BOC REVENUE COLLECTION TATAAS PA DAHIL SA ITINATAG NA PCAG   

BOC-REVENUE

Inaasahang lalo pang tataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maitatag ang Post Clearance Audit Group (PCAG). Sa isinagawang institutional transformation effort ng BOC alinsunod  na rin sa Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019, ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng Customs ay opisyal nang itinatag sa ilalim ng PCAG. Nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang PCAG. Sinabi ni Maronilla, layunin ng PCA na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures and protecting government revenue through compliance audits of imported goods.’ Bukod…

Read More

INDONESIAN HULI SA P54-M SHABU

INDONESIAN DRUG MULE-2

Naaresto ng pinagsa­nib na puwersa ng Bureau of Customs-Anti-Ile­gal Drugs Task Force, X-ray Unit, Office of the Collector at CIIS ang isang Indonesian nang tangkain nitong ipuslit ang  mahigit kumulang sa walong kilong shabu na may street value na P54 milyon ka­makalawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kinilala ni NAIA-Customs district collector Carmelita Talusan ang  dayuhan na si  Agnes  Alexandra, mula sa Seam Reap, Cambodia sakay ng Cebu Pacific Flight 5K 528, dakong alas 2:00 ng madaling araw. Nalaman na ang luggage ni Alexandra ay minarkahan na…

Read More

BOC TUTOK PA VS. ASF CONTAMINATED MEAT PRODUCTS

BOC VS CONTAMINATED MEAT PRODUCTS

NANANATILI  ang mahigpit na pagbabantay  ng Bureau of Customs (BOC) sa lahat ng paliparan at puerto sa buong bansa laban sa pagpasok ng mga karneng pinaghihinalaang kontaminado ng African Swine Fever (ASF). Matatandaang nauna nang nagpalabas ng memorandum ang BOC Manila na may petsang Agosto 27 na nagbigay direktiba sa lahat ng district collectors, sub-port collectors, at iba pang kinauukulang ahensiya para tutukan ang pagpasok ng mga karneng kontaminado ng ASF. Pirmado ang nasabing  memorandum ni BOC Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group Atty. Edward James By Buco.…

Read More

PAGBUBUKAS NG ‘OPASCOR FINGER PIER’ SUPORTADO NG PORT OF CEBU

OPASCOR FINGER PIER

(Ni JOEL O. AMONGO) Suportado ng Port of Cebu ang pagbubukas  ng  Finger Pier  ng Oriental Port and Allied Services Corporation (OPASCOR) noong Setyembre 30. Naging panauhing pandangal  si Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa okasyon na kung saan sa  kanyang mensahe ay ipinaabot nito ang kanyang buong suporta sa programa at aktbidad  ng OPASCOR. Ang OPASCOR, ay isang  enterprise na nagbibigay ng exclusive cargo handling service, na bukas para sa bagong finger pier para magsilbing extension ng Cebu International Port (CIP) para maabot ang pagtaas ng…

Read More

P2.4-M SMUGGLED CIGARETTES NALAMBAT NG BOC-ZAMBOANGA

SMUGGLED CIGARETTES-5

(Ni JOEL O. AMONGO) Aabot sa P2.4 milyong halaga ng smuggled  na sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga noong Setyembre 28. Ayon sa report, ang BOC, kasama ang  elemento ng Philippine Coast Guard, Task Force Aduana, Naval Intelligence and Security Group Western Mindanao at Naval Special Operations Unit, ay nagsagawa ng pinagsamang anti-smuggling operation sa bisinidad ng karagatan ng Istanbak, Lower Calarian, Zamboanga City. Sa naturang operasyon, nalambat ang naturang kontrabando. Ayon kay BOC-Zamboanga District Collector Atty. Segundo Sigmundfreud Z. Barte, Jr.,…

Read More

IMPORTER, CONSIGNEE NG PEKENG SIGARILYO TUMBOK NG NBI-SAU AT CUSTOMS

SIGARILYO-3

(Ni HARVEY PEREZ) Sentro ng isinasagawang magkahiwalay na imbestigasyon ngayon ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) kung paano nakapuslit ang humigit kumulang sa P4 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo na nasamsam sa Binondo, Maynila. Partikular na aalamin ng mga nabanggit na investigating team  kung may kasabwat mula sa Bureau of Custom (BOC) ang consignee at importers ng mga pekeng sigarilyo na idineklara bilang tissue paper mula sa Vietnam. Alinsunod na rin ito sa impormasyon na ang kargamento…

Read More

KOLEKSYON NG SURIGAO SUB-PORT LUMOBO

SURIGAO SUB-PORT

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC)-Bislig, ang isa sa mga sub-port of Surigao, ang kanilang month of September collection target. Sa kanilang huling ulat, nakapagtala ang  BOC- Bislig ng P3,810,972.00 koleksyon para sa nasabing buwan mula  sa kanilang  target na P3,200,000.00 kung kaya’t nakapagtala ng positibong lagpas na P610,972.00 o katumbas ng P19.09%. Matatandaan, noong Pebrero 6, 2019 sa isinagawang selebrasyon ng 117th Founding Anniversary, kasama ang BOC-Bislig sa nakatanggap ng dalawang plaques of recognition para sa kanilang magandang performance. Ang BOC-Port of Surigao District Collector Ciriaco Ugay kasama…

Read More

RENEWAL OF ACCREDITATION OF IMPORTERS PABIBILISIN

pulong

Sentro sa pulong ng BOC-Port of Cebu, CCCI at CCBI Ang pagpapabilis pa sa proseso ng renewal of accreditation ng importers ang pangunahing tinalakay sa pakikipagpulong ni Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu Acting District Collector Atty. Clarito Mendoza sa mga opisyales ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) at Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI)-Cebu kamakailan. Kabilang pa sa tinalakay sa pulong ay ang 7-araw na ibinigay para sa goods declaration, marking duty at valuation ng commodities. Kasabay nito, nilinaw ni Mendoza sa mga opisyal na ang Account…

Read More

VISMIN ASSESSMENT AND OPERATIONS SUMMIT PINANGUNAHAN NG BOC-PORT OF CEBU

VISMIN ASSESSMENT AND OPERATIONS SUMMIT

(Ni JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang first Visayas and Mindanao Assessment and Operations Summit sa isang hotel sa Cebu noong nakaraang Sabado, Setyembre 28, 2019. Si Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza ang nagbigay ng welcome remarks, kasama si  Atty. Edward James A. Dy Buco, Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group. Tinalakay sa nasabing summit ang Methods of Va­luation/Role of Operations in Revenue Collection na pinangunahan ni Dr. Jesus G. Llorando, Acting Chief of Liquidation and Billing Division-Port…

Read More