HIWALAY NA LANE SA CARGO AT DELIVERY TRUCKS PINAIIRAL SA CHECKPOINTS

MAS mapabibilis na ang pagpasok ng pagkain at agricultural products sa Metro Manila (MM). Kasunod ng pinaigting na seguridad kaakibat ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19. Sa Laging handa press briefing, sinabi ni PNP Spokesman Bgen. Bernard Banac na inatasan na ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang mga miyembro ng PNP na nagbabantay sa mga checkpoint na ihiwalay ang linya ng mga cargo at delivery truck na may kargang pagkain at iba pang agricultural products para mapabilis ang pasok nito sa NCR. Samantala, nagkaloob na ng…

Read More

INFORMAL WORKERS IPINASASAMA SA LABOR SAFETY NETS NG DOLE

NAKIUSAP si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ang employment assistance program sa informal sector na naputol ang kinikita sanhi ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources, na naiwan sa isang tabi ang mga informal sector tulad ng driver ng public utility vehicles, vendor at katulad nito na walang alternatibong pinagkakakitaan upang maipakain sa kanilang pamilya. “Sa isang iglap, nawalan po ng kabuhayan…

Read More

BIYAHE NG TRICYCLE SA MGA PALENGKE PAHINTULUTAN

UMAPELA si Senador Francis Tolentino sa Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan ang pagbiyahe ng mga tricycle malapit sa mga palengke. Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na delivery ng mga pangunahing produkto at hindi mahirapan ang mga namimili ng pagkain. Sinabi ni Tolentino na direkta na rin siyang nakipag-ugnayan kay DILG Secretary Eduardo Año para sa kanyang kahilingan na payagan ang kahit sampung tricycle sa bawat public market upang mag-deliver ng mga produkto at maghatid sa mga pasahero. DANG SAMSON-GARCIA 530

Read More

TOTAL LOCKDOWN SAGOT DAW SA COVID-19

PUNA

TOTAL lockdown daw ang sagot para mabawasan ang mahawaan ng COVID-19, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda. Sa pahayag ni Salceda, sa total lockdown sa Metro Manila ay mangangahulugang tigil lahat sa trabaho. Ang papayagan lamang na makapagtrabaho ang media, medical workers, sundalo, pulis at iba pang may kinalaman sa pagtulong sa isyu ng COVID-19. Pero, dapat suportahan daw ng gobyerno ang kanilang pangangailangan tulad ng kanilang pagkain at iba pang bayarin at kwentado na rin daw ni Cong. Salceda kung magkano ang gagastusin ng gobyerno at kakayanin naman daw…

Read More

KRIMEN MAWAWALA SA LOCKDOWN

DPA

KUNG mayroong mawawala o kaya mababawasan ng malaking porsyento ay ang mga krimen dahil sa pagsasailalim ng gobyerno sa community quarantine sa buong Metro Manila. Visible na ang mga pulis at militar sa mga lansangan ngayon sa Metro Manila lalo na sa mga borders upang ipatupad ang community quarantine at maiwasan na dumami pa ng husto ang magkakasakit ng COVID-19 Kung may gagawa pa ng krimen, tiyak na hindi na sila makakalusot sa mga awtoridad kaya malamang ay magtatago muna ang mga kriminal habang nasa lansangan ang mga pulis at…

Read More

BIYAHE PALABAS NG BANSA TULOY

MAAARING bumiyahe ang mga Filipino migrant workers at turista patungong ibang bansa mula Luzon habang nakataas ang “enhanced community quarantine” sa lugar, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. “OFWs and foreign nationals leaving for abroad shall be allowed to leave the Philippines anytime for the duration of the enhanced community quarantine, provided that proof of international travel itinerary scheduled within 24 hours must be presented,” ani CabSec Nograles sa press briefing nitong Martes. Aniya, may mga kondisyon ang polisiya. Isang tao lamang ang papayagan na makasama ng isang biyahero o…

Read More

MULTA SA BUWIS AWAT MUNA – NOGRALES

SA gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19, itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles na huwag nang patawan ng multa ang mga mahuhuling maghain ng kanilang income tax returns. Ayon sa mambabatas, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mahirap na sitwasyon sa kasalukuyan para makapagtransaksyon kaya nagkaisa sila ng kapwa mambabatas na si Albay Rep. Jose Clemente Sarte Salceda, na ipanukala ang nasabing hakbang at ang pag-aalis ng tax filing requirements sa mga maghahain ng ITR. Sinabi pa ni Nograles, na siya ring…

Read More

OPERASYON NG POGO SUSPENDIDO

HINDI pinapayagan ng pamahalaan na mag-operate ang Philippine Online Gaming Operators (POGO) base sa guidelines na ipinalabas nito para sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa buong rehiyon ng Luzon. Ang probisyon ay bahagi ng guidelines na isinapubliko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles,  nitong Martes. Ang operasyon ng POGO sa bansa ay malawak na tinalakay ng pamahalaan at mga mambabatas dahil na rin sa karamihan ng empleyado nito ay mga Intsik. Sa presentasyon sa Senado, isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na laganap umano ang illegal recruitment, illegal detention, at sexual…

Read More

BAYANIHAN BUHAYIN SA COVID-19 CRISIS

PINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Kamara ang kultura ng mga Filipino na “bayanihan” sa gitna ng paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19 upang hindi na lumala ang sitwasyon. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang nasabing mungkahi dahil kooperasyon o bayanihan ang isa sa mga epektibong solusyon para malagpasan ang problemang ito. Kailangang kumilos din aniya ang lahat ng mga barangay official sa buong Luzon at buhayin ang Barangay Emergency Response Teams (BERT) upang matulungan ang mga kabarangay ng mga ito na karapat-dapat mabigyan ng economic aid. Dapat din…

Read More