MULING nakasabat ang Bureau of Customs Subport of Mactan ng 15 kilo ng dried seahorses mula sa dalawang Chinese nationals na papunta sa Macau noong nakaraang Nobyembre 8 (Biyernes). Ang nasabing goods ay nakita sa isinagawang x-ray examination sa pangunguna ni Mr. Frannies A. Candado, Security Screening Officer, sa Office of Transportation Security (OTS) Inline Checking Area, MCIA. Ang physical examination naman ay isinagawa naman nina Acting Customs Examiner Pablito B. Geraldez, CIIS Officer-in-Charge Franz Angelo Munoz at ESS-CPD SAII Enrico P. Tamayo, sa harapan ni Mr. Rene P. Amoroto, Fishery Quarantine Officer, Bureau of Fisheries and…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
BOC-SAN FERNANDO WAGI
MATAGUMPAY na nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of San Fernando ang target na koleksyon nito para sa buwan ng Oktubre ngayong taon. Ito ay matapos makapagtala ng positibong 3.16 porsiyento na labis sa dapat na koleksyon na P276,361,480 ng Oktubre. Sa tala ng BOC-San Fernando, lumabas ang aktuwal na koleksyon nito na P285,103,337 kung saan may labis na P8,741,857 sa kita. Patuloy ang pagsisikap ng BOC na mapaganda pa lalo ang revenue collection sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Post Clearance Audit Group (PCAG) na bahagi ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Sa patuloy na…
Read MoreBOC: KOMUNIKASYON, SAGOT SA MAGANDANG SERBISYO
LAYON na maging malinaw sa lahat ang mga panuntunan at regulasyon ng kanilang tanggapan, nagsagawa ng dayalogo sa stakeholders, importer at customs broker ang Bureau of Customs noong nakaraang buwan sa Cagayan de Oro, Cebu at Maynila. Maliban sa panuntunan at proseso, tinalakay din sa pag-uusap ang National Value Verification System (NVVS) , Customs Accreditation at Accounts Management Office (AMO) kasabay ng pagbanggit sa BOC modernization projects tulad ng Parcel and Balikbayan Box Tracking System. Sa Port of Cagayan de Oro, dumalo ang animnapung (60) importers at customs brokers na…
Read MoreP4.4-M ‘HOT’ SUGAR NAKUMPISKA NG BOC
(Ni JOEL O. AMONGO) NASABAT ng Bureau of Customs ang P4.4 milyong smuggled na asukal na nakalagay sa walong (8) containers noong Miyerkoles (Nobyembre 13) sa Port of Manila. Sinabi ng BOC, ang mga kontrabando na dumating sa South Harbor noong Agosto 30, 2019 mula China ay pawang Korach Conditioned Refined Sugar na itinago sa container na idineklara sa customs steel coil. Inihayag ng BOC na RZTREC Trading, ang consignee ng asukal na kinumpiska sa bisa ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento, ay sinampahan ng kasong kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff…
Read MoreMEAT IMPORTS SASALAIN NG DA
IGINIIT ng Bureau of Customs (BOC) na ang meat at pork imports ay kailangang dumaan muna sa inspeksiyon ng Department of Agriculture (DA) bago ito makaalis sa bakuran ng kawanihan. Ito ang nakasaad sa Article IV, Section 12 paragraph (b) ng Republic Act No. 10611, o mas kilala sa tawag na Food Safety Act of 2013, na “imported foods shall undergo cargo inspection and clearance procedures by the DA and the DOH at the first port of entry to determine compliance with national regulations.” Ang inspeksiyon ng DA at ng…
Read MoreINSPECTION VS MV GLOBAL LEGEND IPINATUPAD
NAGSAGAWA ng hazardous inspection ang inter-agency composite team, sa pangunguna ng Bureau of Customs sa Port of Limay, sa MV Global Legend sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 24, 2019. Ang MV Global Legend na may bandera ng Malta, ay naglalaman ng 43.450MT ng Indonesian Steam Coal mula sa Samrinda, East Kalimantan, Indonesia. Ang nasabing operasyon ay parte umano ng “INTERPOL Operation 30 Days at Sea Philippines 2.0”. Ang operasyon na binubuo ng inter-agency law enforcement operation ay nakasentro sa tatlong main operation targets na kinabibilangan ng (1) Pollution from Vessels…
Read MoreP130-M FAKE ITEMS NADISKUBRE SA PASAY
MULI na namang dumagsa ang smuggled items sa bansa partikular nitong pagsapit ng ‘ber months’ na nagsimula noong Setyembre. Ang mga operatiba ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOCCIIS), na kinabibilangan ng customs personnel ng BOC-Intellectual Property Rights Division (IPRD), kasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL, ay muling nakadiskubre ng aabot sa P130 milyong halaga ng fake items noong Oktubre 25, 2019. Ang mga ito ay kinabibilangan ng kilalang brands katulad ng Jordan, Crocs, Fitflop, Nike, Fila, Adidas, Havianas, Disney, Avengers, Barbie,…
Read More1 KILO NG SHABU NASABAT
(Ni BOY ANACTA) MULI na namang nakaiskor ang mga tauhan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), sa pamumuno ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, makaraang makumpiska ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu sa Makati City. Kinilala ang suspek na si Edison Chua, ng Makati Sports Bar, sa 5456 Doña Carmen, Makati City, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Base sa ulat ng CAIDTF, nasabat ng mga tauhan ng BOC ang isang parcel na bumagsak sa warehouse ng FedEx sa…
Read MoreINTELLIGENCE NETWORK PINALAKAS NG BOC
SUNUD-SUNOD ang naging accomplishments ng Bureau of Customs sa iba’t ibang panig ng bansa bunga ng pinalakas na intelligence network ng ahensiya. Bago maupo si Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa Customs, sirang-sira ang pangalan ng ahensiya dahil sa mantsang iniwan ng kanyang pinalitan kaya naman nang maupo ito bilang hepe ay kanyang hinikayat ang mga tauhan nito na sumama at makiisa sa kanyang paglilinis ng ahensiya o lumayas kung hindi kayang gampanan ang tungkulin na nakaatang sa kanila. Kaya naman, mabilis ang pagbabagong naganap sa iba’t ibang tanggapan ng BOC…
Read More