DINE-IN, SALON BAWAL PA RIN

BAGAMAN balik-trabaho ay limited onsite operations lang sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang re-classifications ay nagbibigay puwang pa rin sa pagpapatupad ng localized o granular lockdowns sa mga lugar na kritikal. Samantala, ang mga lokal na pamahalaan sa mga nasabing lugar ay inatasan na pagbutihin ang kanilang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at pagsunod sa Minimum Public Health Standards. Ang pinakahuling IATF resolution ay nakatuon sa targeted restrictions, limitadong non-essential activities at re-calibrated actions sa specific high-risk…

Read More

DOH iwas-pusoy ‘BATA’ NI BONG GO UMEPAL DIN SA BAKUNA

BUKOD sa P42.4-bilyong halaga ng face masks at face shields, ipinasa rin umano ng Department of Health sa tanggapan ni Undersecretary Lloyd Christopher Lao ng Department of Budget and Management ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Sa pagdinig ng Kamara sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng DOH kaugnay sa inilabas na pagsusuri ng Commission on Audit, inamin ni DOH Undersecretary Carolina Taiño na hiniling ng kanilang departamento sa DBM Procurement Service Office na noo’y pinamumunuan ni Lao na sila na ang bumili ng mga kakailanganing bakuna kontra COVID-19. “Yes, we have requested…

Read More

NCR, LAGUNA MECQ NA MULA AUG. 21-31

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR) at ang lalawigan ng Laguna sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula ngayong Sabado, Agosto 21, 2021 hanggang Agosto 31, 2021. Gayundin, inaprubahan ng IATF na ilagay ang lalawigan ng Bataan sa ilalim ng MECQ simula Agosto 23, 2021 hanggang Agosto 31, 2021. “These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Ang mga local government unit ng mga nabanggit na lugar ay binigyang direktiba…

Read More

IATF HINIMOK MAGSAGAWA NG COMMUNITY RT-PCR TESTING

HINIMOK ni Senador Nancy Binay ang InterAgency Task Force na magpatupad ng libreng RT-PCR testing sa mga komunidad na malaki ang populasyon at mataas ang posibilidad ng COVID-19 cases. Ayon kay Binay, kailangang palawakin pa ang testing upang matiyak na maihihiwalay at agad na magagamot ang mga positibo sa virus. “Kulelat pa rin tayo. Why are we not testing enough? What happened to the target of 90k-100k tests daily? Given the country’s low testing capacity, how can we be effective in isolating carriers and spreaders? Yung patuloy na paglala ng…

Read More

DBM USec. Lao ‘inaccessible’ na BONG GO SABIT SA P2.8-B FACE SHIELD?

(FERNAN ANGELES) LUMUTANG ang maraming katanungan sa pagdinig sa Senado kaugnay ng alingasngas na kinasasangkutan ng umano’y malapit na kaibigan ni Senador Bong Go. Kabilang na rito ang kaugnayan ng senador sa kontrobersyal na overpriced face mask at face shield na binili umano Department of Budget and Management procurement service (DBM-PS) office na noo’y pinamumunuan ni DBM Undersecretary Christopher Lloyd Lao. Si Lao na dati ring aide ni Sen. Go ay hindi na umano mahagilap ngayon ngunit plano ng Senado na ipatawag ito sa susunod na pagdinig upang magbigay-linaw sa…

Read More

NCR MAYORS TIKOM SA BAGONG QUARANTINE STATUS

WALANG irerekomendang anomang desisyon ang Metro Manila Council (MMC) at sa halip ay ipinauubaya na lamang sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang susunod na “quarantine status” na magtatapos sa araw ng Biyernes, August 20, 2021. Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, matapos ang kanyang pagpupulong nitong gabi ng Martes, August 17, sa metro manila mayors sa harap ng nakatakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Abalos, hindi na umakto ang MMC na magbigay ng kanilang desisyon o rekomendasyon para sa pagpapalawig ng…

Read More

93% HEALTH WORKERS BAKUNADO NA

TINATAYANG 93% na ng health workers sa bansa ang nakatanggap ng kumpletong bakuna. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nakatugon na ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna. May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may 1,539,679 na healthcare workers. “Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated. Sa ngayon po mayroon na po tayong mga 3.6 million…

Read More

COVID CRITICAL CASE TUMAAS NG 109%

TINATAYANG mahigit 100% ang naitalang kaso ng critical case ng COVID-19 na nadala sa ospital mula Hulyo 15 hanggang August 15. Ito ang inilahad ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng nakikitang pagtaas sa kaso ng virus na pinalala ng Delta variant. Pati ang severe case ay sumipa ng 182% at nasa 26 na porsiyento ang naka-admit. May 60% naman ang itinaas ng moderate cases habang 124% ang itinaas ng asymptomatic cases. “Ang critical cases ay 14% ng current admissions. Samantala, tumaas din ang severe cases ng 182%. Ang…

Read More

DELTA VARIANT SA CALABARZON, 148 NA – DOH

LAGUNA – Umakyat na sa 148 ang kaso ng Delta variant sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health Regional Office. Naitala sa probinsya ng Laguna ang 48 kaso ng COVID-19 Delta variant, habang sa Cavite ay 44, Rizal, 33, Batangas, 15, at sa Quezon ay walo. Sinabi ni DOH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, kabilang sa 148 na kaso ng Delta variant, apat rito ay kumpleto na ang bakuna, habang 13 ay mayroon nang unang dose. Nasa 58 naman ang walang bakuna…

Read More