SINO itong mataas na opisyal ng pamahalaan at asawa ng kanyang alalay — na opisyal din ng gobyerno — na diumano’y tandem sa ilang subcontract projects sa bahagi ng Mindanao? Bagama’t hindi flood control projects, napakadelikado pa rin sa publiko ang mga ito dahil sa paggamit ng hindi akmang materyales sa disenyo at porma ng proyekto. Ayon sa mga nakakaalam, hindi lamang sila magkapareha sa trabaho kundi tandem din sa umano’y pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kilala ang naturang opisyal sa kanyang pagiging magandang lalaki at pormal na pananamit, ngunit…
Read MoreCategory: METRO
NCRPO HANDANG ARESTUHIN ANG MGA RALIYISTA SA ST. GERRARD CONSTRUCTION
HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na arestuhin ang mga raliyistang nangalampag sa St. Gerrard Construction sa Pasig City, ayon kay NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin. Nauna nang sinalakay ng mga raliyista ang compound ng pamilya Discaya kung saan pinagbabato ng putik ang tarangkahan at nagsulat ng salitang “Magnanakaw” gamit ang pintura. Ayon kay Aberin, hindi nila palalampasin ang anumang pagkilos na hahantong sa kaguluhan, bagama’t tiniyak niyang paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance. Nilinaw ng opisyal na wala pang pormal na reklamong inihahain laban sa…
Read MorePARTY-LIST REP UMALMA SA PAGKAKASAMA SA ILBO KAUGNAY SA FLOOD CONTROL ISSUE
PUMALAG ang isang kinatawan ng party-list matapos mapabilang sa nakalagay sa immigration lookout bulletin order na inilabas ng Department of Justice. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakasama sa listahan ang pangalan ni Magsasaka Party-list Rep. Ferdinand Beltran batay sa hiling ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta. Muling iginiit ng kalihim na ang pinagbatayan lamang ng kanilang inilabas na ILBO ay mula sa request ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Senado. Sinabi pa ni Remulla na posibleng hindi pa nakalabas ng…
Read More2 BABAE, 1 PA TIMBOG SA BUY-BUST
INARESTO ng pulisya ang isang lalaki at dalawang babae na tinaguriang high-value individuals sa isang drug buy-bust operation sa Taguig nitong Setyembre 4. Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD), katuwang ang Taguig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala sa alyas Vince, 43; alyas Urmesh, 34; at alyas Jay, 33. Nasamsam sa operasyon ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon at isang cellphone. (CHAI JULIAN) 119
Read MorePONDO NG PARTIDO, NAPUNTA LANG SA OPISYAL?
NAKAGUGULAT ang balitang lumulutang ngayon tungkol sa isang kilalang opisyal ng isang makapangyarihang partido pulitikal. Imbes daw na mapunta sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang grupo ang koleksyon mula sa mga miyembro, diretso raw itong napupunta sa bulsa ng naturang opisyal. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ginagastos lamang umano ng nasabing opisyal ang pondo sa luho—mga mamahaling kotse na nakaparada sa Davao del Norte at koleksiyon ng mga baril na dapat na raw siyasatin ng NBI at PNP. Hirit pa ng ilan, baka kailangan pang mag-SAF para sa posibleng raid.…
Read MoreSUPORTA SA JEEPNEY DRIVERS AT MODERNIZATION PROGRAM, KULANG PA – REP. POE
QUEZON CITY — Nanawagan si Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, ng mas mataas na suporta mula sa gobyerno para sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Sa isang pagdinig sa Kongreso, iginiit ni Poe na ang presyo ng modernong jeep na umaabot sa ₱2 milyon kada yunit ay nagbabaon sa libu-libong tsuper sa pagkakautang. Aniya, hindi dapat maging kapalit ng modernisasyon ang pagdurusa ng mga driver, kundi dapat itong magbigay ginhawa at pag-angat sa…
Read More2 OPISYAL MAGKA-TANDEM SA PANGUNGURAKOT?
SINO itong dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na hindi lang magkasosyo sa “tongpats” kundi tila magka-relasyon pa? Ayon sa mga usap-usapan, hindi lang simpleng “kickback” ang usapan dito—may nakatakda pa umanong quota: hindi bababa sa ₱20 milyon kada linggo ang dapat makolekta. Hindi pa roon nagtatapos. May itinalagang lingguhang “parte” rin ang alalay na opisyal, tinatayang nasa ₱200,000. Ang masaklap, imbes na mapunta sa pondo ng bayan, napupunta raw ang milyong ito sa kanilang personal na bulsa at luho. Bukod sa pera, usap-usapan na may mamahaling gamit at luxury…
Read MoreP96-M GHOST PROJECT ISININGIT SA BICAM — RIDON
INAMIN kahapon ni House committee on public accounts chairman Terry Ridon na ang P96-milyong flood control project sa Plaridel, Bulacan na tinukoy ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon bilang ghost project ay produkto ng congressional insertion sa Bicameral Conference Committee ng 2024 General Appropriations Act (GAA). “The P96-M Wawao Builders project inspected and deemed ghost project by DPWH Sec. Vince Dizon is a congressional insertion in the bicameral conference committee,” pahayag ni Ridon. Sinabi ng mambabatas na batay sa kanilang pagsusuri, wala ang nasabing proyekto…
Read MoreMGA TIWALING KONTRATISTA, OPISYAL PINATETESTIGO
HINIKAYAT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong kontratista na tumestigo hinggil sa mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control ng pamahalaan. Ipinahayag ito ni Remulla sa isang press briefing at sinabi ring maaari silang lumapit sa mga kilala nilang piskal o sa Department of Justice. “It makes the job much easier ‘pag meron kang naging state witness dito,” aniya. Dagdag pa ng kalihim, tatanggalin sila ang mga aamin sa pananagutang kriminal ngunit hindi sa pananagutang sibil. “Isauli naman ‘yung kanilang yaman…
Read More