Ni JOEL O. AMONGO Bagama’t nakararanas ang bansa ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic at limitado ang galaw sa NCR Plus Bubble, sa pangkalahatang kalakalan, ang Bureau of Customs (BOC) ay nakakuha ng 51.277 bilyong pisong koleksyon kumpara sa 49.2 bilyong piso na kanilang target para sa nagdaang buwan ng Abril. Ito ay nagresulta ng lagpas na 2.077 bilyong pisong koleksyon na katumbas ng positibong 4.2 porsyentong pagtaas ng kita ng BOC sa nakaraang buwan. Kasama dito, ang karagdagang kita mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) na nakakolekta ng 121…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
1ST IMPORTATION NG PBR MINO-MONITOR NG BOC-PORT OF LIMAY
Bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapaganda ng kalakalan ng bansa, pinangunahan ni Port of Limay acting District Collector William B. Balayo, ang inspeksyon ng paglabas ng Indonesian Steam Coal na nakalaan para sa Petron Bataan Refinery (PBR) sa SMC private port na matatagpuan sa probinsya ng Bataan. Ang importasyon ay kinokonsiderang first importation ng Petron Bataan Refinery bilang isang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB)-Registered Entity. Ang unang importasyon ng PBR ay sumailalim sa mahusay na pagsunod sa lahat ng requirements at kasalukuyang…
Read MoreBAGONG EXAMINATION AREA BINUKSAN NG BOC-PORT OF MANILA AT ATI
Para sa mas lalo pang ikagaganda ng kalakalan sa Manila South Harbor, ang Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) at Asian Terminals, Inc. (ATI) ay nagbukas ng karagdagang designated examination area (DEA) na matatagpuan sa Delgado St. Port Area, Maynila. Ang Delgado ramp kung tawagin nila ay fully operational na matapos na mailagay ang lahat ng security measures sa lugar pati na ang pagtatalaga ng mga personnel mula ESS, CIIS, PDEA, at Coast Guard. Nagkabit na rin ng mga CCTV sa area. Apat na slots ang inilagay sa…
Read MoreIsinampa ng Bureau of Customs CRIMINAL CASES VS TRADERS OF CIGARETTES, GENERAL MERCHANDISE
Patong-patong na kaso ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kumpanya at kanilang mga customs brokers na nagpuslit ng sigarilyo at iba pang mga kalakal. Ang mga sinampahan ng kaso ay ang JDR General Merchandise at ang Gingerbreadman Trading kasama ang kani-kanilang mga customs brokers. Ang JDR General Merchandise at kanilang customs broker ay nag-import umano ng mga pekeng sigraliyo at iba pang kalakal. Subalit nagtangka silang palusutin ito sa BOC sa pamamagitan ng tinatawag na misdeclaration ng dalawang shipments sa Manila…
Read MoreBOC MAS LALO PANG PINAHUSAY ANG ANTI-SMUGGLING AT BORDER PROTECTION
Ni JOEL O. AMONGO Dahil sa pagtugon ng Bureau of Customs na mapaigting pa ang border security, ipinatupad ng ahensiya sa pamamagitan ng kanilang Risk Management Office (RMO) ang tinatawag na ‘selectivity updates’ upang mapabuti ang kampanya laban sa smuggling at border protection. Dahil dito, ang ‘selectivity adjustment’ ay nagresulta sa pagdami ng mga containers na hindi na kailangan pang isailalim sa pisikal na eksaminasyon partikular na sa Manila International Port o MIP. At upang mapangasiwaan ng husto ang mga ito, nakipagtulungan ang Manila International Container Port (MICP) sa X-ray…
Read More400 BALIKBAYAN BOXES IRE-RELEASE NA NG BOC-MICP
Bilang pangako na mapadali ang kalakalan at bahagi ng kanilang social responsibility, tuluyang ini-release ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (MICP) ang may 400 Balikbayan boxes na nasa kanilang pag-iingat. Sa pamamagitan ng tulong ng MICP, mabilis na naproseso ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) at ATLAS Shippers Manila ang pag-release ng Balikbayan Boxes na orihinal prinoseso ng CMG International Movers & Cargo Services (CMG). Inamin ng BOC na apektado rin ng pandemya ng COVID – 19 maging ang pagrelease ng mga Balikbayan boxes. Tinatayang…
Read MoreBOC NANGUNA SA JOINT CLUSTER MEETING NG NSW-TWG
Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsasagawa ng pagpupulong para sa National Single Window – Technical Working Group (NSW-TWG). Kasama rin sa nakiisa sa pulong sina Anti- Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, bilang Vice Chairperson for NSW Onboarding Matters, at BOC Management Information System and Technology Group (MISTG) Deputy Commissioner Allan Geronimo bilang Vice Chairperson for NSW Technical Matters. Sa Joint NSW-TWG Meeting, ang DOF TRADENET Project Management Office (PMO) ay inilahad ang natuklasang impormasyon na makatutulong sa pagbalangkas ng mahusay na…
Read MoreP65-M SMUGGLED ITEMS HULI NG BOC-MICP SA MAYNILA
Aabot ng animnaput limang milyong pisong (P65-M) halaga ng iba’t ibang kalakal ang nasabat ng Bureau of Customs’ (BOC) anti-smuggling campaign, sa pamamagitan ng Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) sa Binondo, Maynila. Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI). Ito ay sa pamamagitan ng implementasyon ng isang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. Nauna rito, ay…
Read MoreCUSTOMS NAIA SUMAILALIM SA IQA
Ni JOEL O. AMONGO Sumailalim na sa stage 1 ng Internal Quality Audit ang Bureau of Customs (BOC) – Port of NAIA bilang paghahanda sa kanilang International Organization for Standardization (ISO) certification. Ipinaliwanag ni MGen. Leandro Loyao III, Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) Head ang pagkalahatang ideya ng internal audit process at ang halaga nito patungo sa pagkakaroon ng ISO certification. Inihayag din ni District Collector Carmelita M. Talusan ang kanyang suporta sa paggawa ng audit na isa sa kanyang mga prayoridad bilang pinuno ng BOC – NAIA.…
Read More