BATAS VS AYAW MAGPABAKUNA HINDI PA KINAKAILANGAN

AYAW munang kalampagin ng Malakanyang ang Kongreso o ang Local Government Units (LGUs) para magpasa ng batas o ordinansa para gawing mandatory ang COVID-19 vaccination. “Gaya ng sinabi ko po ‘no, ‘nullum crimen, nulla poena sine lege’ – kinakailangan ng batas para po ma-require itong mandatory vaccination at iyong ipapataw na parusa doon sa ayaw magpabakuna. So madali naman pong i-request iyan sa Kongreso dahil alam naman po ng Kongreso rin ang importansya nitong pagbabakuna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Subalit, gaya aniya ng sinabi ng pangulo na sana…

Read More

96 PERCENT SA A1 GROUP NABAKUNAHAN NA

PUMALO na sa apat na porsiyento na lang sa hanay ng mga nasa A1 group o health workers ang hindi pa nababakunahan. Ibinalita ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., wala na sa limang porsiyento ang dapat bakunahan na medical workers. Aniya pa, makikita sa kanilang datos na nasa 1 million, 67 thousand, 630 na ang nakakumpleto ng bakuna sa hanay ng mga nasa A1 group. “Ang kagandahan po dito, malapit na po nating matapos ‘yong healthcare worker ng first jab. Nakaka-96 percent na po tayo. Iyong atin pong talaan sa…

Read More

Paalala ng IATF sa pagbabakuna SUBSTITUTION LIST HINDI WALK-INS

HINDI hinihikayat ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang walk-ins sa COVID-19 vaccination sites. Sa halip, nais ng gobyerno na isulong ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng substitution lists. “The IATF, the COVID-19 policy-making body, was “tentative” on its stand on walk-ins in vaccinations since it could “invite a crowd” at vaccination sites lead to superspreader events,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chair ng IATF. Sa halip, pinayuhan ng gobyerno ang lokal na pamahalaan na maghanda ng substitution list sa pagkakataong ang…

Read More

Solon sa bantang kulong ni PDu30 SUPPLY KALABAN SA PAGBABAKUNA HINDI HESITANCY

HINIKAYAT ni Senador Nancy Binay ang pamahalaan na tugunan muna ang problema sa kakapusan ng bakuna laban sa COVID-19 bago arestuhin ang Filipino na ayaw o bantulot magpabakuna. Sa pahayag, sinabi ni Binay na hindi mandatory ang pagbabakuna kaya ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi pinayagan ipatupad ang vaccine passport. “Number two, I don’t think na ano [vaccine hesitancy] siya. Remember may problema tayo sa supply. It’s not as if ayaw ng mga kababayan natin magpabakuna,” ayon kay Binay. Tinukoy pa ni Binay ang ilang residente ng Maynila na…

Read More

FACE-TO-FACE CLASSES TABLADO PA RIN

PINANINDIGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan ang pagbabalik ng face-to-face classes hangga’t hindi nakakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19. Sinabi ni Pangulong Duterte na papayagan lamang niya na magbalik ang face-to-face classes sa oras na mabakunahan na ang lahat. “In the last meeting, Carlos Dominguez III, the Secretary of Finance, said clearly that we have the money already reserved for the vaccines and it’s there, and we can buy as many vaccines as required, maski na sumobra, mas mabuti ngang sumobra kaysa magkulang,”…

Read More

SEGREGATION SA WORK PLACES INAARAL PA

HINDI ito ang tamang paraan para patulan ang mungkahing ihiwalay ang mga empleyadong bakunado at hindi pa bakunado sa workplace kabilang na rito ang may kinalaman sa proteksyon ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na ihiwalay ang mga bakunado at hindi bakunado sa mga lugar ng trabaho. Aniya, lahat ng suhestiyon ay kinakailangan na pag- aralan muna. Subalit, para kay Sec. Roque, hindi pa aniya ito ang panahon para gawin…

Read More

BAKUNA SA LABAS NG NCR HANGGANG 20K LANG

MAKAKAKUHA lamang ang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila ng 15,000 hanggang 20,000 doses bawat isa habang nag-aagawan ang mga bansa ng mas maraming suplay ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na 1.5 million Sinovac vaccines ang nakatakdang i-deliver ngayong buwan sa mga lugar na sumirit ang COVID-19 infections at sa mga lalawigan na hindi pa nakatatanggap ng bakuna. “Kaunting pasensya lang sa probinsya kasi kapag pinaghati-hati natin ang probinsya, majority po nagkaroon lang ng…

Read More

5 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATH TOLL

NADAGDAGAN ng lima ang COVID-19 death toll ng Caloocan City habang isa naman sa Valenzuela City noong Hunyo 21. Mula 1,049 noong Hunyo 19 ay umakyat sa 1,054 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya sa Caloocan, nabatid sa City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit. Pumalo na sa 37, 488 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 35,851 na ang gumaling, habang 583 ang active cases matapos na may 61 bagong nagpositibo sa virus. Samantala, 20,489 na ang tinamaan ng COVID sa…

Read More

81 PARAK SA N. COTABATO NADALE NG COVID-19

KIDAPAWAN CITY – Umabot sa 81 mga kasapi ng Cotabato Police Provincial Office ang nagpositibo sa COVID-19, iniulat nitong Martes. Ayon kay Cotabato Provincial Police Office Deputy Provincial Director P/Lt. Col. Bernard Tayong, ang pagiging frontliner at pagsisilbi sa publiko ang nakikitang dahilan kung bakit may mga pulis na tinamaan din ng COVID-19. Ayon kay P/Lt. Col. Tayong, sa pinakahuling datos na ipinalabas ng IPHO, 81 na ang nagpositibo sa virus sa hanay ng pulisya sa probinsya. Sa kasalukuyan, nasa 29 na lamang ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling…

Read More