INILABAS ng isang mataas na opisyal ng World Health Organization (WHO) ang pagkadismaya nito sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Ito’y dahil nangangahulugang naging depektibo ang sistemang pangkalusugan ng Pilipinas, pahayag ni Dr. Takeshi Kasai, direktor ng WHO Western Pacific Region. “We are concerned with the situation in the Philippines. We are concerned because the surge [in COVID-19 cases] is really continuing and moving towards the so-called red line — the number of cases exceeds the capacity of healthcare [system],” paliwanag ni Kasai.…
Read MoreCategory: COVID-19
SINITA SA CURFEW TIMBOG SA SHABU
BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng umano’y shabu makaraang masita ng mga pulis na nagbabantay sa Quarantine Control Point sa Malabon City noong Martes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, P/Col. Joel Villanueva ang arestadong suspek na si Rafael Molleda, 30, ng Bulacan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Art. 151 ng Revised Penal Code. Ayon kay Col. Villanueva, alas-10:30 ng gabi, nagbabantay sa Quarantine Control Point sa kahabaan ng MH Del Pilar, Arkong Bato, Brgy. Santulan ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station…
Read MoreP5K MULTA SA WALANG VALID ID SA NAVOTAS
NAG-ISYU ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tatlong ordinansa na magpapatupad ng mas mahigpit na mga hakbang upang makatulong na mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19. Nakasaad sa City Ordinance No. 2021-19 ang pagpapataw ng multang P5,000 sa mga lalabag sa 10 pm–5 am curfew hours, sa obligasyong magsuot ng face mask at 24-hour curfew para sa mga menor-de-edad, at hindi makapagpapakita ng valid government identification cards. Ipinasa ang ordinansa bunsod ng mga report na may mga lapastangang nagbibigay ng pekeng impormasyon sa barangay enforcers kaya’t hindi sila…
Read More17 BAYAN SA QUEZON BALIK SA GCQ
IBINALIK sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang 17 bayan sa lalawigan ng Quezon dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Ito ay sa bisa ng Executive Order na inilabas ni Quezon Governor Danilo Suarez matapos ang pagpupulong ng bumubuo ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) noong Martes ng hapon. Ang buong lalawigan ng Quezon na binubuo ng 39 bayan at dalawang lungsod, ay nasa ilalim ng mas maluwag na MGCQ mula pa noong Setyembre noong nakaraang taon. Batay sa nilalaman ng EO Number 16 ng gobernador, mula…
Read MoreBENEPISYO NG HEALTH WORKERS, TULOY-TULOY
TINIYAK ni Senador Sonny Angara na magpapatuloy ang paggagawad ng benepisyo sa mga frontline health worker sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) kahit mag-expire ang batas sa June 30. Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na malinaw sa batas na tuloy lang ang mga benepisyo sa mga frontline health worker, kabilang ang kompensasyon kapag tinamaan ng COVID-19 sa kanilang line of duty hangga’t nasa ilalim ng state of national emergency ang bansa. Alinsunod sa Bayanihan 2, ang mga magkakasakit na health workers ay…
Read MorePAGGAMIT SA HOTELS BILANG TEMPORARY HOSPITAL PINABORAN
SUPORTADO ni Senadora Nancy Binay ang rekomendasyon ng Philippine College of Physicians na i-convert ang ilang hotel bilang temporary hospital facilities para sa mga mild hanggang moderate Covid-positive patients. “The projected increases and the recent surge in COVID-19 cases have already weakened the entire healthcare system, causing many hospitals in Metro Manila to reach full capacity. Our health workers already feel overwhelmed and many facilities are already overly packed with people seeking immediate medical care,” pahayag ni Binay. Sinabi pa ng mambabatas na ang panawagan ay makatutulong upang mabawasan ang…
Read MoreSa medical, economic frontliners RT-PCR TEST SAGOT NG PHILHEALTH
TUTUSTUSAN ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng RT-PCR COVID-19 test ng isang indibidwal subalit kailangan na ma-meet nito ang ilang kondisyon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng testing protocol ng bansa, ang PhilHealth ang siyang magbabayad ng RT-PCR test ng medical frontliners, economic frontliners, iyong mga na-expose sa pasyenteng may COVID-19 patient at iyong mga may sintomas ng COVID-19. “At most, ang babayaran ay P300. Hindi naman po tama na sabihìn natin na hindi tayo nakakapagbigay ng libreng testing,” ani Sec. Roque.…
Read MoreHEALTH WORKERS SA MGA PROBINSYA TUTULONG SA NCR
NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel mula sa ibang rehiyon na magsisilbing augmentation force ng mga health worker sa National Capital Region (NCR). Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag-uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at DOH Undersecretary Leopoldo Vega. Ani Sec. Roque, sa nasabing pag-uusap ay nabanggit ni Usec. Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang na-recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila. “I don’t know the exact number. But last Saturday, we had…
Read MoreUtos sa PhilHealth PAGBABAYAD SA HOSPITALS BILISAN
INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PhilHealth President Dante Gierran na bilisan ang pagpoproseso ng pagbabayad sa mga ospital. Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan ng kanilang pondo dahil hindi pa bayad ang ibang claims. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, naging malinaw naman ang mensahe ni Medialdea kay Gierran lalo’t 70 porsiyento ng healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong ospital. Lalabas aniya na kung…
Read More