TAGUIG BINIGYAN NG KORTE NG HIGIT 2 LINGGO PARA BUKSAN MGA PASILIDAD SA EMBO

MAY higit dalawang linggo pa ang Lungsod ng Taguig para buksan at ayusin ang mga pampublikong pasilidad sa mga barangay ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO). Ito’y matapos magdesisyon ang Taguig Regional Trial Court nitong Huwebes na palawigin ang bisa ng Temporary Restraining Order laban sa Lungsod ng Makati. Kasabay nito, inutusan din ng korte ang Makati na huwag hadlangan ang Taguig sa pagsasaayos ng mga pasilidad. Nitong May 8, 2025 ibinaba ng korte ang extension na nagpapalakas sa karapatan ng Taguig na pamahalaan ang mga pasilidad, base sa desisyon ng…

Read More

Alyansa’ slate sa mga botante: Huwag iboto tamad, magnanakaw!

(Itinaas ni Pangulong Bongbong Marcos ang kamay ng kanyang mga pambato sa Senado na sina: (L-R) Mayor Abby Binay, Congressman Erwin Tulfo, dating Senator Vicente Sotto III, Senator Lito Lapid, Senator Pia Cayetano, dating Senator Ping Lacson, dating Senator Manny Paquiao, Senator Francis Tolentino, dating Local Government Secretary Benhur Abalos at Senator Ramon Revilla Jr. (Danny Bacolod) MANDALUYONG CITY — Kung gusto natin ng pagbabago at maayos na gobyerno, huwag na huwag iboto ang tamad at magnanakaw! Ito ang mensahe ng mga administration-backed senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong…

Read More

EVANGELICAL PASTORS SUPORTADO SI PACQUIAO

PASAY CITY — Nagtipon-tipon ang mga evangelical pastor mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa Cuneta Astrodome para sa “Mission Possible,” isang pagtitipon bilang suporta sa kandidatura ni Manny Pacquiao sa Senado. Ipinakita sa okasyon ang lumalawak na suporta ng komunidad ng pananampalatayang Kristiyano para sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado. Nagsimula ang pagtitipon sa isang pagsamba, sinundan ng pagtitipon ng mga pastor at isang panalanging sama-samang pinangunahan ng mga lider-evangelical para kay Pacquiao at iba pang Kristiyanong nasa serbisyo publiko. Binigyang-diin sa okasyon ang pagkakatugma ng mga pinahahalagahan ni…

Read More

Mga Pasigueno hinimok suriin pamumuhay sa nakalipas na 6 taon PAGTUTOK SA BASIC NEEDS NG MGA RESIDENTE PRAYORIDAD NI DISCAYA

ILANG araw bago ang botohan sa Lunes, hinikayat ni Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya ang mga botante na pag-aralang mabuti ang nagdaang anim na taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at suriin kung bumuti ba o hindi ang kanilang pamumuhay. Ayon kay Disacaya, hindi lamang “good governance” ang kailangan ng mga taga-Pasig kundi kailangang maibigay sa kanila ang serbisyo at suporta para mapabuti ang kanilang kondisyon. Aniya, bagaman mabuti ang pagkakaroon ng good governance, hindi naman ito makapagbibigay ng economic support na krusyal para sa pagbuti at pagpapahusay ng pangkalahatan.…

Read More

Sa mahigit 300K Pilipino sa isang taon ACT-CIS PARTY-LIST NAKAPAGHATID NG MAHIGIT P1.4-B SERBISYO

PATUNAY ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang party-list sa Halalan 2025, ACT-CIS Party-list, ang higit sa P1.4 bilyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan sa mahigit 300,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa mula 2024 hanggang sa kasalukuyan. Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtutulay sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang…

Read More

ABBY BINAY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO UTOL SA MAKATI

PINUNA ng ilang manonood na tila ‘much better’ o mas nanaisin pa ni Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok sa Magic 12 kaysa manalo si Senador Nancy Binay laban sa kabiyak na si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati City. Sa kanyang speech kamakailan sa campaign trail sa lungsod, sinabi ni Abby Binay na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos na tumatakbong alkalde laban sa kapatid niyang si Senador Nancy Binay. Aniya sa…

Read More

BATANGAS SOLON INIREKLAMO SA COMELEC

INIREKLAMO sa Commission on Elections (Comelec) si incumbent Rep. Jinky Bitrics Luistro na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Batangas dahil sa paglabag sa mga panuntunan kaugnay sa May 12 elections. Sinabi ni dating congressman Raneo E. Abu na dalawang reklamo ang kanyang inihain sa Task Force SAFE ng Comelec laban kay Luistro kabilang rito ang paglabag sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines at pag-abuso sa paggamit ng state resources na inilabas ng Comelec. Bagamat ipinagbabawal na simula March 28 ang presensya ng mga kandidato sa distribusyon o payout…

Read More

LUZON EXECS TODO SUPORTA KAY ERWIN TULFO AT SA ALYANSA

ILANG araw na lang bago ang May 12 Elections, todo na ang suporta ng mga local chief executive mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon at Metro Manila kay LAKAS-CMD senatorial candidate Erwin Tulfo at sa mga kasamahan nito sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate. Una nang nagpahayag ng kanilang suporta ang mga lider ng tinaguring “Solid North” mula sa Ilocos Region ang La Union, Abra, Benguet, at Pangasinan nang dumalaw si Tulfo sa mga nasabing lugar nitong nagdaang buwan. Nakuha rin ng numero unong pambato ng Alyansa at…

Read More

TRABAHO PL PINURI UTOS NI PBBM NA IBABA INTEREST RATE SA SSS SA CALAMITY LOAN

IPINAHAYAG ng TRABAHO Party-list nitong Miyerkoles ang kanilang buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang interest rate sa calamity loans ng Social Security System (SSS). Ayon sa grupo, ang pagpababa ng mga interest sa calamity loan ay isang mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga kasalukuyang naapektuhan ng mga pagputok at pag-alburoto ng mga bulkang Bulusan at Kanlaon. Alinsunod sa utos ng Pangulo, babawasan ng SSS ang interest rates sa mga calamity loan upang agad na…

Read More