COVID CRITICAL CASE TUMAAS NG 109%

TINATAYANG mahigit 100% ang naitalang kaso ng critical case ng COVID-19 na nadala sa ospital mula Hulyo 15 hanggang August 15.

Ito ang inilahad ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng nakikitang pagtaas sa kaso ng virus na pinalala ng Delta variant.

Pati ang severe case ay sumipa ng 182% at nasa 26 na porsiyento ang naka-admit.

May 60% naman ang itinaas ng moderate cases habang 124% ang itinaas ng asymptomatic cases.

“Ang critical cases ay 14% ng current admissions. Samantala, tumaas din ang severe cases ng 182%. Ang severe cases sa ngayon ay 26% ng current admissions. Sixty percent naman ang itinaas ng moderate cases. Ito ang kulay berde sa inyong screen. Forty-one percent or majority ng current admissions ay moderate cases,” dagdag na pahayag ng kalihim.

Patuloy naman ang pakiusap ng Malakanyang na kung moderate case lamang ang nararamdaman ng isang pasyente ay dalhin na lang sa mga temporary treatment at monitoring facilities at huwag sa mga ospital. (CHRISTIAN DALE)

129

Related posts

Leave a Comment