SALN NG MGA KONGRESISTANG PINANGALANAN NG MGA DISCAYA PINALALANTAD

HINAMON ng isang miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na idinawit ng mag-asawang Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya sa anomalya sa flood control projects na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee. “Sa pagbubunyag nitong umaga sa Senado, hinahamon natin ang lahat ng nadawit—mula tauhan at opisyal ng DPWH hanggang sa ilang mambabatas—na ipakita ang kanilang SALN at lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency,” ayon kay Akbayan party-list Rep. Chel Diokno.…

Read More

USWAG ILONGGO REP. ITINURO RIN NG MGA DISCAYA

KASAMA sa mga binanggit ng mag-asawang kontratista na sina Sara at Curlee Discaya si Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang bilang isa sa mga mambabatas na umano’y tumanggap ng pera mula sa kanilang mga infrastructure project. Sa isang 10-pahinang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng mag-asawa na napilitan silang magbigay ng 10 hanggang 25 porsyento ng pondo ng proyekto sa mga mambabatas upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kanilang mga kontrata. Iginiit nila na paulit-ulit na sinasabi ni Ang na ang kanyang mga proyekto…

Read More

QUIMBO KINUWESTYON SA PAGBAWAS NG PONDO PARA SA MARIKINA RIVER PROJECT

HINILING ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa mga dating chairperson ng House Committee on Appropriations na sina Zaldy Co at Stella Quimbo na ipaliwanag ang paglipat ng bilyon-bilyong halaga ng foreign-assisted flood control funds mula sa 2024 at 2025 national budgets, kabilang ang Pasig-Marikina Channel Improvement Project. “As a former Chairman of the Committee on Appropriations, I know the importance of carefully planned and vetted ODA projects,” sabi ni Ungab sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “The rationale for deleting or reducing these flagship…

Read More

ARJO ATAYDE KASAMA SA MGA PINANGALANANG ‘NAMOMORSIYENTO’ SA MGA PROYEKTO NG DISCAYAS

PINANGALANAN si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde ng mag-asawang contractor na sina Sara at Curlee Discaya sa mga nanghingi ng porsyento sa kanilang mga proyekto at para hindi maipit ang kanilang kontrata. Sa sinumpaang salaysay ng mga Discaya, kabilang si Rep. Atayde sa mga binibigyan umano nila ng 10 hanggang 25 porsyento. Anila, napipilitan silang magbigay dahil sa panggigipit sa kanilang kumpanya. Ayon sa mag-asawa, inabot nila ang porsiyento ni Arjo sa ama ng kongresista na si Arturo Atayde. “Ang hinihingi nilang porsiyento ay hindi bababa sa 10%…

Read More

Handang tumestigo vs Digong? GARMA SUMIBAT PA-MALAYSIA

POSIBLENG maging saksi ng International Criminal Court (ICC) si retired police colonel Royina Garma sa kasong crimes against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. “Pumayag na raw siyang maging witness, sabi ni Senator Trillanes. Nakikipag-ugnayan ako kay Trillanes kasi wala naman tayong opisyal na relasyon sa ICC, maliban sa pagbabantay sa mga testigo dito,” ani Remulla. Inamin din ni Remulla na ilang buwan na nilang napag-uusapan ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Garma. Pero nilinaw ng kalihim na hindi pa siya…

Read More

KASO LABAN SA MGA OPISYAL NG PCSO PINABABASURA SA OMBUDSMAN

NANAWAGAN ang ilang kasapi ng Association of Retired RTC Judges of the Philippines Inc. (ARRJOP) at Philippine Judges Association (PJA) kay Acting Ombudsman Dante Vargas na ibasura ang administrative case na isinampa ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur laban sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang kaso ay kaugnay ng renewal ng lisensya ng STL operator sa naturang probinsya. Sa reklamo, idinawit ang dating hukom at kasalukuyang PCSO chairman Felix P. Reyes, na isa rin sa mga aplikante para sa posisyon ng susunod na…

Read More

LOOKOUT BULLETIN VS ZALDY CO, MGA KASAMA SA 2025 BUDGET INSERTIONS – LCSP

NANAWAGAN ang Lawyers’ Committee for Social Progress (LCSP) na isama sa Immigration Lookout Bulletin ang mga kasapi ng tinaguriang small committee ng Mababang Kapulungan na responsable sa bicameral insertions sa 2025 national budget. Giit ng grupo, mismong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang nagpatunay na ang P96-milyong Wawao Ghost Flood Control Project sa Plaridel, Bulacan ay isang Bicam insertion. Anila, isa lamang ito sa tinatayang P410 bilyong pisong kwestiyonableng alokasyon na ipinasok sa pambansang pondo. Pinunto ng LCSP na malinaw ang mandato ng Saligang…

Read More

4 LANG SA 15 TINUKOY NA FLOOD CONTROL CONTRACTORS MAY MALINIS NA RECORD

LUMABAS sa pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na apat lamang sa nangungunang 15 flood-control contractors na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may malinis na record sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Batay sa Contractors Performance Evaluation System (CPES) ng DPWH, nakatanggap ng satisfactory rating ang Centerways Construction and Development Inc., Eight J’s Construction Services, Royal Crown Monarch Construction and Supplies, at Topnotch Catalyst Builders Inc. Ginagamit ang CPES upang masuri kung natatapos ang proyekto sa itinakdang panahon at alinsunod sa requirements bago ito…

Read More

PCAB LAW BAGUHIN O IBASURA NA – TULFO

PINUNA ni Senador Erwin Tulfo ang probisyon ng Republic Act 4566 o Contractors’ License Law na nagtatakda na tanging mga kontratista ang maaaring maupo bilang miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB). Ayon kay Tulfo, malinaw na may conflict of interest dahil mismong mga kontratista ang nakaupo at siyang nagbabantay sa pagpapatupad ng mga proyekto ng konstruksyon. “Paano nila mababantayan at mare-regulate kung maayos, hindi substandard, o walang ghost project kung sila rin mismo ang mga kontratista nito?” tanong ng senador. Ihahain ni Tulfo ngayong Lunes, Setyembre 8, ang isang…

Read More