TINAMAAN NG BAGONG COVID VARIANTS NADAGDAGAN

TILA sasakit ang ulo ng administrasyong Duterte kahit nagsimula na ang baksinisasyon sa bansa laban sa COVID-19 dahil tumaas na sa 58 Filipino ang kumpirmadong nagkaroon ng South African variant ng nasabing virus mula sa anim na kasong unang natunton noong Marso 2, habang pumalo sa 118 ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nagkaroon ng United Kingdom variant. Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Marso 5, na 52 kaso ang naidagdag na South African variant, o B.1.351 COVID-19. Inihayag sa media ng ilang dalubhasa na higit na…

Read More

Sa pagdating ng AstraZeneca PINOY HINIKAYAT NI DUTERTE NA MAGPABAKUNA

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Pilipino na magpabakuna na laban sa COVID-19. Ito’y matapos pangunahan kanina ni Pangulong Duterte ang pagsalubong, pagsaksi at pagtanggap sa bakunang AstraZeneca mula sa COVAX Facility na lumapag sa Villamor Air Base, lungsod ng Pasay. “On this note, I would like to appeal to all our kababayans please get vaccinated against COVID-19 and be the government partner in preventing further spread of the disease. I encourage you to get vaccinated as a soonest possible time. These vaccines are safe and they are…

Read More

Solon sa ‘no vaccine, no work’ policy TAKTIKA SA ‘LEGAL’ NA SIBAKAN

(BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA si ACT party-list Rep. France Castro na posibleng taktika lamang ng mga kumpanya ang ‘no vaccine, no work’ policy para magtanggal ng mga empleyado kaya dapat pigilan aniya ito ng Department of Labor and Employment (DOLE). “That is outright discriminatory and anti-labor practice. Paano nila ire-require ‘yan sa mga manggagawa? Sa kakuparan at inutil na pangangasiwa ng programa ng bakuna, manggagawa ang kawawa,” ani Castro. Malabo aniyang mabigyan ng bakuha ang mga manggagawa dahil sa ngayon ay puro donasyon lamang ang ginagamit ng gobyerno sa medical frontliners…

Read More

PAGTANGGAP SA CORONAVAC SA CALOOCAN HOSPITAL, MATUMAL

WALA pang 33% sa staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC) ang pumayag magpabakuna ng CoronaVac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac. Isang araw bago ang nakatakdang vaccination rollout sa nasabing ospital na nakatakda sa Marso 5, nabatid kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, sa kabuuang 457 hospital staff, 149 lamang ang pumayag na magpabakuna ng Sinovac vaccine, o 32.6% Gayunpaman, tiwala ang administrador na dadami ang magpapaturok kapag mayroon nang mga naunang magpabakuna “Inaasahan natin na tataas pa ang bilang ng mga papayag magpabakuna kapag may mga nabakunahan…

Read More

Kahit ‘di tiyak na epektibo sa SAV PASAY NAGHIHINTAY SA 275K DOSES NG ASTRAZENECA

UMAASA ang pamahalaang lungsod ng Pasay na makatatanggap ito ng mahigit 275,000 doses ng AstraZeneca dahil higit itong epektibo at mura ang presyo. Ang 275,000 doses ng bakuna ay resulta ng “tripartite agreement” ng pamahalaang lokal, pambansang pamahalaan at sa AstraZeneca na pinagkasunduan na ipantuturok sa mga residente ng lungsod nang walang bayad, pahayag ni Mayor Emi Calixto-Rubiano. Pag-aari ng kumpanyang British-Sweden ang AstraZeneca. Naniniwala si Rubiano na higit na gagana ang bakunang AstraZeneca upang mapuksa ang South African variant (SAV) ng COVID-19 dahil sa napakataas na efficacy rate nito,…

Read More

1 MILYON PANG SINOVAC INAASAHAN NGAYONG MARSO

INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuloy-tuloy na pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa. Aniya, sa unang plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso. “Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February,…

Read More

WALANG DAPAT IPAG-ALALA SA ASTRAZENECA – ROQUE

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-alinlangan ang mamamayang Pilipino na maturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa kabila ng presensiya ng bagong variants ng coronavirus sa Pilipinas. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makaraang magbabala si molecular biologist and OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na ang AstraZeneca COVID-19 vaccine ay nagpakita ng mababang efficacy rate sa South African variant. “As of March 4,” may 6 na COVID-19 cases ng South Africa variant sa Pilipinas. Base sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) evaluation, ang efficacy…

Read More

BAKUNA ‘VIPs’ IPINAGTANGGOL NI ROQUE

INAMIN ng Malakanyang na may dalawang opisyal ng pamahalaan ang naturukan ng COVID-19 vaccine kahit wala ang pangalan sa priority list. Gayunman, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ” in good faith” ang pagkakabakuna kina Interior Assistant Secretary Jonathan Malaya at Metropolitan Manila Development Authority public services head Michael Salalima sa Pasay General Hospital. Aminado naman si Sec. Roque na nagkaroon ng mga paglabag sa inoculation strategy ng bansa. “The two, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga,…

Read More

Apela ng solon VACCINATION PROGRAM HAYAANG GUMULONG

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na bigyan ng pagkakataon ang gobyerno na ipatupad ang immunization program at pagalingin ang bansa sa kasalukuyang pandemya. Ayon kay House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan, makabubuting ituon ngayon ang atensyon ng publiko sa kabutihang maidudulot ng bakuna kontra COVID-19 sa halip na sa kasiraan at pagpapakalat ng mga maling impormasyon. Kasabay nito, nilinaw ng mambabatas na hindi siya binakunahan noong Marso 2 sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil binigyan siya ng espesyal na pagtrato. Paglilinaw ni Tan,…

Read More