TOTOO sa kanilang mandato na puprotektahan ang bansa sa pagpasok ng ilegal na droga, Nakumpiska ng Bureau of Customs ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon na nakasingit sa mga kargamento ng aquarium filter mula sa Czech Republic noong Disyembre 3. Nang isailalim sa inspeksyon ang kargamento, nakita ang kahinahinalang balot kung kaya’t nagkaroon ng pagdududa na posibleng droga dahilan upang gumamit ng K-9 mula sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsusuri ng mga kargamento. Nakuha ang dalawang plastic pack ng crystalline substances kaya’t kaagad na ipinasuri ang mga ito na sa huli ay nagpositibo sa Methamphetamine hydrochloride o “shabu.” Maliban sa shabu, nakuha rin sa kargamento ang 30…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
2 BAGONG X-RAY MACHINES IKINABIT PARA SA MABILIS NA SERBISYO NG BOC
NATAPOS na noong nakaraang linggo ang pagkakabit ng dalawa pang Portal-type x-ray machines ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port. Ang dalawang bagong x-ray machines ang magpapabilis ng trabaho ng BOC sa MICP na may karagdagang 7,680 containers sa bawat araw na mas mataas sa dati nitong kapasidad. Ang isang portal type x-ray machine ay may kapasidad na magsuri ng 160 container bawat oras. Dati, ang MICP ay mayroong 7 mobile type x-rays na ginagamit na may kakayahang mag-scan ng 25 containers bawat oras o 600 containers bawat araw at isang paleta at cargo x-ray gamit…
Read MoreP11-M FOOD PRODUCTS, UKAY NASABAT NG BOC
MAHIGIT P11 milyong halaga ng iba’t ibang produktong pagkain at ukay ang nasabat ng Bureau of Customs- Manila International Container Port (BOC-MICP) na nagmula sa Hong Kong, Korea at Brazil noong nakaraang Disyembre 6. Ang nasabing mga kargamento na nakalagay sa 6 na container, 5 naglalaman ng misdeclared food products at 1 naglalaman ng misdeclared na used clothing. Ang mga nasabat na food items ay naka-consign sa JL Twins Enterprises and Great Prosperity Import and Export Enterprises. Samantala ang shipment ng used clothing ay naka-consign sa Five JHoch Enterprises. Kaugnay nito, ang MICP ay naghihigpit laban sa smuggling ng food products para lubusang matupad ng BOC na protektahan ang Filipino consumers laban sa hazardous import goods. Dahil…
Read MoreAEO PROGRAM INILUNSAD NG BOC
(Ni BOY ANACTA) INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang Authorized Economic Operator (AEO) Program noong Disyembre 2. Ang programa ay implementasyon ng Section 1227 at 1228 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Customs Administrative Order No. 5-2017 na inestablisa ang Authorize Economic Operator Program sa Pilipinas. Nakapaloob dito ang ‘infrastructure, facility, mechanism, process and benefits necessary for its full implementation’. Ang AEO Program ay haligi ng World Customs Organization’s (WCO) ‘SAFE Framework of Standards to Secure and Facilitate Global Trade’ na ang BOC ay…
Read MoreKAHALAGAHAN NG OPEN COMMUNICATION TINALAKAY SA BOC STAKEHOLDERS
TINALAKAY sa isinagawang Information Drive ng Bureau of Customs Port of Clark, sa tulong ng Public Information and Assistance Division (PIAD), ang kahalagahan ng open communication, sa Quest Hotel, Clark Freeport Zone, Angeles City, Pampanga noong Nobyembre 15. Dumalo sa nasabing okasyon sina CILA President Dr. Francisco Villanueva at Chairman Dr. Irineo Alvaro, kinatawan mula sa iba’t ibang CFZ locators, port users, Customs broker, processors at PEZA locators. Pinangunahan ni Port of Clark District Collector Ruby Alameda ang okasyon sa pamamagitan ng kanyang welcome speech sa mga dumalo sa okasyon. Kabilang sa mga ito ay sina…
Read MoreDIREKTIBA SA BAGONG BOC APPOINTEES INILABAS
NAGPALABAS ng direktiba ang Bureau of Customs sa lahat ng bagong appointees ng iba’t ibang posisyon sa BOC na dumalo sa isinagawang flag raising ceremony sa OCOM Grounds, BOC Compound, Gate 3, South Harbor, Port Area, Manila noong Disyembre 2 para sa kanilang oath taking ceremony. Kasabay nito, ipinag-utos ni BOC Deputy Commissioner for Internal Administration Group Donato San Juan sa bagong appointees na magtungo sa Human Resource Management Division, 2F OCOM Building, South Harbor, Port Area, Manila dakong alas-2 ng hapon. Layunin nito ang pamamahagi ng Notices of Appointment at checklist of requirements na may kaugnayan sa…
Read MoreBOC TUMANGGAP NG MATAAS NA PARANGAL
(Ni Joel O. Amongo) HINDI lang naipasa ng Bureau of Customs ang ‘initiation stage’ ng Performance Governance System (PGS) subalit tumanggap pa ito ng Gold Governance Trailblazer award, ang pinakamataas na parangal ng PGS, matapos ganapin ang Forum Revalida nito sa Bayanihan Center sa Unilab, Pasig City. Sa pamamagitan ng pagpupursige ni Commissioner Rey Leonard B. Guerrero at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan at opisyales ng BOC tungo sa pagbabago ng tanggapan na nais maganap gamit ang PGS, isang hakbang upang hubugin at magkaroon ng pagtutulungan upang mailahad, maipatupad at mapanatili ang magandang layunin para sa pagbabago. Ipinakita ni Commissioner Guerrero sa kanyang presentasyon sa PGS Revalida ang…
Read MoreBOC-PORT OF LIMAY QUOTA NA
HINDI pa man natatapos ang taon, nakalikom na ang Bureau of Customs – Port of Limay ng P47.4 bilyon para sa 2019 calibrated annual revenue collection. Sa ulat ng BOC-Port of Limay noong Oktubre 30, lumampas ng P341.93 milyon ang kanilang target collection na dapat ay P47.06 bilyon. Ayon pa sa BOC-Port of Limay, dalawang buwan na mas maaga ang lagpas nila sa kanilang 2019 revenue collection target. Matatandaan ang Port of Limay ay nagsagawa ng Fuel Marking sa UniOil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 22, kung saan aabot ng 53…
Read MoreMALL SA BINONDO SINALAKAY NG BOC
AABOT sa halos P70 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD) at Armed Forces of the Philippines sa storage units ng isang shopping mall sa Binondo, Manila noong nakaraang Linggo. Armado ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ginalugad ng mga miyembro ng raiding team base sa impormasyon at reklamo ng Baranda & Associates ang mahigit 70 storage units ng mall kung saan nakatago ang mga pekeng produkto. Kabilang sa mga natagpuan sa loob ng bodega ay mga smuggled goods tulad ng mga replica items na brand ng…
Read More