P40.8-M SHABU NAKUMPISKA

SHABU-19

(Ni Joel O. Amongo) Napigilan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) sa pamumuno ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo “Jagger”  Guerrero ang tangkang pagpupuslit sa bansa ng isang pinay ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P40.8 milyon nitong Biyernes, Nobyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Batay sa ulat, ang suspek na si Marie Rusol, 28, ay pasahero ng flight 5J258 mula sa Siem, Reap, Cambodia na lumapag sa Terminal 3 ng NAIA na may bitbit na back pack na naglalaman ng Methamphetamine hydrochloride o…

Read More

KARGAMENTO SA PORT OF NAIA LUSOT NA SA BUWIS DAHIL SA DOOR-TO-DOOR

IMBESTIGAHAN NATIN

Hindi na pumapasok sa kaban ng bayan ang buwis na dapat sana ay nagagamit ng pamahalaan para sa mga programa at proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malawakang pagpapalusot ng mga kargamento sa Bureau of Customs (BOC). Direkta na itong pumapasok sa bulsa ng mga tiwa­ling kawani ng BOC sa pamamagitan umano ng malawakang sabwatan. Batay sa ipinaabot na impormasyon sa SAKSI Ngayon Reportorial Team, ginagamit ng mga ‘Tara Boys’ ang door-to-door na estilo upang makopo ang buwis na dapat sana ay direktang ipinapasok sa kaban ng pamahalaan. Napag-alaman…

Read More

UGNAYAN NG BOC PORT OF CEBU, STAKEHOLDERS PINALALAKAS

PORT OF CEBU-2

Upang lalo pang mapataas ang koleksyon ng Bureau of Customs Port of Cebu, pinalakas ng pamunuan nito ang ugnayan sa stakeholders sa Visayas. Isang diyalogo ang isinagawa noong Oktubre 29 sa Cebu City na kung saan dinaIuhan ito ng 40 importers at customs brokers na nakikipag-transact sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo. Partikular na tinalakay sa nasabing okasyon ay ang ‘parcel tracking system, accreditation system and the National Value Verification System’  na ipinaliwanag ni Atty. Jenny Diokno ng Container Control Unit, Lysander G. Baviera ng…

Read More

OCTOBER TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC SUMIRIT

PORT OF SUBIC-2

NALAGPASAN  ng Port of Subic  ang kanilang target collection nitong nagdaang buwan ng Oktubre. Lumitaw na umabot ang kanilang aktuwal na koleksyon sa P2, 557,834,943.48 mula sa kanilang target na P2,257,654,826.00. Katumbas ito 13.30 porsiyentong pagtaas. Ang malaking koleksyon ay resulta na rin ng pagsisikap ni District Collector Maritess T. Martin ng Port of Subic at sa tulong kanyang mga tauhan.       (Jo Calim) 395

Read More

53 KILOS NG PINATUYONG SEAHORSES NASABAT NG BOC

PINATUYONG SEAHORSES

(Ni Joel O. Amongo) NASABAT ng pinagsanib na mga elemento ng pamahalaan ang 53 kilos ng pinatuyong seahorses mula sa tatlong Chinese nationals sa Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport kamakailan. Batay sa report, nasabat ang kargamento noong Oktubre 8 ng mga kawani ng Bureau of Customs kasama ang  mga kawani ng   Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Transnational Aviation Support Services, Inc. (TASSI) and Counter-Terrorist Unit (CTU) na palipad na sana papuntang Macau. Alinsunod na rin ito sa isinagawang physical ­examination sa pangunguna ni Divina Arreglo, acting…

Read More

PBBTS INILUNSAD NG BOC

PBBTS

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang Parcel at Balikbayan Box Tracking System (PBBTS)  na siyang maghahatid at magsusulong para sa transparency at  mapabilis ang kalakalan. Ang pormal na paglulunsad ay isinagawa sa Bureau of Customs (BOC), OCOM Conference Room South Harbor, Manila, noong Oktubre 30. Layunin ng PBBTS, na magkaroon ng mas epektibong tracking parcels at balikbayan boxes at mapadali ang  pag-access sa pamamagitan ng  BOC website www.customs.gov.ph. Sa naturang sistema, ay makapagbibigay ng updates ukol sa status o kalagayan ng  parcel o balikbayan boxes. Daan na…

Read More

P3.5-M SMUGGLED MEAT PRODUCTS NASABAT NG BOC-POM

SMUGGLED MEAT

Aabot sa mahigit  P3.5 milyon  halaga ng misdeclared pork at iba pang meat products ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) mula sa dalawang containers sa Port of Manila, Gate 3, Port Area, Manila noong nakaraang Oktubre 30, 2019. Ang nasabat na kontrabando ay dumating sa South Harbor noong Oktubre 8, 2019 mula China, ay naka-consign sa JRA & Pearl Enterprises at prinoseso ng Customs broker na si Arlene De Mateo Gonzales. Base sa inisyal report, idineklara ng consignee ang  shipment bilang food enhancers (seasoning) at tomato paste…

Read More

P95-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES-7

Aabot sa P95 milyon  halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga elemento ng Bureau of Customs (BOC) at  Naval Task Group Sulu sa bisinidad ng Laminusa, Siasi, Sulu noong nakaraang Oktubre 27, 2019. Ayon sa report, nakasakay sa ML 3 Brothers ang nasa  2,727 master cases ng Cannon at Fort Cigarettes. Ang operasyon ay nag-ugat mula sa confidential information na natanggap ng mga awtoridad na nagsasabing  mahigit kumulang sa  3,000 hinihinalang smuggled cigarettes na nakasakay sa nasabing barko na naglalayag sa karagatan ng Siasi Sulu. Binigyan naman ng pagpapahalaga…

Read More

BABALA NG BOC VS. OIL COMPANIES: PARUSA SA SUSUWAY SA FUEL MARKING

FUEL MARKINGS

PAPATAWAN ng nararapat  na kaparusahan ang sinumang  kompanya ng langis sa bansa na hindi sumailalim sa fuel marking ng kanilang produktong petrolyo. Ito ang babala  ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagsasabing bukod sa parusang multa, kukumpiskahin pabor sa gobyerno ang kanilang mga produkto. Ang babala ay kasabay  ng itinulak na mabilisang marking ng BOC  sa ‘petroleum products stored, transported and peddled’ sa field testing phase ng nasabing fuel marking  program. Nitong katapusan ng Oktubre, isinagawa ang unang fuel marking activity sa Insular Oil Corporation na matatagpuan sa Subic,…

Read More