BATANGAS – Malamig na rehas ang kinahantungan ng tatlo kataong itinuturong nasa likod ng pamemeke ng RT-PCR test results para sa mga bumibiyahe mula sa Batangas Port patungo sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas ay Mindanao.
Mabilis na dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspek bunsod ng reklamong inihain ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Office na nakadiskubreng pawang peke ang iprinirisentang RT-PCR test certificates ng ilan sa mga pasaherong lumapag sa nasabing lungsod mula sa Batangas Port.
Ayon pa sa Calapan City DRRMO, walang angkop na QR code ang ipinakitang COVID-19 test results ng mga indibidwal na agad din naman nilang dinala sa isolation centers upang isailalim sa tunay na pagsusuri.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang nahuling mga suspek na patuloy pang bineberipika ang mga pagkakakilanlan. (CYRILL QUILO)
130 