Mga ospital sa bansa BED CAPACITY 40% NA LANG

(FERNAN ANGELES) WALA na sa kalahati ng kabuuang 37,000 bed capacity ng mga pagamutan sa buong bansa ang nalalabi para sa patuloy na dumaraming pasyenteng tinamaan ng COVID-19, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health. Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, 41.7% na lamang ang natitirang COVID-19 dedicated beds at patuloy pang numinipis dahil sa pagdami pa ng mga nahahawa sa bawat araw. Gayunpaman, wala aniyang dahilan upang mabahala dahil pinaghandaan na ng kanilang kagawaran ang ganitong sitwasyon, Katunayan aniya, inihahanda na din ng pamahalaan ang mga pasilidad na…

Read More

PAGGAMIT NG CONTACT TRACING APP PAIGTINGIN

SA gitna ng pagbugso ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19, ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas maigting na paggamit ng local government units (LGUs) at pagtangkilik sa StaySafe.PH application para magkaroon ng unified contact tracing system sa bansa. “Sa totoo lang, kulang pa rin ang contact tracing. Ilang LGUs pa lang ang gumagamit ng unified contact tracing. Hindi kagaya sa Taiwan o Singapore, mayroon silang iisang contact tracing app. Dito sa atin, hindi pa natin napeperpekto ang contact…

Read More

FACE MASK AT FACE SHIELD SABAY PA RING GAMITIN

KAILANGANG sabay na gamitin ang face shield at face mask bilang pag-iingat at proteksyon laban sa COVID-19. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na kailangang sumunod ang publiko sa kanyang payo dahil ibinoto siya ng mga ito bilang lider ng bansa. Aniya, may mga sektor kasing nagpupumilit na hindi na kailangan gumamit ng face shields subalit giit ng pangulo na pananatilihin niyang requirement ang pagsusuot ng face shields dahil nagmamalasakit siya sa kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino. “Sundin lang ninyo ako. Tutal binoto ninyo akong presidente.…

Read More

1M BAKUNA KADA ARAW

TARGET ng Pilipinas na makapagturok ng isang milyong COVID-19 shots sa isang araw. Tugon ito ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon sa panawagan ni Vice President Leni Robredo na bilisan ang vaccination drive habang ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng lockdown. “Mawalang-galang na po kay Vice President Leni, pero in fact, hintayin po natin sa vaccine cluster… ang tatargetin po natin ay aabot na ng isang milyon,” ayon kay Dizon. “Iyon ang target natin, it is more than the 750,000,” dagdag…

Read More

NO BAKUNA, ‘WAG LUMABAS INULIT NI PDU30

IMINUNGKAHI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga indibidwal na hindi pa bakunado na manatili sa kanilang bahay. “‘Yong mga tao na walang bakuna, my suggestion is do not go out of the house until there is a facility where you can go to to have your vaccines,” ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng pangulo sa mga barangay official na pagsabihan ang unvaccinated residents na manatili sa kanilang bahay. Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez na ang COVID-19…

Read More

28 TRIPULANTE NG 2GO POSITIBO SA COVID-19

BATANGAS – Dalawampu’t walo sa 82 tripulanteng lulan ng barkong 2GO Travel ang agad dinala sa quarantine facilities makaraang magpositibo sa nakahahawang COVID-19. Tatlo sa 28 nagpositibo ang nasa malubhang kalagayan, bagamat higit pa sa mga nagpositibo ang ikinababahala ngayon sa lalawigan dahil nakababa na sa barkong St. Anthony de Padua ang mga tripulante bago pa lumabas ang resulta ng kani-kanilang pagsusuri. Bunsod nito, agad nakipag-ugnayan ang Philippine Ports Authority sa local government units sa lalawigan para sa contact tracing. Ani Batangas Port Manager Joselito Cruz, ang barkong sinakyan ng…

Read More

3 TIMBOG SA PAMEMEKE NG RT-PCR TEST

BATANGAS – Malamig na rehas ang kinahantungan ng tatlo kataong itinuturong nasa likod ng pamemeke ng RT-PCR test results para sa mga bumibiyahe mula sa Batangas Port patungo sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas ay Mindanao. Mabilis na dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspek bunsod ng reklamong inihain ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Office na nakadiskubreng pawang peke ang iprinirisentang RT-PCR test certificates ng ilan sa mga pasaherong lumapag sa nasabing lungsod mula sa Batangas Port. Ayon pa sa Calapan…

Read More

LIBRENG SAKAY PINALAWAK SA NCR

TINIYAK ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na wala ni-isang taga Metro Manila ang maglalakad patungo at mula sa kani-kanilang pinagtatrabahuhan. Katunayan, palalawakin pa umano nila ang kanilang Oplan-Libreng Sakay sa gitna ng pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine sa buong Kalakhang Maynila. Sa isang pahayag ng Joint Task Force-NCR, magdaragdag umano sila ng military trucks sa ilang ruta, kabilang ang 14-kilometer SM Taytay-Ortigas Center route. Layunin anilang umagapay sa operasyon ng apat na bus mula sa RRCG Bus Inc. na naghahatid-sundo sa hindi bababa 900 Authorized…

Read More

9 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON

PITO ang naitalang namatay sa Caloocan City habang dalawa naman sa Malabon City noong Agosto 9 habang umabot na sa 3,135 ang active COVID cases sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area. Mula 1,144 noong Agosto 7 ay umakyat na sa 1,151 ang COVID death toll sa Caloocan City, habang 679 ang active cases sa lungsod matapos na 100 bagong kaso ang naitala. Pumalo na sa 40,739 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 38,909 na ang gumaling. Umakyat naman sa 487 ang COVID death toll…

Read More