100 LIVE TARANTULAS NASABAT NG BOC-NAIA

TARANTULAS

(Ni JOEL AMONGO) Aabot sa isandaang pirasong buhay na tarantulas ang nasabat ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Central Mail Exchange sa Pasay City nitong nagdaang Mayo 30, 2019. Ayon sa ulat ng BOC-NAIA, ang mga tarantulas ay nakalagay sa dalawang boxes na  nakasilid sa mga transparent plastic na idineklarang  mails and toys. Nagmula umano sa bansang Poland at Malaysia ang naturang kargamento na nadiskubreng wala umanong health permits. Pawang mapanganib at nakakabulag ng tao dahil sa balahibo nito ang nasabat na mga tarantulas. Itinurn-over na…

Read More

BOC MALAKING AMBAG SA ‘BBB’ PROGRAM NI  Du30

boc

Ang Bureau of Customs (BOC) ang isa sa mga  tanggapan ng gobyerno na inaasahang magbibigay ng malaking ambag  para  panustos sa build, build, build program ng pamahalaang Duterte. Kaya naman, patuloy ang pagsisikap ng ahensya na maabot o kaya’y malagpasan ang kanilang target collection. Una nang napaulat na patuloy na naabot o nalalagpasan pa ang kani-kanilang monthly collection target ng bawat port sa buong bansa. Tulad ng Bureau of Customs-Legazpi Collection District ay patuloy na nalalagpasan ang kanilang revenue mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan. Ang kanilang koleksyon na…

Read More

CYBER ATTACKS LALABANAN NA NG BOC

CYBER ATTACKS

(Ni BOY ANACTA) Lalabanan na ng Bureau of Customs (BOC) ang posibleng cyber attacks sa kanilang mga data na maaaring magi­ging dahilan ng pagkaparalisa ng operasyon nito sa pamamagitan ng paggamit ng FireEye Managed Defense and FireEye Email Threat Protection (ETP) Cloud. Sinimulan ang implementasyon  o paggamit nito noong  nakaraang Mayo 14  ng taong kasalukuyan. Ang FireEye Managed Defense ay isang uri ng system na magbibigay ng totoong oras sa computer system para madaling ma­kita sa BOC. Kaakibat din nito ang Internet Connection Sharing (ICS) at cloud infrastructure. Ang implementasyon…

Read More

BOC-PALAWAN NAKIISA SA PR CRISIS MANAGEMENT COURSE

PR CRISIS MANAGEMENT COURSE

(Ni JOEL O. AMONGO) Nakiisa ang Bureau of Customs-Sub-Port of Palawan sa isinagawang limang araw na PR crisis  management course para sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Estados Unidos  ang naturang PR crisis seminar workshop na isinagawa sa Palawan noong nakaraang Mayo 24, 2019. Layunin ng US Funded Strategic Communications Course na magkaroon ng malawak na kaalaman ang writers at media handlers para sa gobyerno. Layunin din ng kursong ito na makabuo ng internal PR and communications network ang mga ahensya ng gobyerno para…

Read More

P20-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-ZAMBOANGA

smuggled cigarette

AAbot sa P20 milyon halaga ng smuggled cigarettes  ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Marines (PM) at  Philippine Coast Guard (PCG)  sa Danny Udin Salasain Wharf Compound, Arena Blanco, Zamboanga City noong nakaraang Mayo 25 ng taong kasaluku­ttttyan. Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng BOC-CIIS Zamboanga sa tulong ni Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Raniel T. Ramiro na naging dahilan ng pagkakasabat ng nasabing puslit na mga sigarilyo. Ang insidente ay inireport sa Zamboanga City inter-agency smuggling group na kung saan itinuro ni City…

Read More

2 BOGUS BROKERS HULI SA P.5-M EXTORTION

NAIA-7

(Ni JOMAR OPERARIO) Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang pekeng bogus brokers matapos na ireklamo ng pangingikil ng kalahating milyong piso ng isang negosyante kapalit ng  paglabas ng shipments nito na nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noong nakaraang Lunes (Mayo 20, 2019) nakatanggap ang Customs ng reklamo kaugnay sa sinasabing  pangingikil ng dalawang katao ng umano’y kalahating milyong piso kapalit ng pag-release ng shipments na naka-consign sa SHACKA Guns and Ammo na nasa NAIA. Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang Custos Intelligence Group (IG) sa National Bureau of Investigation (NBI)…

Read More

GUERRERO PINANGUNAHAN ANG 11TH FOUNDING ANNIVERSARY NG BOC-PORT OF LIMAY

Commissioner Rey Leonardo Guerrero

(Ni JOEL O. AMONGO) Naging panauhing pandangal si Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa pagdiriwang ng 11th Founding Anniversary ng Bureau of Customs-Port of Limay nitong nagdaang Biyernes. Sa kanyang pagsasalita, binigyang diin ni Commissioner Guerrero ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maabot ang hinahangad na target. “I am counting on your commitment to the service and to our country, as we embark on the program of reformation, innovation, and transformation,” ayon kay Guerrero. Sa panig ni District Collector Guillermo A. Francia ng Port of Limay, binigyang diin nito…

Read More

P1-B SHABU NASAMSAM SA WAREHOUSE SA MALABON

SHABU MALABON

(PHOTO BY JACOB REYES) NASA isang bilyong pisong halaga ng shabu na may 146-kilo ang nasamsam ng pinagsanib na operasyan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  Bureau of Customs (BOC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang warehouse sa Malabon City kamakailan. Sa isang  joint-operation na isinagawa noong nakaraang Huwebes (May 23), nadiskubre ng mga awtoridad na ang nasabing illegal drugs ay nasa loob ng 30 aluminum pallets na kung saan ang tonner bags ay naglalaman ng tapioca starch.…

Read More

P45-K LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC-PDEA; FILIPINO-AMERICAN ARESTADO

LIQUID MARIJUANA

(Ni JOEL AMONGO) Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 30  vape cartridges mula sa isang Filipino-American na pinaniniwalaang naglalaman ng liquid marijuana  na nagkakahalaga ng P45,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa  Pasay City nitong Lunes ng hapon. Kinilala ni NAIA-Customs District Collector Carmelita Talusan ang naares¬tong dayuhan na si  Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng  Winconsin, United States, at residente ng  Merville Subdivision, Parañaque City. Idineklara umano ang mga cartridges bilang tsokolate na pinadala umano ng isang…

Read More