, miyembro ng legal team ni Marcos Jr., mayroon pa naman silang sobrang pondo mula sa campaign donations, hindi na kailangan gumamit pa si Marcos Jr. ng anomang personal resources nito.…

Read More

PAGBANGON SA PANDEMYA IPINOPORMA NA NG BBM ADMIN

NAKIPAGPULONG na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang economic team nitong Lunes para pag-usapan ang mga prayoridad sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ipinalabas ni Marcos ang kanyang marching orders na naglalayong tulungan ang Pilipinas na makabawi ang ekonomiya mula sa ‘adverse effects’ ng COVID-19 pandemic. Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, incoming Finance chief Benjamin Diokno, incoming Budget Secretary Amenah Pangandaman, incoming Socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan, incoming Labor chief Bienvenido Laguesma, at incoming Public Works Secretary Manuel “Manny” Bonoan. Nauna rito, sinabi…

Read More

Food security, renewable energy tinalakay PBBM NAKIPAGPULONG SA EUROPEAN ENVOYS

(CHRISTIAN DALE) TUMUTOK sa food security, climate change at renewable energy ang ilan sa mga tinalakay ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa mga ambassador ng Spain, Morocco, at Germany sa magkakahiwalay na pulong nitong Martes ng umaga. Nakipagkita sina Spain Ambassador to the Philippines Jorge Moragas, Germany Ambassador Anke Reiffenstuel, at Morocco Ambassador Mohammed Ride El Fassi kay Marcos Jr. sa headquarters ng huli sa Mandaluyong City. Sa naging pagbisita, binigyang-diin ni Reiffenstuel ang nagpapatuloy na bilateral cooperation sa pagitan ng Germany at Pilipinas. Tinukoy rin nito ang potensiyal na…

Read More

PDuterte sa mga Pinoy MARCOS ADMIN SUPORTAHAN

(CHRISTIAN DALE) UMAPELA si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino na tanggapin ang resulta ng May 9 polls dahil kakailanganin ng mga incoming leader lalo na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kooperasyon at tulong ng mga ito para matiyak ang tagumpay ng bansa. “President-elect Marcos would need the cooperation and help of everybody. We must give it to him,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. Dapat lamang aniyang igalang ng publiko ang desisyon ng mayorya, idagdag pa na ito…

Read More

Sa panunumpa nina PBBM at VP-elect Sara SECURITY PLAN NG PNP PLANTSADO NA

HANDA na ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Bumuo na rin ng task force ang PNP para sa paghahanda sa seguridad at tinatayang nasa pito hanggang walong libong pulis ang ipakakalat sa National Museum kung saan gaganapin ang panunumpa ni Marcos Jr. sa Hunyo 30. Sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng PNP, binuo na ang Security Task Group Manila at Security Task Group Davao para sa inagurasyon ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.…

Read More

ENVOYS NG BRUNEI, ITALY BUMISITA KAY PBBM

MALUGOD na tinanggap ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang diplomats mula Brunei at Italy, third batch ng mga envoy na nag-courtesy visit sa kanya bago pa siya pormal na manumpa bilang pang-17 Pangulo ng bansa. Si Brunei Darussalam Ambassador Johairah Wahab, kinatawan din ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), habang si Italy Ambassador Marco Clemente ay pang-apat na European diplomat na bumisita kay Marcos. “Our relations have always been very, very cordial,” ang sinabi ni Marcos kay Wahab. Nagpaabot din ito ng imbitasyon para kay Sultan Hassanal…

Read More

Sa pamamagitan ng vlog DIREKTANG PAG-UULAT SA TAO ITUTULOY NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) IPAGPAPATULOY ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa Hunyo 30. Sa kanyang pinakabagong YouTube video nitong Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang publiko sa kanyang mga pinakabagong aktibidad diretso “from the horse’s mouth.” Idinagdag pa niya na ipagpapatuloy niya ang vlogging upang sa gayon ay makakuha ang publiko ng alternatibong “source of information” sa kanyang incoming presidency bukod sa mainstream media.…

Read More

P272-M NAGASTOS NG PARTIDO NI BBM SA ELEKSYON 2022

PUMALO sa P272 milyon ang nagastos ng Partido Federal ng Pilipinas, political party ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa katatapos lamang na May 2022 elections. Ito’y base sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Ayon kay Atty. George Briones, PFP general counsel, ang P272 milyong halaga ng nagastos sa huling presidential campaign ay “below the maximum expenditure of P337 million allowed by law for a national political party.” Ang 400-page SOCE, inihain sa Commission on Elections, nitong Lunes, ay nilagdaan ni PFP national treasurer Anton Lagdameo, pinili ni…

Read More