BARAS MAYOR POSITIBO RIN SA COVID

RIZAL – Si Baras Mayor Kathrine Robles ang nadagdag sa mga alkalde ng Lalawigan ng Rizal na nagpositibo sa COVID-19. Naunang nagpositibo si Mayor Joric Gacula ng Taytay at si Jala-jala Vice Mayor Jolet Delos Santos na namatay nitong Martes. Positibo rin si Gov. Rebecca Ynares at naka-home quarantine si Antipolo City Mayor Andeng Bautista-Ynares. Sa press statement ni Mayor Robles sa PaMaMariSan Rizal Press Corps, inamin niyang positibo siya sa COVID-19. Sa kanyang pagtupad sa tungkulin at pakikihalubilo sa mga taga Baras ay kinailangang magtungo siya sa ibang bayan…

Read More

COVID POSITIVE SA DAVAO GALING SA SABUNGAN

DAVAO City – Makaraang ibunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may local transmission na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa lungsod, isa na namang 72-anyos na lalaki mula sa isang sabungan sa lalawigan ng Davao del Sur ang nakumpirmang positibo sa virus. Sa inilabas na test result ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Lunes, Marso 30, ayon sa opisyal ng Municipal Health Office (MHO) ng Matanao, Davao del Sur, may exposure ang nasabing pasyente sa New Matina Gallera dito sa lungsod noong Marso 13, 2020,…

Read More

KAHIT POSITIBO NA SI SEC. ANO, PDU30 WALA MUNANG ‘TAKE 2’ SA COVID TEST

HINDI na muna ulit isasalang sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na magpositibo si DILG Sec. Eduardo Año. Sa text message ni Senador Bong Go, sumagot ito ng ‘di na muna’ sa tanong kung magpapa-covid 19 test ang Chief Executive matapos nga na magpositibo ang Kalihim. “Opo, ingat lang po” ang naging sagot naman ni Go sa tanong kung itutuloy lang ng Pangulo ang self-quarantine sa Bahay Pagbabago. Nauna rito, mismong si Sec. Año ang nag-anunsyo sa publiko na positibo siya sa COVID-19. “I wish to make…

Read More

SMUGGLED PPEs, ALCOHOL IPAMIMIGAY SA FRONTLINERS

GUMAGAWA na ng paraan ang Bureau of Customs para sa posibilidad na maibigay sa mga frontliner ang mga nakukumpiska nilang kontrabandong face mask at mga personal protective equipment o PPE. Sa katunayan ayon kay Customs spokesman Philip Maronilla ay nakikipag- ugnayan na siya sa Department of Justice upang maisapinal na ang ilang hakbangin tungkol sa mga nasamsam na medical items. Ayon kay Maronilla, kasama nila ang NBI na may ginagawang koordinasyon sa DOJ na nagkasa rin ng mga raid at nakakumpiska ng mga overpriced alcohol. Aniya, sinisikap nilang mapabilis ang…

Read More

Staff may COVID-19 OSPITAL SA CALAMBA ISASARA

LAGUNA – Pansamantalang isasara ngayong araw, Abril 1, ang isang ospital sa Calamba City makaraang masuring positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang staff nito. Ito ay upang i-disenfect ang nasabing ospital para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus. Nauna rito, inihayag ng Pamana Medical Center na positibo sa nasabing sakit ang isa nilang staff. Nagmula umano ang biktima sa hanay ng Dietary Staff ng nabanggit na ospital. Nakumpirma ito noong Marso 30, 2020 nang dumating ang resulta ng pagsusuri mula sa Reasearch Institute for Tropical Medicine…

Read More

12 patay, 28 pang kaso naitala 13 BAYAN SA BULACAN APEKTADO NG COVID-19

BULACAN – Umabot na sa 12 katao ang namatay habang pumalo naman sa 28 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong lalawigan. Nabatid na 13 lungsod at munisipyo ang mayroong naitalang kaso ng COVID-19, kabilang ang mga lungsod ng San Jose Del Monte, Malolos at Meycauayan, mga munisipalidad ng Sta. Maria, San Miguel, Marilao, Pulilan, Calumpit, San Ildefonso, Bulakan, Guiguinto, Baliwag at Pandi. Sa update report ng Provincial Health Office (PHO) noong Lunes ng hapon, lima ang nadagdag mula sa pito lamang na death cases at ang mga ito ay…

Read More

MAY COVID-19 SA NAVOTAS, 3 NA

TATLO na ang naitalang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kinumpirma ng pamahalaang lungsod nitong Martes. Ang pangatlong pasyente ay isang 58-anyos na nakatira sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan. Noong Marso 15 nang simulang ubuhin at lagnatin ang ikatlong pasyente, uminom siya ng gamot ngunit hindi pa rin umayos ang kanyang pakiramdam. Marso 27 nang magpakonsulta siya sa ating health center at Marso 29 nang makuhanan ng specimen. “Sa pagitan noong Pebrero hanggang sa pagpunta niya sa health center, marami na po siyang napuntahang mga lugar sa Metro Manila. Ginagawa…

Read More

POSITIBO SA COVID-19 SA VALENZUELA, 10 NA

UMAKYAT na sa 10 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 41-anyos na lalaki ang magpositibo sa nasabing sakit, ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Si patient VC10 at may travel history sa Japan, na-confine sa ospital at gumaling na sa pneumonia. Magsasagawa ang Valenzuela CESU ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabs sa pamilya at kilalang close contacts ni VC10. Ang mga naunang nagpositibo sa COVID-19 ay sina patient VC8, isang 29-anyos na babae, at patient VC9, isang 69-anyos na babae, pawang iniulat na naka-confine sa ospital. Masusing mino-monitor…

Read More

P17-B PONDO NG DOTr GAMITIN “PANTAWID” SA MGA TSUPER NA WALANG PASADA

Badilla Ngayon

WALANG tigil ang panawagan ng mga kaibigan nating lider-manggagawa sa hanay ng uring manggagawa na bigyan ng P10,000 pondo bilang panggastos nila sa panahong ipinatutupad ang isang-buwang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon, sapagkat makatwiran at karapat-dapat ang kanilang panawagan sa administrasyong Duterte. Ang isa pang magandang panawagan ay iyong hiniling ni Senadora Grace Poe sa administrasyong Duterte na ilabas at gamiting ayuda ang P17 bilyong pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon. Ayon kay Poe, ang P17 bilyong pondo para sa mga programa at…

Read More